6 months

28.9K 403 2
                                    


After nang kasal namin at nung pag uwi ko ay nakita ko yung asawa ko sa loob ng bahay namin na naghahalikan sa di ko kilalang babae. Buti nalang nacontrol ko pa ang sarili ko baka kasi mapano ang mga baby ko pag pinairal ko ang emosyon ko. 1 month passed still ganun parin kami ni xy nag stop na ako sa pag aaral ko habang si xylan naman ay nag aaral. 2nd sem na at malapit na ding mag bakasyon.

Gabi gabi late siya palaging umuuwi dito sa bahay di niya ako kinikibo parang hangin lang ako sa kanya. Pinagsisilbihan ko siya kahit hirap na hirap nako kasi masyadong malaki narin yung tiyan ko pero palagi niyang binabalewala. Wala siyang paki alam saken kahit magkatabi kaming matulog  eh parang ako nalang ding mag isa ang nasa kwarto kasi di ko manlang ramdam ang presensya niya. Tuwing umaga. Nasusuka parin ako kahit sobrang hirap eh di niya ako pinapansin o inaalalayan. Akala ko kagaya to sa ibang pinapanood ko sa Tv. Or binabasa sa mga stories na nung nalaman ni guy na nabuntis niya si girl ay matututunan niya din itong mahalin at aalagaan pero parang walang nag bago. He didnt even care about our babies kahit manlang yung kambal nalang mahalin niya at bigyan bg pansin ay ok na ako Kahit di na ako kakayanin ko naman eh. Tuwing gabi rin akong umiiyak kapag di pa siya umuuwi. At nalaman ko rin na naglilihi pala ako and guess what its not Ano. Kundi Sino.

Natatawa nga ako nung pinaglilihian ko si phil ang kyoot kyoot niya kasi. Sina phil, kyl at marc nalang ang nagpapasaya sakin tuwing hapon after class nila pumupunta sila sa bahay and every weekend akala ko nga kasama nila si xylan pero hindi daw. Nalaman ko rin na pumuntang US si sean nalungkot ako ng hindi manlang siya nag paalam napalapit narin kasi ako sa kanya

Hapon na kaya naghanda na ako ng miryenda pupunta kasi dito sina kyl
And after some few minutes may nag doorbell kaya binuksan ko ang pinto and nakita ko na sila sa labas ng gate

Agad akong naglakad para buksan ang gate tsaka ko kinurot ang magkabilang pisngi ni phil nkakatawa talaga yung mukha niya sarap nguyain hihihi

"Wano bwaa bweeenis mwaasakit"
Reklamo ni phil

"Hahaha yan kasi ikaw ang napaglihian kaya tiisin mo yan ng ilang months" natatawang sabi ni kyl na kaagad din akong niyakap at nag beso ganoon din kay marc

"Hehe pasensya kana phil ha! Nanggigigil ako sa mukha mo eh hehe" at nag peace sign lang ako nakita ko namang nag pout lang siya ang kyoot kyooot niya talaga kaya di ko namalayang kinukurot ko na pala siya hihihi

Pumasok na kami sa loob habang kumakapit ako sa braso ni phil haha ganito pala pag naglilihi well sanay na naman si phil na ganito ako ka touchy and clingy sa knya 1 month na din kasing ganito ako sa kanya at mejo naging iba ang ugali ko naging childish bibo at masigla ako pag kaharap ko sila pero pag sa ibang tao eh antahimik ko pati narin kay xylan.

"Asan nanaman kaya pumunta ang magaling mong asawa?"
Napatingin ako kay kylie tsaka dinedma nalang ang tanong niya lalo lang ako nasasaktan pag naaalala ko siya. Baka kasama niya yung mga babae niya psh.

"Phil anong gusto mong kainin?" Masigla kong tanong sa katabi ko

"Ano bang hinanda mo ven?"

"Nag bake ako ng cake para sayo tsaka cookies tas nag timpla ako ng juice" nakangiti kong sabi sa kanya

"Para lang sa kanya ven? Seryoso? Nakakatampo kana ha!" Sigaw ni kyl habang yakap siya ni marc sa bewang

"A-ah ano yung cake kasi para kay phil ok lang naman sainyo ni marc yung cookies diba? *0*" tanong ko kay kyl

"Leche namang lalaki to oh!" Sigaw ni kyl tsaka binato ng unan si phil andito kami ngayon sa sala.

"Guess Im such a lucky bastatd" nakangisi niyang sabi at lalong nagtwinkle ang mga mata ko sa mukha niya nakita ko kasi ang mga dimples niya

Sinundot sundot ko yung mga dimples niya na manghang mangha at balewala lang sa kanya sanay na siya at sina kyl hahahaha

Mga ilang oras din silang tumambay sa bahay ng maisipan nilang umuwi na. Nalungkot tuloy ako. Wala kasi akong  mapagkatuwaan,  ako nalang ulit mag isa dito sa bahay. Di kasi rin akong pumayag sa sinabi ni mama Rose na kumuha ng yaya . (mama siya ni xylan) mas mababagot lang ako dito pag wala akong magawa. Naghanda na ako ng dinner namin ni xylan sanay na ako mag hintay sa wala tuwing gabi pero nagbabakasakali lang din ako baka kasi umuwi siya ng maaga. Never pa kasi niya natikman ang luto ko ayan nalungkot tuloy ako. Nag aral talaga akong magluto at sa mga gawaing bahay para mapagsilbihan ko siya nag paturo ako kay yaya delma kung pano mag hugas ng pinggan tsaka mamlantsa at maglaba. Gusto kong makita niya na Im the best wife he could ever have. Inalam ko rin ang mga paborito niyang pagkain para maipagluto ko siya pero ni minsan di siya umupo dito sa dinning area.  Natapos ko na rin ang niluluto ko ng biglang bumukas ang pintuan.

Gulat ako sa nakita ko . di ko alam kung matutuwa ako o hindi.

Maaga kasing umuwi si xy 8 pm palang kaya. Dali dali ako pumunta sa kanya

"Xy ang aga mo yata"

As usual dedma ako

"Xy nag dinner kana ba?"

Dedma parin

"Nagluto ako ng sinigang paborito mo"

Nilampasan niya ako at umupo sa sofa
Agad ko siyang sinundan at umupo sa harap niya para hubarin yung sapatos niya at pinabayaan niya lang ako.

"Gutom kana ba?"

"Dadalhan kita ng pagkain "

"Teka lasing ka ulit?"

"Xy nahihilo kaba o masusuka? Sabihin mo lang"

Tanging malamig na titig niya lang ang iginanti niya sa akin. I let out a deep sigh ay naalala ko pala

"Ahm xy may gagawin kba bukas? Sabado na kasi"

"A-ano schedule ko bukas sa ob ko"

"Naisipan ko kung gusto mong sumama?"

Tumayo siya at nilampasan lang ako. Kley xylan hanggang kailan ako magtitiis ng ganito? Kailan moko mamahalin? Kailan ka mag aalala sakin??

Mangyayari pa kaya yun?

Xoxo crushylove

His Abandoned Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon