Chapter 4

132 6 0
                                    

Chapter 4:

Unang pinuntahan ni Cynthia ang kinaroroonan ng palengke. Nais niyang alamin kung may puwesto pa roon si Aling Martha. Kahit na matagal nang panahon, di pa rin niya nakakalimutan ang eksaktong puwesto ng tindahan nito sa palengke.

Pinagtitinginan siya halos ng mga nagtitinda at kapwa mamimili. Pero lamang ang kalalakihang di maiwasang sundan siya ng tingin. Why? She's really gorgeous in her attire not to mention na sadyang maganda siya't malakas ang appeal.

"Excuse me, dito pa ba nakapuwesto si Marietta Sanchez?"

"Si Martha ba ang tinutukoy mo?"

"Oho."

"Dito pa rin siya nagtitinda pero bihira na. Bakit, sino ka ba?"

Ang huling sinabi ng kausap ay di niya pinansin. Di na nito kailangan pang malaman kung sino siya. Sa halip, muli niyang inusisa ang babae.

"Ano hong ibig n'yong sabihin na bihira?"

"Nalugi na kasi ang kanyang negosyo. Sayang nga dahil isa sana siya sa pinakamatagal na vendor rito.. Iyon nga lang, dahil sa kanyang kinakasama ay unti-unti ring nawala ang kanyang negosyo."

"Kinakasama?"

"Wag kang maingay ha? Pero usap-usapan rito na may bago na namang kinahuhumalingan iyang si Martha. At ang siste, kasing edad lamang daw ng kanyang panganay na anak itong binata.."

"Ganun ho ba?" sa wari'y muling nagningas ang pagkamuhi para sa kanyang ina.

"Oo. E sino ka nga ba ineng? Para kasing ngayon lamang kita nakita rito..."

"Sige ho, salamat na lang."

Agad nang tinalikuran ni Cynthia ang ginang. Gayunpaman, narinig pa rin ng dalaga ang pag-ingos nito.

"Di mo na kailangang malaman na ako ang isa sa anak niya... Wala ka rin namang partisipasyon sa binabalak ko e.." anang niya sa isip.

Muling dinaanan ni Cynthia ang eskinita. Mayamaya, sakay na siyang muli ng magarang kotse.

Mukhang alam na ng dalaga kung saan siya susunod na pupunta. Sa bahay! Tiyak na naroon ang kanyang ina at ang kinakasama nito.

"Di ka pa rin nagbabago inay, patuloy ka pa ring nagpapakatanga sa mga di karapat-dapat."

Napaigtad siya mula sa kinauupuan dahil sa nakita.

"Ingat ka." si Aling Martha na humalik pa sa pisngi ng kausap.

Nginitian naman ito ni Lawrence at pagkuwa'y tinahak na ang daan papuntang sakayan ng jeep.

Di naman umalis si Aling Martha hangga't natatanaw pa ang inampong binata.

"Ang kapal talaga ng mukha mo inay!" gigil na saad ni Cynthia.

Papasok na sana sa loob si Aling Martha nang matanawan ang isang magarang kotse na nakahimpil.

"Kanino kaya ang napakagandang kotse na yun?"

Pilit niyang inaaninag ang nakasakay pero dahil tinted ang salamin, bigo siyang malaman.

"Pero bakit naman kaya ako kinabahang bigla? Ay naku, makapasok na nga lang..."

Iyon lang at bumalik na sa loob ng bahay si Aling Martha. Si Cynthia naman ay nagpalipas ng ilang sandali bago nilisan ang lugar na kung saan niya ginugol ang walong taon sa buhay niya.

"Nagpapakasaya nga siyang talaga. Balewala na sa kanya na may anak siya. O baka naman ginawa niya lang talagang excuse ang nangyari para takasan ang obligasyon sa atin, sa akin.. Puwes, ipapaalala ko ang lahat... At kailangang malaman ko kung paanong makakapasok muli sa buhay niya nang di ako papalpak!"

Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon