Chapter 10

142 4 0
                                    

Chapter 10:

Sa tuwing maaalala niya ang lahat, di pa rin nawawala ang panghihinayang ni Cynthia. Napakarami niyang guilt issues kapag ang namayapang kapatid ang pag-uusapan. Kaya naman bukod sa pag-aasikaso sa kanilang kumpanya, kinikilala rin ang kanyang husay sa pagtatanggol sa kanyang kliyente sa hukuman.


Cynthia Salgado was noted as an ace criminal lawyer. Ni minsan, di pa nakaranas na maipatalo ang bawat kasong kanyang hinahawakan. At isa iyon sa pinanghinayangan niya ng husto! Kung napaaga pa siya ng kaunti noon, inabutan pa niya ang kapatid at nakamit pa nito ang katarungang nararapat para dito.

Napatingin si Cynthia sa paligid at kalangitan. Bawat daanan ng kanyang tingin ay nagpapakita ng karangyaan. Pero bakit sa kabila ng yaman at katanyagan, hungkag pa rin ang kanyang pakiramdam? Marahil dahil hanggang ngayon, mas pipiliin pa rin niya iyong simpleng buhay kasama ang kapatid. Iyong kahit tuyong daing lang ang ulam, solb na sila.

"Itay... ate... Masaya na siguro kayo riyan... Buti pa kayo, magkasama na... Alam n'yo po, di ko kayo kinalimutan ni minsan man.. Kahit na iba na ako sa dati, ako pa rin po si Luisa na pamilya n'yo. Patawarin mo ako itay kung sisingilin ko si inay. Alam ko hong tutol kayo sa plano ko pero ito lamang ang paraan para matahimik na ang loob ko... Bukas at sa mga darating pang mga araw, malalaman na niyang isang malaking mali ang nagawa niya sa amin ni ate..."

Inubos na ni Cynthia ang laman ng tasang hawak. Pagkatapos, diretso na siya sa kanyang kuwarto upang magpahinga.

Ang mga sumunod na araw ay normal na para sa dalaga. Pero di niya inaasahang mas mapapaaga pa ang pagtatapat ng landas nila ng kinakasama ng kanyang ina!

Kumakain siya sa kanilang canteen nang lumapit ang binata sa kanya.

"Ah, miss? Puwede bang maki-share ng table? Wala na kasing bakante e.."

Ilang sandali ring natigilan ang dalaga nang mamasdan ang mukha ng binata. Napakaguwapo pala nito sa malapitan. Okay, pogi ito sa picture pero triple ang hatid niyon ngayon!

"Miss, okay lang ba?"

"Ah, yes. S-sure."

Ngumiti naman si Lawrence saka umupo sa katapat niya.

"By the way, I'm Lawrence.."

"C-Cynthia."

"Shit! Bakit ba ako nauutal sa harap ng kumag na ito! Focus, Cynthia! Focus!" sita niya sa sarili.

"Cynthia? Beautiful name. Bagay sa'yo.."

"Ha?"

"Dito ka rin ba nagtatrabaho? Anong department ka?"

Pero di sumagot ang dalaga. Inakala naman ni Lawrence na ayaw nitong makipag-usap sa kanya.

"Sorry kung madaldal ako. Gusto ko lang na mag-enjoy while having my lunch.."

Napatingin naman ang dalaga sa kausap. Ito na ang lumalapit sa kanya. And this is the right moment para simulan ang kanyang binabalak.

"Okay.."

"So, puwede ko na bang malaman kung saang department ka?"

"Bago lang ako rito. My parents were the major stockholder here.."

Kaswal lang ang pagkakasabi niya pero sapat na iyon para manahimik ang binata.

"You mean?"

"Yeah. Pero wag mong isipin ang tungkol doon. It's no big deal, anyway."

"Pero ma'am..."

"Cynthia will do. Kung di ako nagkakamali, nurse ka rito?"

"Oo. Pero on-practice ako sa medicine. Kaya di full-time ang trabaho ko.."

"Impressive. Ipagpatuloy mo lang iyan.."

"Oo naman. Malaki rin kasi ang utang na loob ko sa taong kumupkop sa akin.."

"Si inay..." hiyaw ng isip niya. "Sorry to interrupt pero may kailangan pa akong gawin e."

Nakatayo na si Cynthia nang tawagin siya ni Lawrence.

"Puwede... P-puwede ko bang makuha ang cellphone number mo?"

Sandaling nag-isip ang dalaga. Sa huli, ibinigay rin niya ang number niya sa binata. At pagkatapos, iniwan na niya itong pangiti-ngiti.

"Ang pagkakataon nga naman.. Mukhang di ako mahihirapang pasukin muli ang buhay ni inay. Sige lang, pasensyahan na lang kung wala kang maaasahan sa akin Lawrence!"

Iyon ang tumatakbo sa isip niya habang naglalakad pabalik sa kanyang opisina. Ipinagpatuloy na rin niya ang pagtatrabaho. Para namang sinilihan siya ng kakaibang sigla at ang tanging naidahilan na lamang niya sa sarili ay nalalapit na ang araw na makakamit niya ang tagumpay ng paghihiganti.

Iyon na ang naging simula. Unti-unti na nilang kinikilala ang isa't isa. Pero walang kamalay-malay si Lawrence sa tunay na intensyon ni Cynthia. Hindi niya alam na ang anak na itinakwil ng kanyang ina-inahan ay nasa harap na niya mismo!

Walang araw na di masigla ang binata. Walang araw ding hindi niya naiisip ang magandang amo. Napakabait nito't matulungin. Masasabi pa niyang may malasakit talaga ito sa kapwa. Hindi ito nangingiming makihalubilo sa mahirap na gaya niya. At nang isatinig niya iyon, tinawanan lamang siya ng dalaga.

"Maniniwala ka bang naranasan ko rin ang maging mahirap?"

"Really?"

"Uhmm.." tumango pa ito. "Palaboy lang ako nun nang makita ni mom.. I never expected that things will turn this way. Tinulungan lamang namin siya noon dahil nahihilo siya. From there, inuwi niya ako and the rest was history. Binihisan nila ako't pinag-aral."

"Ang galing naman. Napakasuwerte mo pala kung ganun.."

"You can always say that." nakangiti niyang saad. "Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Sila ang dahilan kung bakit ako narito ngayon. Sila ang dahilan kung bakit mariwasa ang pamumuhay ko. Would you believe, naranasan ko nang mangalkal ng pagkain sa basurahan noon?"

Gulat namang napatitig si Lawrence sa kausap.

"Naranasan kong kumain ng panis na pagkain. My life's miserable way back then. Pero sinagip ako ng pagmamahal nina mommy.."

"E, ang sabi mo may tunay ka pang pamilya.. Nasaan na sila?"

"Ang itay ko'y namatay bata pa lang ako. May kapatid ako pero nakulong siya dahil sa pagprotekta sa akin..."

"Sorry to hear that."

"Okay lang. At least may napagsabihan ako.. Nabawasan ang bigat dito kahit paano..." wika ni Cynthia na itinuro ang tapat ng puso. "Ikaw naman ang magkuwento.."

"Ahmm, sige. Ulilang lubos na ako sa edad na katorse. Namatay sina inay nang mabunggo ang sinasakyan nilang bus pauwi. Di ako nakasama dahil finals namin noon. Di ko inaasahan na iyon na rin pala ang huling sandali na makikita't makakausap ko sila.."

"Bata ka pala nang maulila.. Paano ka nakasurvive?"

"Halos malapit na ang birthday ko nang makilala ko ang kumupkop sa akin. Mag-isa na rin siya sa buhay noon kaya nang malaman niya ang kuwento ko, ipinasya naming kami na ang magsama. Walang iwanan, kumbaga. Siya ang tumustos sa pag-aaral ko hanggang makatapos. Ngayon, ako na ang sumusuporta sa amin dahil may-edad na rin naman siya.."

"Itong kumupkop sa iyo, mukhang mabait.."

"Talagang mabait. Kaya nga mahal na mahal ko siya't di magagawang ipagpalit sa kahit ano pang bagay. Isa pa, mahal niya rin ako. Sa akin niya binabawi ang naging pagkukulang niya dati."

"Pagkukulang?" kunwa'y walang alam na tanong ni Cynthia.

"Oo. Ganito iyon, may dalawa siyang anak. Parehong babae. Mahal na mahal niya ang mga iyon pero nagkamali siya nang ipagpalit ang dalawa sa lalaking kinakasama.."

"Kami iyon ni ate!" sa isip lamang sinambit iyon ng dalaga.

"So, iyon nga. Mas pinaniwalaan niya ang iba kesa sa mga anak niya. Di ko alam ang buong detalye pero I must admit na pinagsisihan na niya ang lahat."

"Sinungaling. Paano niyang pagsisisihan, gayong ilang ulit akong nakiusap sa kanya. At sa ilang beses rin ay pinagtabuyan niya akong parang hayop.." maigting na bulong niya.

"Cynthia, are you saying something?"

"Uhh, nothing." wika niya sabay dugtong sa isip. "Wala ka ngang talagang alam, dahil ang nasa harap mo ay ang bunsong anak ng kinakasama mo. Magugulat kang tiyak once na isampal ko sa mukha ng Martha na iyon kung sino ako!"

"Kawawa naman pala. Alam niya ba kung saan makikita ang mga anak niya?"

"Wala siyang ideya ukol sa kanyang bunso. Iyong panganay naman, namatay na bago pa niya nakausap.. Kaya nga sising-sisi siya e at naaawa ako sa kanya.."

"Palagay ko magkikita na rin sila ng bunsong anak niya. Ano nga ulit iyong pangalan ng magkapatid?"

"Veronica at Luisa. Si Luisa iyong bunso at patuloy niyang hinahanap. Iyon nga rin ang hiling ko, magkita ang mag-ina para naman mabawi nila iyong mga taon na di nila kasama ang isa't isa.."

Pagkatapos, niyaya na siyang ihatid ng binata. Pagod na raw siya, ayon dito.

Ang konklusyong iyon ay di na pinasubalian pa ni Cynthia. Pumayag siyang ihatid ni Lawrence bilang parte ng kanyang plano. Sa kanyang nalaman mula rito, mas umigting ang layunin niyang makita si Martha. Hindi upang makipagkasundo't kalimutan ang lahat. Gagawin niya iyon para gawing impyerno ang nalalabing araw pa nito!

Naaawa raw ang binata sa kanyang ina? Para sa kanya, di karapat-dapat pag-ukulan ng ganung pagtingin ang kanyang ina. Ito ang pinakawalang-kwentang tao na nakilala niya! Kung may tsansa nga lang siya, di ito ang pipiliin niyang maging ina. Ang totoo, wala itong karapatang tawagin na inay dahil di nito kayang gampanan ang responsibilidad na nakaatang rito!

Nagsisisi? Huli na rin para doon. Masyadong malaki ang sugat na nilikha nito sa kanilang magkapatid lalo na sa kanyang ate. At ang sinabi ni Lawrence na mahal sila ng ginang? Imposible! Isang malaking kahangalan pagkat tinalikuran na nga sila nito. Sa murang edad niya, dinanas na niya ang matinding paghihirap na buhayin ang kanyang sarili.

Kaya huli na talaga ang pagsisisi nito! The damage has been done! Nasaktan na siya, namatay na ang ate niya! At lahat ay kasalanan ni Martha Sanchez, ng kanyang sariling ina mismo! At itong si Lawrence, nagpabulag sa paniniwalang ang kanyang ina ang biktima ng pangyayari! Unfair iyon sa kanya! Unfair sa kanyang ate Veronica! At galit siya sa binata dahil doon.

"Iyon nga lang kaya talaga ang dahilan Cynthia?" tanong niya sa sariling repleksyon.

Naroon na siya sa harap ng salamin at mahigit apat na oras na mula nang maihatid siya ni Lawrence sa kanilang bahay.

"Aren't you going to admit that you're jealous?"

"Me? Hell, no! Hindi siya ang tipo ko. And besides, props lamang ang tingin ko sa kanya. Props na mapakikinabangan ko sa mga darating na araw. Lalo na sa Sabado..."

Birthday iyon ni Lawrence at niyaya siya nitong pumunta sa bahay nito at dating kanila. Ayon dito, ipakikilala siya sa kasama nito which is her own mother. Pero di naman kasi alam ni Lawrence na siya at si Luisa ay iisa lamang!

-To be continued-

Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon