Chapter 28:
**Cynthia's POV**
"Friends?" -me
"Sure." -Ralf.
Siya pa mismo ang naglahad ng kamay niya para makipagkamay. Agad ko naman siyang pinaunlakan. Inabot ko ang kamay ko sa kanya..and then, everything's settled!
"Halika na, baka hinahanap na nila tayo sa loob." -me
"Oo nga. Baka naroon na rin si Lawrence. I'm sure you're very eager to tell him the big news."
"Sina mommy muna ang kakausapin ko, then your parents..kailangan ko munang ipaintindi sa kanila ang sitwasyon."
"Wag mong masyadong ilagay ang sarili mo sa stress, Cynthia. Mauunawaan ka rin nila gaya ng nagawa ko."
"I hope so."
Di ko maiwasang hindi mapabuntong-hininga dahil sa nararamdaman kong kaba. Nahalata marahil iyon ni Ralf kaya muli niyang hinagilap ang kamay ko then masuyong pumisil..nagbibigay iyon ng sapat na lakas ng loob, hanggang sa unti-unti rin niyong tinalo ang kabang nagsimulang umalipin sa buong sistema ko.
"Whatever happens, gusto ko lang na maging masaya ka.."-Ralf
"Salamat."
"Kung handa ka na, tayo na sa loob?" -Ralf
"S-sige." sang-ayon ko, then naglakad na kami patungo sa kuwartong kinaroroonan nina nanay.
Pagsapit namin doon, mismong si Ralf na ang nangunang kumatok at pumasok sa loob. At kahit nakasunod lamang ako sa kanya, agad ko pa ring namataan na naroon na din si Lawrence.
Pero..teka nga muna. Paano'ng nangyari? Saan siya dumaan kanina at di ko man lang napansin?
Bago ko pa maisip ang sagot, may narinig na akong nagsalita..at kahit na di ako masyadong attentive sa pakikinig, kilala ko kung sino iyon!
Heto na sila..nakita ko po kanina si Cynthia, nagkasalubong po kami noong pabalik na ako rito."
"Ganoon ba?" -Aling Martha
"Siyanga ho inay. Balak ko po kasing magpahangin ng kaunti, e." -me
Nakita kong marahang tumango si nanay..then napatingin ako kay Ralf nang pasimple niya akong kalabitin.
"Ahmm..everyone, I have something to tell you--"
Sinalo ko na agad ang sasabihin ni Ralf.
"Ang totoo niyan, ako po ang may dapat na ipaliwanag sa inyo..at sana magawa n'yo akong unawain."
"We'll try. Pero ano ba iyon iha?" -dad ni Ralf
"Di naman po siguro naging lingid sa kaalaman n'yo ang dahilan ng pagbalik ko rito sa Pilipinas..alam kong nabanggit sa inyo ni Ralf na gusto kong maningil sa mga taong nagpahirap sa amin ng ate ko noon"
Doon ko sinimulan ang paglalahad- sa puno't dulo ng lahat!
Nakikinig naman sila sa sinasabi ko. Medyo napapakunot noo pero di naman sila nangahas na pangunahan ako sa pagsasalita kaya tuloy lamang ako sa pagpapaliwanag.
"Umuwi ako ritong puno ng galit ang puso ko..I came back for the reason that I want to seek revenge. Nakiayon sa akin ang tadhana..napahirapan ko ang mga dapat magbayad. Akala ko iyon ang magiging susi para matahimik ako, para sumaya na ako ng tuluyan..but I am wrong."
"Ako rin pala mismo ang masasaktan sa huli. Worse, parang hindi ko na kilala ang sarili ko dahil all these years, nabuhay ako sa galit..sa pagsisisi..good thing was, hindi pa nahuli ang lahat para magkapatawaran kaming mag-ina. And now, bumabawi pa rin kami sa mga taong nangulila kami sa isa't isa." -me
"Anak," -Aling Martha
"In due process, marami na po ang nangyari. Maraming pagbabago ang nagdaan..kasama na po roon ang disposisyon ko sa relasyon namin ni Ralf."
"What do you mean?"
This time, ang adopted parents ko na ang nagtanong. Mukhang nagkakaideya na kasi sila sa sasabihin ko.
"I'm sorry po pero mukhang hindi na kami hahantong ni Ralf sa pagpapakasal."
"What? Pero bakit?" -mommy
"Nag-usap po kami kanina, tita." -Ralf
"And? Don't tell us that you already agreed with her, iho?" -mommy ni Ralf
"Nauunawaan ko po siya."
"That's stupidity!"
"Dad,"
Napakagat-labi ako.
"Alam na halos lahat ng mga kakilala natin ang engagement n'yo..everyone's expecting for your upcoming wedding..kung hindi na matutuloy, mapapahiya tayo sa lahat!"
"I know that..pero hindi naman tamang ituloy pa ang kasal kung may nagbago na sa nararamdaman namin sa isa't isa. It will be unfair to both of us."
"Bakit, hindi mo na ba mahal ang babaeng iyan ha?"
"Mom, alam mo naman ang totoo, di ba? I'll never come up with the idea of proposing kung di ko siya mahal. It's just that iba na ang sitwasyon. Inamin niyang may mahal na siyang iba." -Ralf
"Ano ka ba naman anak..bakit hinahayaan mo itong mangyari?"
"Hindi ito madali para sa akin. God only knows how much I'm hurt. I'm suffering just by seeing her and yet alam kong hindi na ako ang sentro ng mundo niya..but this is for her good. For my own good. Ayokong dumating ang araw na sisihin niya ako." -Ralf
"R-Ralf.."
Di ko na napigilan ang sarili ko..tuluyan nang kumawala ang luha sa mga mata ko.
"Ssh..wag kang umiyak. Pasasaan ba at mauunawaan ka rin nila gaya ko." bulong niya sa akin saka binalingan ang noo'y tahimik lamang na si Lawrence.
"I'm not mad at you dahil wala ka namang kasalanan. Alam kong hindi mo ginusto ang nangyayari ngayon..isa lang ang hiling ko, wag mong paiiyakin si Cynthia."
Pero hindi rin kami magiging masayang dalawa. Bakit? Kasi may isa naman kaming masasaktan, at ayoko ng ganoon."
"Wag kang mag-alala, magiging okay rin ako..ang mahalaga, ang kaligayahan ni Cynthia kaya please lang mommy..daddy..unawain n'yo na lang po siya."
Sa huli, napahinuhod na rin ni Ralf ang kanyang mga magulang. Iyon nga lang, matapos ang lahat, napagdesisyunan rin ng mga ito na wag nang magtagal pa roon.
"We'll take the first flight going back to States. Wala nang dahilan upang magtagal pa kami rito, and you're coming with us Ralf."
Nang tingnan ko siya, marahan siyang tumango then bumaling siya kay Lawrence.
"Come with her and be happy, pare..pasensya na rin kung hindi na ako makakadalo sa inyong kasal but I really wished you both to be happy..kaya sige na.."
Noon nga tumayo si Lawrence at lumapit sa akin. When he grabbed my hand and hold it, tears started to fill my eyes again.
Sa mga oras na iyon, nagtititigan lang kaming dalawa at parehong walang pakialam sa paligid.
Ni hindi ko na nga rin napansin na lumabas na ang dati kong nobyo pati na ang mga magulang nito. Basta nasa kaharap ko lang ang buong atensyon ko..
"Cynthia.."
"L-Lawrence.."
"Patawarin mo ako sa mga masasakit na sinabi ko kanina at kung nabalewala kita.."
"Ssh..naiintindihan ko. Mahal kasi kita..at kapag mahal mo, lagi kang handang umunawa kahit pa ikaw ang masaktan."
"Mahal rin naman kita. Sinubukan ko lang pigilin dahil alam kong mali at may nasasaktan. Pero siya na ngayon ang kusang nagparaya kaya bakit pa kita iiwasan?" -Lawrence
Hinigit niya ako palapit saka niyakap..yumakap rin ako sa kanya habang patuloy na umiiyak. Pero ang pag-iyak na iyon ay bunga ng labis na saya.
Oo, masayang-masaya ako at alam kong iyon din ang nararamdaman ni Lawrence ngayon. Kung di pa nga namin narinig ang mahina ngunit magkakasunod na pagtikhim ay di pa kami matatauhan.
"Pasensya na ho kayo kung--"
"We understand, iha. Mas mahalaga sa amin ang makita kang masaya.."
"Salamat ho." -me
"O, ano? Siguro naman papayag sina Lawrence at ang inay mo na pag-usapan na natin ang tungkol sa kasal."
"Po?"
Sabay pa kami ni Lawrence niyon. Pareho naming ikinagulat ang sinabi ni mommy.
"O, bakit kayo nagulat? Dapat lang naman talaga nating pag-usapan ang kasal ninyo.."
"Hindi pa ho solido ang relasyon namin mommy. Katatapos lang ng aming ugnayan ni Ralf.." -me
"Hindi naman kasi kailangan na dapat matagal na kayong magkasama para malaman na kayo nga ang para sa isa't isa. Sapat na ang kaalamang mahal n'yo ang inyong partner, di ba love?" -mommy
"Tama siya, anak. Kami ng itay mo ay ganoon din, e. Hindi naman inabot ng ilang taon ang relasyon namin bilang magnobyo pero mahal na mahal namin ang isa't isa.."
"Pero nagkaroon ho kayo ng ibang karelasyon, kaya nga ho tayo nagkasakitan ng loob.."
"Na inaamin kong isang malaking pagkakamali..gusto ko lang na lumaki kayong buo ang pamilya."
"Wag na nating pag-usapan iyan..ang mahalaga, nasa ayos na ang lahat sa inyong mag-ina." -Lawrence
"A, basta. Kailangan na nating pag-usapan ang mga detalye para naman makapagsimula na kayo sa paggawa ng mga aalagaan naming apo." -mommy
"Mom!"
"O, bakit na naman?"
Medyo natatawa ako kasi nakita kong nagsisimula nang tumaas ang isang kilay niya.
"W-wala ho."
"Good. Now, let's get down to business and I hope na wala na akong marinig na pagkontra lalo na sa iyo anak."
Sa huli, di ko na talaga napigilan ang pagbungisngis na ginaya rin naman ng mga kasama ko roon hanggang sa kaming lahat ay nagtatawanan na...
"I love you, Cynthia.."
Ahaayy..ang sarap namang pakinggan noon..-To be continued-
BINABASA MO ANG
Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETED
Romance[COMPLETED] Si Luisa ay ang bunsong anak ni Aling Martha na muling nagbabalik sa bansa bilang Cynthia. Ang dahilan ng kanyang pagbabalik? Nais niyang maningil..gusto niyang gantihan ang lahat ng tao na nagkaroon ng kasalanan sa kanya. Pero sa kanyan...