Serious Talk
Nandito na kami sa classroom. As always may mga sari-sariling mundo. Syempre Highschool life eh! I-enjoy muna. Wag naman yung sobrang Enjoy dahil graduating na kami, mahirap naman bumaksak kahit anak ako ng may ari. Nakakahiya rin.
Di pa naman kami kompleto. Wala pa sila taki at ryle. Ay oo nga pala. Ano na kayang nangyari kay Taki at Ryle lalo na nagpost ng pics si Barbie. Tss.
"Tapos na kayo sa project?" tanong ni sue na ngayong katabi ko.
"Hindi pa eh!" sagot ko.
"Ay. Galawang Loisa to." halakhak ni Zeus.
"Oo nga. Mas pinapatagal ang paggawa para daw mas matagal kayo magkasama." tawang-tawang sambit ni Nikko.
Tangina. Eto na namang si Nikko. Napakadaldal. Ubod ng daldal.
"Di naman kami magkasama, kagaya nila Ryle at Barbie. Siya lang ang gumawa. Dahil 1st ayoko." suplado kong sambit.
"Buti pumayag siya ah!" ani ni jimboy.
"Ano ka ba bro. Syempre papayag yun dahil halatang may feelings pa kay artu!" halakhak nitong ni jon na ngayong nasa harap ko.
"Tangina. Bat ba yang Loisa ang topic natin? Nasisira umaga ko--"
"Uy, bati na sila." sigaw ni Paulo dahilan ng hindi ko natapos ang sasabihin ko.
Napatingin naman kami sa pinto. Ohh.... Si ryle at taki! Hmmmm
Mukhang bati na. Ngayon ay masayang masaya at magkaholding hands pa. Suus.
"Akala ko break na kayo! HAHAHAAHHAHA JOKE LANG." sambit ni mccoy!
"Awww. So cute." bulong ni janella at nakangiti pa.
Tumingin naman ako kay sue na ngayon ay nakatingin kayla ryle at nginingitian si Taki.
Hmm.. I smell something.. Siguro nag-girltalk to.
"Ayos ba bro?" tanong ko kay ryle nang umupo sa tabi ko.
"Oo. Napaliwanag ko sa kanya kagabi. Naghintay ako sa tapat ng bahay nila hanggang 1am. And finally nilabasan ako."
"Effort. Naks."
**
Natapos ang buong araw na masaya naman dahil buong araw ko ding kasama si Sue. At medyo nakakapagod din dahil sa practice medyo malapit na laban eh next next week na.
Dahil sabado bukas nagkayayaan kaming mag-inuman, yung happy happy lang dito sa bahay. Wala lang bored kasi. At dahil nga sabado may birthday party si paul. Ugh. Matext nga tong si Suesue.
BINABASA MO ANG
Together & Forever
Fanfictionmamahalin mo pa rin ba ang isang tao kahit minsan ka na nitong niloko? diba dapat ang sagot ay hindi? pero alam mo sa sarili mo na mahal mo pa rin siya hanggang ngayon.. paano isang araw na muli kayong nagkita at meron na siyang iba, masasaktan ka p...