Chapter 6:
Pagkatapos ng lahat ng natuklasan niya ukol kay Lawrence, walang inaksayang sandali si Cynthia. Ipinatawag niya agad ang kanyang sekretarya.
"Pumunta ka sa HR department. Hingin mo ang file ukol sa information ni Lawrence de Guzman.."
"Kailan n'yo gustong malaman ma'am?"
"As soon as possible sana.."
"Okay. Iaabot ko na lamang po mamaya.."
"Salamat."
Di nga lumipas ang maghapon, alam na ni Cynthia ang lahat ng ukol sa binata. At sa totoo lang, very impressive ang scholastic record nito.
"Pero sa galing niya, bakit pinili niyang pakisamahan ang isang matandang halos nanay na nito? Di ba ito nakakaramdam ng panghihilakbot?"
"Cynthia," kontra ng kabilang bahagi ng kanyang utak. "Sa mga gaya niyang oportunista, sanay na siyang magkunwari. Isa pa, ang inay mo naman ang kanyang lolokohin kaya bakit apektado ka?"
"Hindi ako apektado!" hiyaw niya sa isip.
"Talaga ha? E bakit halos manggalaiti ka sa galit?"
"Galit ako dahil nilalapastangan nila ang reputasyon ni tatay. Binababoy nila ang pamamahay na mismong ama ko ang nagsikap para maipatayo lang! Who knows kung ano pang kahalayan ang ginagawa ng dalawang iyon!"
Minsan pang tiningnan ni Cynthia ang larawang kalakip ng files na kinuha niya mula sa detektib at sa kanyang sekretarya.
"May hilatsa ang lalaking ito. May mataas na ambisyon at pangarap sa buhay. Sasamantalahin ko ngayon ang pangangailangan mo. Alam kong babagsak ka sa mga kamay ko! At pag nagkataon, tiyak na mapapasakitan ko na rin ang ina ko sa pamamagitan mo.."
Iyon ang huling sinabi ng dalaga bago isinilid muli sa envelope ang larawan. Itinago niya iyon sa loob mismo ng kanyang drawer at pagkatapos, itinuon na niyang muli ang pansin sa kanyang trabaho.
Bandang alas sais ng gabi na ipinasyang umuwi ni Cynthia. Habang nagmamaneho, nakatanggap siya ng tawag mula sa nobyong si Ralf.
"Hi, sweetheart. Kumusta ang buong maghapon?"
"Tiring pero okay naman." sagot ng dalaga.
"Masyado ka na namang nagpapagod ha?" si Ralf na nag-alala agad.
"Hindi naman gaano. Nasa pakiramdam ko lang na parang pagod na pagod ako gayung maghapon lang naman akong nakaupo sa opisina't pumipirma ng mga dokumento. Ikaw, kumusta?"
"Medyo may problema sa kumpanya pero kaya pa namang i-handle.." sagot nito kasabay ng pagbuntong-hininga.
"Hmm.. Mukhang mas stress ka compared sa akin. Are you sure na kaya pa?"
"Uhmm.."
"You know, you can always count on me. Sabihin mo lang, handa akong tumulong.. Now, what is it?"
"Baka hindi ako matuloy sa pag-uwi diyan.. Alam mo na gusto kitang makasama pero sa estado ngayon, mukhang di pupuwede.. I'm sorry."
"Hey, di naman big deal iyon e. Nauunawaan ko naman at saka may constant communication naman tayo e.."
"S-sigurado ka? Okay lang at di ka galit?"
"Oo naman. Ikaw talaga, kung anu-ano ang iniisip mo.. Wag kang mag-alala, I understand your situation.."
"True?"
"True.. Basta ba wag kang masyadong magpapagod. Baka magkasakit ka, wala pa naman ako riyan para alagaan ka."
This time, napangiti na rin si Ralf. At alam ni Cynthia na nagawa niyang pagaanin ang loob ng kasintahan. Gayunpaman, ipinagpapasalamat na rin niyang di matutuloy ang flight ni Ralf patungong Pilipinas at para samahan siya. Panatag na siyang maisasagawa ang mga plano na walang magiging sagabal.
"O siya, kailangan ko nang magpaalam. Nagmamaneho pa ako e." sabi niya.
"Okay. Ingat sa pagda-drive.."
"Wag na masyadong mabahala. Masosolusyunan n'yo rin ni Crent iyan.."
"Tama ka. Sige na, bye na.."
At nawala na rin sa linya ang binata. Ipinagpatuloy na lamang din ni Cynthia ang pagmamaneho hanggang sa sapitin na rin niya ang kanilang mansyon.
Tatlong busina ang ginawa niya bago buksan ng kanilang katiwala ang malaking gate. Ipinasok niya ang kotse at ipinark. Umibis mula roon si Cynthia at diretsong pumasok na sa loob ng mansyon.
"Ma'am Cynthia, tamang-tama ho ang dating ninyo nakahanda na ang mga pagkain sa mesa.."
"Ano hong inihanda ni manang?"
"Arroz ala cobana ho."
"Wow. Tawagin n'yo na ho si manong para makakain na tayo.."
"Kung iyan ang gusto mo..."
Iniwan nga siya ni manang Lupe para tawagin ang asawa nito. Dumiretso naman si Cynthia ng kumedor para doon na lamang hintayin ang mag-asawa. Dinatnan niyang abala ang mga katulong at si Aling Azon.
"Magandang gabi ho senyorita.." sabay nilang pagbati.
"Magandang gabi rin ho. Mamaya na ninyo ituloy iyan. Umupo muna kayo't saluhan ninyo ako.."
"E, ma'am.. Mamaya na lang ho--" si Aling Azon.
"Manang, wag na ho kayong mag-atubili. Tayo lang naman at saka di ko kayang lantakan ito.." wika ng dalaga sabay muwestra sa mga pagkaing nakalatag sa hapag.
"E..."
"Sige na ho. Alam n'yo malungkot kumain ng mag-isa.."
Aayaw pa sana ang mga katulong pero sa huli, pinagbigyan na lamang ang nais ng amo. Kaya isa-isa na silang naupo sa mga silya na nagdulot namang ng ngiti sa dalaga. Noon naman dumating ang mag-asawa.
"Upo na ho."
Tumalima naman ang dalawa. Mayamaya pa, sabay-sabay na nilang nilalantakan ang ulam na niluto ni Aling Azon. At dahil talaga namang masarap ang pagkakaluto, naubos nila ang mga pagkain. Busog ang pakiramdam ni Cynthia kaya naman nang tanungin siya kung gusto niya ng tsaa, isang simpleng 'oo' ang naisagot niya.
Sa may veranda inihatid ng katulong ang tsaa ni Cynthia. Habang nagpapahangin, unti-unti ring iniinom ni Cynthia ang tinimplang tsaa.
Naglalakbay ang isip niya sa dako paroon. Sa nakaraang pilit mang takasan ay patuloy pa ring nagmumulto sa kanyang sistema....
"Tiyong? Bakit n'yo po ako pinapunta rito?" tanong ng walong taong gulang na bata.
"Masakit ang mga kalamnan ko. Ipapamasahe ko sana sa'yo. Marunong ka ba?"
"Oho. Teka, sandali lang at kukunin ko po ang langis.."
Walang kamalay-malay si Luisa na nakatakda siyang molestiyahin ni Mang Dencio.
Pagbalik niya sa kuwarto dala ang langis, nakita ni Luisa na nakadapa na ang amain na walang saplot pang-itaas. Medyo nailang ng kaunti ang bata at tinangka na sanang lisanin ang silid ng magsalita ang lalaki.
"Luisa, ikaw na ba iyan? Hmm.. Dalian mo na, lumapit ka na rito..."
Isang utos na padaing na siya namang sinunod ng bata.
Nilapitan ni Luisa ang amain. Umupo sa may gilid ng kama.
"Simulan mo na..."
Inalis nga ni Luisa ang takip ng bote at pagkatapos ay itinaktak sa kanyang palad. Idiniit niya ang dalawang palad sa likod ng amain at sinimulang hagurin iyon.
"Diinan mo pa... Uhh.. Ang sarap..." parang wala sa sariling halinghing ng lalaki.
Ipinagpatuloy nga ni Luisa ang pagmamasahe pero mukhang tinalaban na ng pagkamanyak si Mang Dencio. Hinawakan niya ang kamay ni Luisa at dinala sa kanyang kargada.
"Tiyong!" gulat na sambit ng bata at saka hiniklas ang kamay.
"Naku naman at pakipot pa.. Wag ka nang mag-inarte diyan.. Alam ko namang kagaya ka rin ng ate mo e.." saka niyapos ang bata.
Isang sigaw sana ang gagawin ng bata kaso'y naagapang takpan ng lalaki ang bibig nito.
"Wag ka nang pumiglas at wala ring mangyayari. Ang mabuti pa, ienjoy mo na lang ang sandaling gaya nito ha?"
Pagkatapos niyon, pinaghahalikan na siya ni Mang Dencio. Una sa leeg habang hinahaplos ng mga kamay ang maseselang bahagi niya. Doon nagsimulang umiyak si Luisa. Tinatawag ang kanyang ate para magpasaklolo!
"Wag ka nang mag-aksaya ng laway. Walang tutulong dahil iniwan ka na nila.. Ako... Ako ang handang magpala sa'yo..."
"H-huwag po!"
"Ssh. Wag kang maingay..."
Hikbi ang naging tugon ng bata. Wala namang kamalay-malay si Mang Dencio na nakauwi na si Veronica. Napaaga kaysa kanyang inaasahan dahil biglang nilukob ng kaba ang dalagita.
"Parang awa n'yo na.. Wag ho!"
"Wag ka sabing maingay.. Sandali lang ito. Pangako, bibigyan kita ng singkwenta pesos pag naging masunurin ka.." saka hiniklas ang blusang suot ng bata bagay na naghantad sa kanyang dibdib na wala pang saplot.
Eksaktong iyon ang eksenang nabungaran ni Veronica nang buksan ang pinto ng silid ng kanyang ina at amain. Pero bago iyon, kumuha muna siya ng maaaring pananggol sa kanilang magkapatid.
"Bitiwan mo ang kapatid ko!"
"Ate!" umiiyak na tumakbo palapit sa kanya ang bunsong kapatid.
"Bakit narito ka na? Mamaya pa dapat ang uwi--"
"At ano? Gagahasain mo rin ang kapatid ko?!"
"Gagahasain? Ipapatikim ko lang sa kanya kung gaano kasarap ang luto ng langit.."
"Ate, hinawakan niya ang ano ko.. Tapos hinalikan ako't pinahawak niya ang ano niya!"
"Hayop kang talaga! Di ka pa nakuntento nang ako ang pagsamantalahan mo!"
"Ate, may sinabi siya sa akin. Na wag daw akong pumalag dahil gaya mo raw akong pakipot sa umpisa.."
"O di ba totoo?" nakangising saad ni Mang Dencio.
"Alam mo ang dahilan ko. Luisa, makinig ka kay ate.. Umalis ka na't puntahan mo si inay. Humingi ka ng tulong!"
"Ate?"
"Dalian mo na!" itinulak pa ni Veronica ang umiiyak na kapatid pero bago pa man makalabas, dinaluhong na ito ni Mang Dencio.
"Saan ka pupunta? Sa inay n'yong tatanga-tanga?!"
"Isusumbong talaga kita kay nanay! Bad ka! Bad ka!"
"Ah ganun?!"
Ang anumang tangka niya kay Luisa ay di natuloy pagkat sunod-sunod na siyang hinampas ng tubo ni Veronica. Tuluyang nagdilim ang paningin ng dalagita habang patuloy ang pagalit na pagsasalita.
"Hayup ka! Demonyo! Manyak! Matagal nang pagtitiis ang ginawa ko.. Sinira mo na ang buhay ko at pati buhay ng kapatid ko gusto mong sirain? Mamatay ka! Mamatay ka! Sawang-sawa na ako sa pambababoy mo! Diring-diri ako sa sarili ko dahil sa kahayupan mo!"
"Ate, tama na..." umiiyak na niyakap ni Luisa ang kapatid na tigmak na rin sa luha.
"Hayup siya Luisa.. Dapat noon ko pa ito ginawa sa kanya!"
"Ate, mukhang patay na siya..."
"Mabuti ngang mamatay na siya! Kulang pa nga iyang kabayaran sa lahat ng kalapastanganang dinanas ko at muntik mo na ring danasin."
Yumapos siya sa kapatid. Muntikan na talaga siya kung di pa ito biglang sumulpot. Mayamaya pa...
"Salamat ate Veronica."
Ginulo ng dalagita ang buhok ng kapatid saka niyayang puntahan ang kanilang ina na noon ay abala sa pagtitinda sa palengke at walang alam sa mga nangyari.-To be continued-
BINABASA MO ANG
Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETED
Romansa[COMPLETED] Si Luisa ay ang bunsong anak ni Aling Martha na muling nagbabalik sa bansa bilang Cynthia. Ang dahilan ng kanyang pagbabalik? Nais niyang maningil..gusto niyang gantihan ang lahat ng tao na nagkaroon ng kasalanan sa kanya. Pero sa kanyan...