------
Days passed and i must say that my relationship with xylan had improved.
Napakasaya ko sa set up namin ni xylan. Kahit busy siya sa pag aaral ay di niya parin nakaligtaan ang mga responsibilidad niya sa amin ng mga anak niya..
At ilang beses na rin kaming pumunta sa Above the clouds resto, tuwing weekend pumupunta kami doon minsan dinadala rin naman yung kambal para ipasyal. Nasabi na rin sa akin ni xy kung saang lugar iyon. Pero di niya parin sinasabi kung bakit kilala siya doon. Na curios tuloy ako ahmp!
May 2 days group project daw ngayon si xy kaya naiwan ako dito sa bahay kasama yung kambal. Doon daw sila matutulog sa bahay ng kaklase niya.
1 month nalang ay wedding anniversary na namin ni xy at kasabay nun yung birthday ko. Na eexcite tuloy ako kung ano ang mangyayari.
Bagong paligo ngayon ang kambal ako na mismo ang nagligo s kanila at nagbihis nakakatuwa lang kasi silang ayusan,tinulungan lang ako nila yanie na gawin yun.. Nabasa rin yung damit ko kaya pinabantayan ko muna yung kambal sa mga yaya nila habang naglalaro lumlaki din kasi silang mga hyper. Ang kukulit.. kaya naisipan ko nalang linisin yung kwarto namin pagkatapos kung maligo at magbihis...
Nagsimula na akong magligpit ng mga gamit namin ng marinig kong tumunog yung phone ko..
Kinuha ko naman agad yun sa study table ni xy at nakita kong tumatawag si mom...
Nakangiti ko itong sinagot
"Mom i miss you"
"I miss you too Honey kamusta na kayo jan? Yung mga apo ko? "
"Okay naman po kami dito. Lumalaki na din po yung kambal na maayos. Wala po ngayon si xy may group project daw sila for 2 days"
"Ganun ba? Ikamusta mo nalang ako sa asawa mo okay?"
"Opo mom, kayo ni dad? Kamusta na kayo?"
"Nasa meeting ngayon yung dad mo, were perfectly fine honey, dont worry"
"Thats good to hear mom."
"Oh, i need to go now honey. Ill call again okay?"
"Sure mom. Love you"
"Your mom loves you too honey"
I smiled as my mom ended the call. Namiss ko talaga si mom. Ngayon lang kasi talaga siya nakatawag.
Magtatanghalian na ng maisipan kong doon nalang kami sa above the clouds kumain. Kaya pinahanda ko na sina yanie at odette para sa mga gamit na kailangan ng kambal. Dumiretso naman ako sa baba para paandarin yung kotse ko. Maalam naman akong mag maneho eh. I used to ride my own car noon na di pa ako buntis..
Im wearing my ripped jeans and converse na white tsaka isang black and white na v neck shirt at naka pony tail lang ang buhok ko at nag polbo. Kakain lang naman kami doon eh tsaka uuwi narin.
Were on our way na at medyo malayo pa talaga yung resto na yun sa likod naka upo yung dalawa kasama yung kambal. Parang gusto ko kasi talaga yung mga pagkain doon at yung pasta talaga nila ang palagi kong ino order. Ansarap lang kasi. Im always craving for it. Kaya eto ngayon kami papunta doon para lang mag lunch. Almost 30 minutes din kasi yung byahe.
I texted xy na doon kami mag l-lunch kaya walang tao ngayon sa bahay. Bukas pa ang balik niya kasi kanina lang siya ng madaling araw na umalis..
Nakarating din kami sa resto ng maayos.
Kinarga ko si zack palabas habang si yanie naman ang kay jack. Si odette kasi yung nagdala ng mga bag ng kambal.
Pagpasok namin ay agad kaming umupo sa palagi naming inuupuan tuwing pumupunta kami dito.. Nasa tabi ko naman yung kambal na naka upo. Di naman puno yung resto ngayon.
Nag order na kami ng pagkain namin at habang nag hihintay ng na oder namin ay nilaro ko muna yung kambal at yung ibang mga costumers sa loob ng resto ay napapangiti tuwing tumatawa yung kambal ng malakas. Napapangiti ako kasi ang cute talaga nilang tingnan. They have no idea how much I love my babies.. My angels...
Nung na serve na yung na order namin ay agad naman kaming kumain...pina inom ko lang ng gatas yung kambal.
Hays naka 2 order pa ako ng pasta nila kasi ang sarap. Parang patay gutom lang pero iba talaga yung pasta nila kesa sa ibang resto eh...
Naunang natapos kumain sina yanie at odette kaya sila nalang ang nag libang sa kambal habang kuma kain ako..
Nang natapos na kaming kumain ay napagpasyahan naming mag ikot muna sa park para matunaw yung kinain namin...
Umupo kami sa bandang gilid ng fountain... Masaya naming nilaro yung kambal... After ng mga ilang minuto ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan...
Nag excuse muna ako na pupunta ng comfort room..
Dali dali akong pumasok sa isang cubicle ng cr at umihi..
Nang natapos ako ay nag hugas muna ako ng kamay at habang nag aayos ako ng sarili ko ay nakaramdam ako ng hilo... Napakapit ako sa sink at pumikit ng mariin...
Pinakiramdaman ko muna yung pagkahilo ko hanggang sa mawala ito...
Hinihimas ko yung ulo ko pabalik kung saan ko iniwan yung kambal kasama yung mga yaya nila pero wala naman akong inabutan doon..
Nag ikot ako sa lob ng park...
Asaan naman kasi pumunta yung dalawa na yun. Sinabi ko na sa kanila kanina na wag umalis sa pwesto nila ..
Di ko namalayan na naglalakad na pala ako papunta kung saan ako dinala ni xy... Yung sa dulo ng clif ng park.
May nakaharang na mga vines sa entrance nito..
Hahawiin ko na sana ng bigla nalang sumuplot sina yanie at odette sa harap ko na hinihingal bitbit yung kambal!
Kinuha ko kaagad si jack kay yanie kasi mukha siyang nahihirapan.
"Ma'am wag tayo dito" tarantang sabi sakin ni yanie.
I frowned "why? At saan kayo galing?"
Siniko bigla ni odette si yanie at kaagad naman itong pinanlakihan ng mata.
Tumaas yung isang kilay ko sa mga kinikilos nila..
"Ma'am tara na po kasi.. Wag kanang pumasok jan" seryosong sabi ni yanie sakin na humawak sa kamay kong naka karga kay jack.
"Ano ba kasing nangyayari sa inyo? At bakit niyo ako binabawalan?" Takang tanong ko
"Kasi ano po... Ano.. Ah?" Tiningnan ko ng masama si yanie na agad na tumingin kay odette..
"Umalis kayo jan.. Ipapasyal ko pa yung mga anak ko" mariin kong sabi sa kanila at naglakad sa gitna nila
"Eh maam ano kasi! Wag kayo---"
Di na natapos ni yanie ang sasabihin niya kasi hinawi ko na yung vines na nka takip sa entrance...
Sana pala di ko nalang binuksan...
Sana di ko na pinilit na pumunta dito....
Sana sumunod nalang ako kina yanie and odette...
Sana... Sana... Di ko na nakita...
So ito pala ang tinatawag niyang group project for 2 days?
Kissing project with sky? For 2 days?
"Ma'am" rinig kong tawag sa akin ni yanie sa likod ko...
Agad naman akong tumalikod at naglakad palayo... I dont want my babies to see how their father betrayed me..
Now I doubt his feelings for me... I wished he didnt bother to confessed that night... Oh! How pathetic. He's drunk! What can I expect that night?
Umalis na ako sa lugar na yun habang pinipigil ang pagbuhos ng mga luha ko.... I want to drive home my babies safe and secured....
Xoxo crushylove
BINABASA MO ANG
His Abandoned Wife (COMPLETED)
General FictionShe who have done nothing She who loved him She who sacrificed She who left with nothing And she who was Abandoned. -His abandoned wife.