Andito ako sa clinic nag pacheck up siyempre ako lang mag isa akala nga ng doctor wala akong asawa . pero ok lang kaya ko naman eh. Ngayong araw ko na pala malalaman ang gender ng kambal ko 7 months na kasi sila sa tiyan ko. Lalo akong naging matatag ng dahil sa kanila.
"Can you see that misis? Ang laki na nila and I believe that lalaki silang gwapo kagaya ng daddy nila"
Nakangiting sabi sakin ni doktoraDi ko maiwasang mapaluha .. My babies nakakataba ng puso ganito pala ang feeling na masilayan mo yung mga anak mo sa loob ng tiyan mo. Napaisip tuloy ako kay xylan matutuwa kaya siya pag nalaman niyang puro lalaki yung kambal? Excited na tuloy akong umuwi. Nag thank you ako kay doktora at binigyan niya ako ng picture nang ultrasound ko napapangiti ako sa tuwing tinitingnan ko ang larawan.
Agad akong umuwi para ibalita sa asawa ko ang resulta kahit alam kong wala siyang pakealam.
Nadatnan ko sa labas ng bahay si phil na naka upo kaya masaya akong pumunta sa kanya at hinalikan siya sa pisngi ang sarap kasing sipsipin hihihi nagulat siya sa ginawa ko pero nginitian nalang din niya ako at ginulo ang buhok ko"Di mo kasama sina kyl?" Tanong ko sa kanya
"Hindi eh may pupuntahan daw sila ni marc kaya ako nalang ang nakapunta" nakangiti niyang sabi
"Ganun? Sayang naman! Halika pasok tayo" yaya ko kay phil tsaka pumasok na kami nag bihis muna ako sa kwarto tsaka bumaba para gawan ng meryenda si phil
Sumunod naman siya sakin papuntang kitchen at umupo sa counter binigyan ko siya ng juice tsaka ininit yung brownies na ginawa ko kanina lang
"Aahm phil may gagawin ka ngayon? Tanong ko sa kanya
" wala naman bakit?"
"A-ano kasi 3pm palang naman naisip ko kase kung pwede mokong masamahan"
"Samahan? Saan ka pupunta?" Di ko maiwasang magigil sa mukha ni phil ang gwapo niya kasing uminom hihihi
"Sa mall bibili ng gamit ng kambal"
Bigla namang kumunot yung noo ni phil sa sinabi ko"O-okay lng kung busy ka ako nalang mag isa kaya ko naman eh" pambawi ko sa kanya na mas lalonh nagpakunot ng noo niya
"Nasaan ba yung asawa mo? "
Napayuko ako sa tanong niya ..
"Di ko alam"
"Di mo alam? Hay nako! Wag kanang yumuko sasamahan na kita"
Agad naman akong napatingin sa kanya ! Sa sobrang tuwa ko eh napayakap ako sa kanya tsaka ko kinurot yung ilong niya hahahaa
"Hala namula! Pasensya na phil" malungkot kong sabi halata kasi na nasakitan siya sa pagkurot ko
"Ano ka ba! Okay lang basta pra sa mga inaanak ko" nakangiti niyang sabi ..
Hayss swerte ko talaga sa nga kaibigan ko. Si xylan nga lang..
"Teka alam mo naba kung ano yung gender nung kambal? "
Napatango ako ng sunod sunod tsaka ngumiti
"Talaga?! Lalake ba? " excited niyang tanong
At tumango ulit ako ng sunod sunod tsaka ngumiti.
"Ayos! " nakangiti niyang sabi
After that ay pumunta na kami ni phil sa mall at todo alalay naman siya sakin dala niya rin kasi yung kotse niya kaya di na kami nahirapan.
Agad kaming pumunta sa mga damit ng mga babies at namili na kami. Nalungkot ako bigla nang maalala ko si xylan. Siya dapat ang kasama kong mamili at bumili ng mga gamit ng mga anak namin
"Oh nakayuko kana naman! Wag mo nalang isipin yung walang kwenta mong asawa" agad naman akong napatingin sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko kasi di na rin sila masyadong nagsasama ni xylan bihira na daw kasi nila itong makita sa campus.
Nag nod nalang ako tsaka namili na kami ang dami ko ngang binili eh hahaha naawa tuloy ako kay phil siya kasi lahat nagdadala ng pinamili namin. Bumili na din ako ng cradle yung malaki para kasya yung kambal ko. Habang pumipila ako sa cashier eh narinig kong bulong ng nasa likod" swerte naman niya sa asawa niya" napailing nalang akong tumingin kay phil sa tabi ko habang hirap na hirap sa pag bitbit ng mga bags. Sana ganyan din si xylan.
Nagabihan na kaming matapos ni phil sa paglilibot kaya niyaya niya nalang akong mag dinner sa isang fast food pero binilisan ko talaga yung pagkain ko tsaka nag take na din ako para kay xylan baka kasi umuwi siya at walang tao yung bahay. Naintindihan naman ni phil kaya agad niya akong hinatid pauwi.
"Hay salamat nakauwi na din. Napagod kaba?" Nginitian ko lang si phil tsaka umiling
Hinatid na niya ako sa loob ng bahay tsaka inalalayan sinunod niya rin pati yung pinamili namin. Akala ko nakauwi na si xylan kasi nakabukas yung ilaw pero wala naman siya kaya pinalagay ko nalang kay phil ang mga bags sa sofa hinatid ko na rin siya sa gate
"Phil salamat talaga kanina ha!" Nakangiti kong sabi sa kanya
"Nuka ba wala yun! Youre like my little sister narin naman" at ngumiti siya ayan nakita ko ulit yung dimples niya pero may isang bagay talaga ako na gustong gawin kanina pa hihi
"Phil pwede pahalik sa ilong mo? Isa lang pleaaaase" nakakahiya man pero nagmamakaawa talaga ako niyan pero tinawanan niya lang ako as in todo tawa kaya napatingin nalang ako sa kanya ang kyoot niya talaga nanggigigil na ulit ako ng matapos na siyang tumawa ay agad siyang tumango kaya napangiti ako ng todo hinalikan ko yung ilong niya pero hindi lang yun ang ginawa ko kase kinagat ko din yun hahaha gigil na gigil na talaga ako eh agad naman niya akong pinalayo at hinawakan ang ilong niya
"Phil sorry ikaw kasi eh >,<" nahihiya kong sabi
"Hahahaha okay lang sige alis nako baka kung ano pang magawa mo sakin" tsaka niya ginulo yung buhok ko. Sumakay na siya ng kotse niya tas nagbabye ako. Tumalikod na ako at pumasok ng bahay laking gulat ko ng makita ko si xylan na galit na galit na nakatayo sa gilid ng bintana hala! Nakita niya kaya? Nakakahiya baka anong sabihin niya
"X-xy a-ano kasi" nauutal kong sabi pero agad siyang pumunta sakin at hinawakan ng madiin ang magkabila kong braso
Napangiwi ako sa sakit parang maiiyak na ako ... galit na galit talaga siya nanlilisik yung mga mata niya
"X-xy y-yung k-k-kanina" nauutal parin ako
"Oh btch please! Pagkatapos mo sakin ngayon yung kaibigan ko naman lalandiin mo?! Fvck andami pang nagkalat dito kunin mo lahat yan! "
Napaiyak na ako ng tuluyan di dahil sa sakit ng braso kundi sa mga sinasabi niya ganun ba talaga kababaw yung tingin niya sakin? Iyak lang ako ng iyak di ko siya kayang sagutin natatakot ako
"And now youre crying? What a wh*re! Siguro si phil yung totoong nakabuntis sayo no!? Tell me! Damn it! "
Niyugyog niya ako at napahawak ako sa tiyan ko baka kasi mapano yung mga anak ko. Agad akong umiling ng sunod sunod habang iyak ng iyak
"B*llsht! Stop crying or else I'll kill you! You btch I knew it di ako yung nakabuntis sayo! Ano bang ginawa ko sayo para guluhin mo yung buhay ko!"
Napahagulgol nako nung hawakan niya yung panga ko ng mahigpit habang dinuduro niya ako
"I said stop crying! Tangna!"
Napapikit ako ng akma niya akong sasampalin. Pero nagulat ako ng bigla nalang natumba si xylan at nakita ko si phil na galit na galit
What the?
T-teka lang!
Xoxo crushylove
BINABASA MO ANG
His Abandoned Wife (COMPLETED)
General FictionShe who have done nothing She who loved him She who sacrificed She who left with nothing And she who was Abandoned. -His abandoned wife.