Chapter 24

100 2 0
                                    

Chapter 24:

Kahit na siya ang pinakahuling nagpahinga kagabi, maaga pa ring nagising kinaumagahan si Lawrence. Tulog pa ang mga kasama kaya nagpasya siyang bumili muna ng almusal sa canteen.


Tapsilog at tatlong bote ng mineral water ang binili niya. Pabalik na sana siya sa kuwarto nang may tumawag sa pangalan niya. Paglingon niya, nakita niya ang nobyo ni Cynthia.

"Ralf.."

"Mabuti naman at narito ka rin. Si Cynthia..gising na ba?"

"Tulog pa silang pareho ni nanay Martha. Bumili na ako ng pagkain para paggising nila, kakain na lang."

"Ganoon ba?" Nang tumango siya'y saka ito nagpatuloy, "Bibili na rin ako. Ang mabuti pa, mauna ka na roon.."

"Sige." Tinalikuran na nga niya ang kausap. Dumiretso naman si Ralf sa counter area para umorder. Ginaya na lang niya ang kakainin ng mga kasama pagkatapos, pinuntahan na niya si Cynthia.

Hustong makabalik si Lawrence ay papalabas naman sana si Cynthia para hanapin ang lalaki. Nagkagulatan pa silang dalawa nang muntik nang magkabungguan..mabuti na lang, maagap ang reflexes ng binata kaya nagawa niyang alalayan ang dalaga at pigilan mula sa pagkasubsob.

"G-gising ka na pala.." -Lawrence

"Ah..o-oo, naalimpungatan nga ako tapos lalabas sana ako kasi napansin ko na wala ka." Pinamulahan pa ng pisngi ang dalaga. "Saan ka nga pala nanggaling?"

Itinaas na lang ni Lawrence ang hawak na plastic na naglalaman ng kanilang almusal.

"Siyanga pala, nagkita kami ng nobyo mo..naroon siya sa canteen."

Tumango lang ang babae. Wala nang nagahas na magsalita sa kanila at nanatili na lamang nagtititigan hanggang sa...
...
...
"Akala ko tulog ka pa?"

"Ralf!"

"Good morning honey.." ang balak sanang paghalik ni Ralf sa labi ng nobya ay hindi natuloy. Nagawa na kasing ibaling ni Cynthia ang mukha kaya lumanding sa pisngi niya ang labi ng binata.

"Cynth--"

"Kumain na muna tayo. Ahmm, akin na yan, ako na ang maghahanda.." -Cynthia
Hindi na hinintay ng dalaga na makasagot ang sinuman kina Lawrence at Ralf. Pagkakuha sa plastik, agad na niyang iniwanan ang dalawa.

"Tulog pa rin pala si Aling Martha.."

"Oo. Mainam yun para makabawi siya ng lakas niya.." -Lawrence

Muling natahimik ang dalawang binata.

Ramdam ni Lawrence ang pagkailang at alam niyang nasa ganoong sitwasyon rin si Ralf. Mayamaya, isa-isa silang inabutan ni Cynthia ng makakain.

"Salamat." -Lawrence

"Kumusta na ang nanay mo?"

"A, mabuti-buti na raw sabi ng doktor."

"Magandang balita, kung gayon.. siyanga pala, Cynthia.." -Ralf

"Nag-long distance sina tita sa akin kagabi, nakakuha raw sila ng flight today, two in the afternoon, Philippine time."

"Ha? Talaga?" Tumango ang kausap. "Well, that's good to hear. Miss ko na rin sila ni daddy, e."

"Kaya nga di ba? Gusto rin nilang makilala ang inay mo, nabanggit ko kasi na okay na kayo..as expected, tuwang-tuwa sila lalo na si tita!"

"I know." Napangiti pa siya nang maisip ang reaksyong nakabalatay sa mukha ng kinagisnang pangalawang ina.

Nagpatuloy ang kwentuhan. Paminsan-minsa'y sumasali si Lawrence sa usapan ng magkasintahan. Ilang minuto rin ang nakalipas nang maalimpungatan ang binabantayan nilang pasyente.

"Inay," agad lumapit sina Cynthia sa pasyente nang mapansing gising na ito.

"Magandang umaga ho." -Ralf

"Magandang umaga rin naman..siyanga pala, ikaw ba'y nakapagpahinga na ng maayos? Galing ka pa sa biyahe kaya alam kong kailangan mo pa ng mainam na pahinga.."

"Ayos lang ho, may ibinalita rin po kasi ako dito kay Cynthia."

Tiningnan naman ni Aling Martha ang anak. Nasa aura niya ang kuryosidad at pagtataka tungkol sa nais ipahiwatig ng binata.

"Tungkol ba saan? Mukhang maganda ang balita dahil nakngiti ka ng todo, anak."

"Tama kayo, magandang balita nga ang hatid ni Ralf ngayong araw." -Cynthia. "Nakausap raw niya sina mommy, ang sabi..uuwi raw sila dito. They already booked the first flight going here, baka mamayang alas dos narito na sila.."

"Talaga? Mainam kung gayon. Gusto ko rin silang makilala ng personal, para makapagpasalamat."

Nginitian ng mag-ina ang isa't isa.

"Siyanga ho pala, kasama rin ho nilang darating mamaya ang parents ko. Excited nga si mommy kasi nabanggit ko na ayos na ang problema n'yo, sweetheart. She even told me na this will be the right time to discuss about our wedding..what do you think?" -Ralf

Nawalan ng imik ang mga kasama ng binata. Lihim namang minatyagan ni Aling Martha ang kanyang ampon subalit mukhang alam ni Lawrence na iyon ang gagawin niya kaya't pilit nitong iniiwasan ang kanyang tingin.

Sa huli, palihim na lang din siyang humugot ng malalim na buntong hininga..
Dahil sa katahimikang unti-unting bumalot sa kinaroroonan nilang silid, napansin rin ni Ralf ang di kumportableng disposisyon ng nobya.

"May problema ba, hon?"

"H-ha? A..e, w-wala."

"Are you sure?" -Ralf

"O-oo naman. Bakit mo naman naisip na may problema?"

"Kasi..nah, never mind. Sasama ka ba mamaya?"

"Hindi na muna siguro, wala kasing magbabantay kay--"

"Sige na, sumama ka na muna sa kanya anak. Ayos lang ako rito, wag mo long alalahanin." -Aling Martha

"Pero, walang magbabantay sa inyo.."

"Narito naman si Lawrence, di ba? Puwedeng siya muna ang magbantay..come on, dito naman tayo didiretso mamaya pagkasundo kina mommy, e."

"Pero--" magpoprotesta pa sana ang dalaga pero sumang-ayon na rin si Lawrence. Tuloy, wala na ring nagawa ang dalaga bandang huli kundi ang pumayag.

Napangiti naman si Ralf pagkuway kinabig ang dalaga palapit sa kanya..

"Hmm..you worry too much, sweetheart."

"Masisisi mo ba ako? Nanay ko lang naman ang--"

"I know, okay? Its not that may mangyayari pang masama..the doctor already assured us na safe na si tita.."

Di na lamang umimik si Cynthia. Tama naman kasi ang tinuran ng nobyo, ligtas na ang kanyang ina. Isa pa, alam niyang hindi ito pababayaan ni Lawrence. Mahal ng binata ang kanyang ina!

With that on mind, bahagyang nakaramdam ng ginhawa ang dalaga. Binalingan niya si Lawrence habang nakaakbay sa kanya ang kanyang nobyo..

"Wag ka nang mag-alala..ikaw ang higit na nakakaalam na hindi ko ipapahamak si nanay Martha.." -Lawrence. Sinabi niya iyon nang hindi man lang ako tinatapunan maski sulyap.

At kahit paano, di ko man gusto..parang may mga munting karayom na tumutusok sa puso ko..ramdam ko ang kirot pero alam ko na wala akong karapatan..

I am not entitled for this kind of feeling dahil may commitment na ako kay Ralf...

I know, niloloko ko na ang sarili ko..alam kong unti unti nang napipingasan ang dating nararamdaman ko para kay Ralf.

Pero di ko ginusto ang mga nangyari. God knows how much I want to save them both from heartaches pero...
...
...
Wala na akong magagawa. Sooner or later, alam kong marirealize niya na may iba na akong mahal.

Yun nga lang, sana...mapatawad niya ako...

-To be continued-

Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon