Chapter 5

144 3 0
                                    

Chapter 5:

Tinupad ni Cynthia ang sinabi kay Ralf na tatawagan ang kanyang mga magulang first thing in the morning. Di nga matapos-tapos ang habilin ng kanyang mommy't daddy. Ang ginang, di talaga nahiyang iyakan ang pagkamiss sa kanilang ampon bagay na umantig ng husto sa puso ng dalaga.


"Mom, wag ka nang umiyak.. Okay lang ho talaga ako rito."

"Iha, di mo maiaalis sa amin na alalahanin ka. We love you so much na handa kaming gawin ang lahat para sa ikatutuwa mo."

"Alam ko naman ho yun. And napakasuwerte ko na kayo ang nakapulot sa akin noon. Kundi dahil sa inyo, wala pa rin akong silbi ngayon--"

"No, don't say that. Ikaw ang lucky charm namin ng daddy mo. Kahit na bumalik tayo sa dati, ikaw pa rin ang pipiliin naming kupkupin."

"Mom, ako rin naman e. Kayo pa rin ang pipiliin ko no matter what.."

"Basta ingatan mo ang sarili mo diyan. Tatawagan ko ang katiwala ng mansyon para ihabilin ka.."

"Mom--"

"Promise me, iha. Wala kang gagawing ikakapahamak mo ha?"

"Don't worry. Everything's fine. Pakausap ho kay daddy.."

"Teka, sandali.. Hon, kausapin ka..."

"Hello, iha?"

"Dad..."

"Kumusta ang Pinas?"

"Okay lang ho."

"I want you to be honest with me.." sabi ni Mr. Salgado sa kausap nang makitang iniwan siya pansamantala ng esposa.

"Dad..."

"Alam kong may mas mabigat pang dahilan kung bakit gusto mong umuwi riyan.. And it's not about our company, right?"

"Daddy..."

"Luisa, alam ko na malaki ang galit mo sa iyong ina at di naman kita masisisi. Pero, narito naman kami ng mommy mo di ba? Di pa ba sapat na gumanda na ang buhay mo ngayon?"

"Dad, pabayaan n'yo muna ako please?"

"Iha, masyado ka nang nabubulagan sa mga naranasan mo.. Wag kang magpatalo sa galit.. Wag mong hayaang lamunin ka ng pagnanais mong gumanti..."

"Easy for you to say dahil di naman kayo ang nakaranas ng paghihirap. Madali sa inyo dahil di ninyo natikman ang ipagtabuyang parang hayop.. Madali sa inyo dahil di kayo ang minolestiya.."

"Anak, marunong ang Diyos."

"Kung hihintayin ko pang ang Diyos ang gumawa ng hakbang, baka patay na ang lahat ng dapat managot.. Kaya bago pa mahuli ang lahat, ako na mismo ang maniningil sa kanila."

"Anak, matanda na ang inay mo. Matagal na panahon na rin ang lumipas, di mo ba naisip na baka pinagsisihan na niya ang lahat?"

"Huli na para sa pagsisisi. Namatay na si ate Veronica kaya talagang di ko siya mapapatawad. Napakabata pa ni ate at maraming pangarap sa buhay.. Pero dahil sa kakirian niya, naglaho ang lahat! Isa pa, nakita ko siyang masaya kasama ang bagong kinakasama. Daig pa nga nila ang mga tao sa kabaret kung maglampungan. Ang kapal! Gusto ko silang sugurin at sumbatan right there and then pero hindi pa tamang oras."

"Ano ang pinaplano mo anak?"

"Kung kailangang ubusin ko lahat ng assets ko as an ace lawyer, gagawin ko magantihan lang lahat ng nagpahirap sa aming magkapatid noon."

"Mali iyang gagawin mo. Mas mabuti kung ikaw ang magturo sa inay mo kung paano itatama ang lahat. Makipag-ayos ka sa kanya at bawiin n'yo ang mga panahong nasayang.."

"Easy for you to say dad dahil di ikaw ang naghirap. Madali sa'yo dahil di ikaw ang ipinagtabuyang parang hayop. Buong buhay ko nakatanim sa isip ko na gumanti. Buong buhay ko, narito yung hinanakit para sa nanay namin dahil mas pinili niyang paniwalaan ang mga hudas na iyon at talikdan kami ni ate."

Pinuno muna ni Cynthia ng hangin ang dibdib dahil baka mapaiyak na naman siya.

"Alam n'yo ba na sa bawat mahahalagang okasyon sa buhay ko, narito yung pangungulila para sa kanila ni ate? Sa tuwing nakikita ko ang ibang bata na kumpleto ang pamilya, di ko maiwasang mainggit dahil gusto ko ring maranasan ang maging masaya. Pinili ng kapatid ko na sarilinin ang lungkot dahil akala niya mabubuhay ako ng normal? Mula nang maganap ang lahat, di na ko pinatahimik ng kunsensya ko.."

"Anak, lalo kang di sasaya pag di mo pinakawalan ang galit sa dibdib mo. Patawarin mo na sila pati ang sarili mo..."

"Pasensya na dad." si Cynthia na pinunasan ang ilang mga butil ng luhang nagbabadyang bumagsak.

"Mahal ko kayo ni mommy pero gagawin ko ang matagal nang nakaplano. Sinusumpa kong magdurusa ang lahat ng may kasalanan sa aming magkapatid. Di ako titigil hangga't di sila nalulugmok at kahit lumuhod o lumuha pa sila ng dugo sa harap ko, di nila makakamit ang kapatawaran mula sa akin." maigting na sabi ni Cynthia.

"Hindi ko alam kung nakabuti bang pinalitan namin ang pangalan mo, Luisa. Di ko alam kung saan kami nagkulang para lumaki kang ganyan. Di pa ba sapat na minahal ka naming higit pa sa tunay na anak? Minsan inisip ko na marahil di kami ang karapat-dapat na kumupkop sa'yo. Marahil mali na binusog ka namin sa luho... Nasaan na yung Luisa na nakita namin noon sa may tabi ng basurahan? Siguro nga nabigo ako as your father..."

"Dad, huwag mong sabihin iyan. Alam n'yo na ipinagmamalaki ko kayo ni mommy. You're both good as parent any child should be proud of. Kaya wag n'yong isipin na nagkulang kayo. It's just that kailangan ko ring gawin ito for my peace of mind.."

Mukhang kahit ano pang pangungumbinsi ang gawin ni Mr. Salgado, never nang magbabago ang desisyon ng dalaga kaya sa huli, ito na lamang ang nagpaubaya.

"Ang totoo, di ako pabor sa plano mo. Pero dahil buo na ang pasya mo, wala na akong magagawa kundi ang suportahan ka, anak. Hiling ko lang na di mo pagsisihan ang naging pasya mo. Anyway, sakaling mangyari iyon wag mong kalilimutang narito kami ng mommy mo ha? Kapag gusto mo nang umatras, narito kami para tulungan ka.."

"I know. Maraming salamat dad."

"Anything for you, iha. O siya, tatawagan na muna namin ang ating katiwala para ipaalam na dun ka na titira habang nariyan ka.."

"Okay. Bye, dad."

"Bye iha. Take care."

"I will."

Sa wakas, natapos rin ang pag-uusap ng mag-ama. Naghanda na si Cynthia sa pagtungo sa kanyang opisina. Inihanda na rin niya ang ilang mahahalagang gamit na dadalhin sa kanilang mansyon. Kaunti lang dahil may mga damit naman silang mag-anak roon. Pagkatapos igayak ang lahat at nang masigurong walang nakalimutan, lumigid na sa sasakyan ang dalaga.

Ilang sandali pa'y binabagtas na ni Cynthia ang daan patungo sa kanilang kumpanya. Pagkarating doon, agad niyang hiningi kay Miss Torres ang mga dokumentong di niya napirmahan nitong nagdaang mga araw. Nang mailatag ang lahat ng kanyang kailangan, pinasalamatan niya ang sekretarya at inutusang balikan ang kaninang ginagawa na sinunod naman ni Miss Torres. Nang makalabas na ito, saka lamang naisipang buklatin at pag-aralan ni Cynthia ang mga papeles.

Ilang araw ding ganoon ang ruta ni Cynthia. Ilang araw na rin buhat nang sa mansyon na ng mga adopted parents siya tumutuloy. At lagpas na rin ng dalawang linggo buhat nang makausap niya ang detektib na inupahan pero wala pa rin siyang balita sa ipinagagawa niya rito. At sa totoo lang, naiinip na siya sa kakahintay. Kaya nang tumawag ito at hiniling na magkita sila, di niya napigilang isiwalat ang pagkabagot na nararamdaman.

"Akala ko ba tatlo hanggang apat na araw lang akong maghihintay? E, mahigit tatlong linggo na a!"

Naroon sila sa restaurant ng isang sikat na five-star hotel. Pinili ni Cynthia ang puwesto sa pinakasulok na bahagi ng restaurant. Iyon ay para pag-iwas na may makarinig sa kanilang pag-uusapan.

"Sinisiguro ko lang na tama ang matatanggap n'yong impormasyon mula sa akin madam.."

"Kung gayon, ano ang natuklasan mo?"

"Marami madam. At isa na roon, totoong nagsasama si Marietta at si Lawrence."

"Lawrence? Iyon pala ang pangalan niya..." anang isip ng dalaga.

"Ayon sa mga kakilala, estudyante itong si Lawrence at si Aling Marietta ang sumasagot sa mga gastos nito.."

"Ano ang major ng Lawrence na ito?"

"Graduate na po siya ng nursing at pumasa sa board na isa sa mga topnotcher.. Pero, itinuloy niya sa pagmemedisina at nasa ikalawang taon na siya ngayon..."

"Malaki ang gastos sa kursong iyon. No wonder na unti-unti ang pagkalugi ng negosyo ni Marietta."

"Tama ho kayo. Pero tumutulong naman sa pagtatrabaho si Lawrence. Marahil hindi n'yo alam na sa Salgado Group of Companies siya kasalukuyang nagtatrabaho..."

"Sa aming kumpanya?"

Ang kaalamang iyon ang gumulat kay Cynthia. Napakaliit palang talaga ng mundo. Akalain ba niyang tauhan nila ang bagong lover ng babaeng nais niyang gantihan? Mukhang umaayon sa mga plano niya ang kapalaran, a!

"Saang departamento siya?"

"Sa Salgado Medical.. Isa siya sa nurse doon."

At marami pa itong impormasyong ibinigay sa kanya. Sa huli, napangiti na si Cynthia.

"Magaling detektib. Talagang di ako nagkamali sa pag-upa ng serbisyo mo.. Heto na ang kabayarang ating napag-usapan.."

Iniabot ni Cynthia ang isang makapal na sobre sa kausap.

"Maraming salamat madam."

Kinuha naman niya ang iniabot ng dalaga. Napangisi matapos makita ang makapal na bungkos ng pera. Mayamaya pa, nagpaalam na rin siya pagkat may nangangailangan pa ng kanyang serbisyo.

Nang pumayag si Cynthia, umalis na rin ang detektib. Naiwan ang dalagang iniisip ang mga nararapat na hakbang na kanyang gagawin.

"Malas lang ng Lawrence na iyon dahil damay siya sa paniningil na gagawin ko!"

-To be continued-

Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon