Heartbreaker 24: After Party

93 2 0
                                    

I'm the heart breaker and hindi ko alam kung matatanggap ko ang gusto niya.

Mayumi

--

Natapos na ang party kaya naman pumunta ako ng kwarto para makapagbihis muna. Pinili ko na lang ang isang simpleng white dress at nagflats bago pumunta ulit sa poolside. May mangilan ngilan pa kaming bisita at kailangang presentable ang ayos ko.

"Hey Cupcake." Napalingon ako sa likod ko at nakita si Daddy. Hindi pa rin ito nagpapalit at nakasuot pa rin ng amerikana. Bumaba na ako sa hagdan at lumapit sa kanya habang nakatayo ito malapit sa bintana.

"Hi Dad." I greeted him as I kiss him on his cheeks. Ngumiti naman ito sa akin bago tumingin sa poolside.

"Are you going there?" Tumango lamang ako bilang sagot sa tanong niya. Nakikita ko naman ang pagod sa mga mata ni Daddy lalo nang humikab ito.

"Ako na ang bahala dito Dad. Go upstairs and get some rest. Naroon na rin po si Mommy." Sabi ko. Alam ko namang marami silang ginawa para sa araw na ito. In fact, si Mom ang may gusto ng event na ito. She's too excited na parang kasal ko na ito.

"Get some rest after everything. Some of our visitors might still be there. I'm not sure if Thaddeus is still here." Napataas naman ang kilay ko nang mabanggit ni Daddy ang pangalan ni Thaddeus. Naalala ko na naman na siya pala si Ar.

"Dad, how did you knew na siya si Ar? Paano niyo nalaman na connected sa akin si Ar?" Bigla namang sumeryoso si Daddy. Napakamot na lamang ito sa ulo tsaka bumuntong hininga.

"I had him investigated Ayu. You're my case and because of that, I had everything about you investigated. Personal information, business associates, groups and organizations even people near you ten years ago. You know how this works. Pwedeng isa sa mga kakilala mo ang may alam ko nasaan sila ngayon." Napamulsa na lang si Daddy. He's growing old and the few white hairs on his head proved that. Maraming ginagawa si Daddy at alam kong isa na roon ang pagalam kung nasaan na ngayon ang mga taong pumatay sa pamilya ko.

"Dad.." I said and he looked at me.

"Do you think, mahahanap pa natin sila? Do you think we can still find Ana alive?" I said with no hope. It's been 10 years of an endless search. The only clue we have is Ana is alive and those who killed my family are part of a black organization.

"We will Cupcake. Wag mo na gaanong isipin iyon. Kami na ni Lifa ang bahala sa lahat. We don't want your pretty hands stained." Ayaw talaga nila akong isama sa paghahanap. Sabi ni Daddy, killing for revenge is the most unacceptable form of killing.

I never killed a person. Nang araw na harangin kami ng mga kaibigan ni Olga at nang araw na muntik na kami turukan ng drugs, sinusugatan ko lang sila sa mga parte na madidisable sila sa paggalaw. I do not kill but I give them the most painful wound possible. I am stained by the blood of those I hurt but never by the blood of the people I never got the chance to kill.

"Ikamusta mo na lang ako kay Ar." Sabi ni Dad as he waved his hands. Nagsimula na akong maglakad papunta sa poolside. Abala naman ang catering service na kinuha naming sa pag-aayos ng mga gamit. Ang mga upuan at lamesa na ginamit ay inilalagay na nila sa truck na nakaabang naman sa may gate.

Ang mga taga-BLU naman ay nakauwi na pati na rin ang mga kasosyo ni Daddy.

"Miss Mud, saan po namin ilalagay ang mga ito?" Tumingin ako sa kasambahay naming dala dala ang mga regalong ibinigay sa akin. Marami rami rin ang mga ito kumpara sa nakaraang taon.

"Put them on the third room." Tumango naman ang kasambahay at pumasok na sa bahay. Bubuksan ko nga ang mga regalong iyon ngunit ipapadala ko na sa Children's Voice Orphanage pagkatapos. Kadalasan namang mga damit, sapatos o kung ano pa man ang natatanggap ko.

I MET THE MAN WHO BROKE THE HEART BREAKER'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon