Ven's Pov
Its been a month nung na admit ako sa hospital laking pasalamat ko dahil walang nangyaring masama sa mga anak ko buti nalang daw at nadala kaagad ako sa hospital kung hindi .. Kung hindi baka wala na yung mga babies ko at di ko yun kaya.. Isang linggo akong naadmit sa hospital at di ko manlang nakita si xylan ni anino niya di ko nakita. Ansakit isipin na hindi manlang niya magawang mag alala sa amin ng mga anak niya. Di ko na rin sinabi kina mom and dad ang nangyari saakin baka kasi magtanong pa sila at di ko pa masagot... 😢😢
Kahit nga yung mga tanong nina kylie di ko masagot.. Mga magulang ko pa kaya?Andito ako ngayon sa bahay nagpapahinga malapit na kasi yung kabuwanan ko. At summer na rin ngayon kaya araw-araw pumupunta dito sina kylie,marc at phil sobra daw silang nag alala dahil sa nangyari.. Mabuti pa sila nag aalala. Pero si xylan Hindi 😢😢
Naghahanda na ako ngayon ng hapunan. Siyempre ano pa bang bago? Maghihintay na naman ako kay xylan kahit maghintay ako sa wala ok lang di ako mawawalan ng pag asa. Matututunan din akong mahalin ni xy..
Ilang oras na ang lumipas pero wala paring xy ang dumadating.. Pagkatapos nung nangyari nina xy at phil ay di na daw sila nag uusap sabi sakin ni phil. Madalang na rin kung pumasok sa school si xy. Nag aalala ako sa kanya pano yung pag aaral niya? At mas domoble pa si xy dito sa bahay. I mean the way he treats me.
9 na nang gabi kaya naisipan kong kumain nalang. At magpahinga kasi kailangan ko daw yun sabi nung doctor. Pagakatapos kong magligpit ay pumunta na ako sa kwarto namin ni xy. Matutulog na naman ako na walang xylan sa tabi ko.
Lumagpas ang ilang oras pero di ako makatulog nagugutom kasi ako. Im craving for something.. Something salty.. Bumangon ako sa kama at tiningnan ang oras its past 1 am..
Bumaba ako at pupunta sana sa kusina nang nahagilap ng mata ko si xy na naka higa sa sofa.. Di ko rin kasi pinapatay yung ilaw dito bahay. Dali dali ko siyang pinuntahan.. Halata sa mukha nito ang sobrang kalasingan.Inayos ko yung pagkahiga niya sa sofa at kumuha nang towel at planggana.
Pagbalik ko kay xy at di ko maiwasang mapatitig sa kanya. Sobrang gwapo niya parin kahit mejo magulo yung buhok at mukha. Sinimulan ko nang pinunasan ang mukha ni xy... Binuksan ko ng onti yung polo niya. Naka school uniform parin siya. Tinaas ko yung sando niya para mapunasan ko yung katawan niya.. Ehem. A-ang tigas... Grabe may abs pala si xy.. Di ko to napansin dati ah.. Sht. Nag iinit ako.. Dali dali akong umakyat para kumuha ng damit ni xy. Pagka baba ko ay agad ko siyang binihisan . mejo nanginginig pa yung kamay ko. Kasalanan ko ba kung sobrang lakas ng sex appeal ng asawa ko?Yung pang itaas niya lang ang pinalitan ko. Baka kasi di ko makaya kung sa ibaba. Yung sapatos niya lang ang hinubad ko pati medyas niya. Nang matapos na ako ay umupo ako sa sahig at pinatong ang ulo ko sa sofa at nakatitig kay xy. Nag adjust ako masyado kasi malaki na yung tiyan ko. Mahimbing na natutulog si xy at saakin siya naka harap kaya ilang inches lang ang pagitan ng mukha namin. Di ko mapigilan ang mapaiyak. Siguro dala na ito sa pagbubuntis ko ang masyadong emosyonal.
"Xy.... Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako at ng mga anak mo. Di ako susuko xy. Pangako ko yan ikaw lang ang mamahalin ko. Matatanggap mo rin kami bilang pamilya mo at magiging masaya tayo. Kaya xy please bigyan mo ako ng chance para ipakita sayo kung gaano kita kamahal at ng mga anak mo lahat ng sakit titiisin ko para sayo at sa mahiging anak natin."
Hinaplos ko yung mukha ni xy.. Gosh how much I love this man..
"Mahal na mahal na mahal na mahal kita xylan.."
"Im sorry.."
Bigla akong napatulala kay xy. Nag s-sorry siya? Pero mahimbing ang tulog niya. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Mahina lang ito pero sapat na para marinig ko. .
"Goodnight xy."
Hinalikan ko yung noo niya at tatayo na sana ako ng bigla ulit siyang nagsalita.."Im sorry sky.."
Xoxo crushylove
Ps. Please dont mind some typo/errors mobile lang kasi ginagamit ko. Hope you understand salamat 😁
BINABASA MO ANG
His Abandoned Wife (COMPLETED)
General FictionShe who have done nothing She who loved him She who sacrificed She who left with nothing And she who was Abandoned. -His abandoned wife.