Chapter 29 and Epilogue

188 5 0
                                    

Chapter 29:

**Cynthia's POV**


"LAWRENCE!"

Halos mapatid ang litid ko sa pagsigaw. Hindi ko namalayang pumutok na pala ang panubigan ko...Tama po kayo ng naiisip..Buntis po ako sa firstborn naming mag-asawa. We're married last year..and ito nga...ilang saglit ay makikita na namin ang aming baby..

"Lawre--"

Bago pa ako makasigaw ulit, heto't humahangos nang lumapit si Lawrence.

"Mahal? Bakit?"

"Kailangan mo akong isugod sa ospital. Manganganak na AKO."

"Sigurado ka? Baka naman false alarm lang ulit..."

"FALSE ALARM?! GANITONG KASAKIT, FALSE ALARM!"

Agad nag-init ang ulo ko. Grabeng lalaki na ito, ang sakit na nga pagdududahan pa ako. Marunong pa siya sa akin, tsk!

"S-sorry..Halika na. Ano, kaya mo bang maglakad?"

"Aba't--sorry." humingi ako ng dispensa lalo pa't nakita ko na natataranta na rin siya.

"It's okay, bubuhatin na lang kita.." -Lawrence

"DAPAT LANG--ooppps, sorry talaga honey..masakit kasi KAYA PLEASE LANG PAKIBILISAN MO NA"

Hindi na nga ako nagdalawang salita, pinalibot niya ang braso niya sa katawan ko at para akong papel na idinuduyan...kahit paano, nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan.

"O, ano'ng nangyari? Bakit sumisigaw si Cynthia?" -nanay Martha.

"Manganganak na ho siya.."

"Ha? Aba'y tayo na sa ospital kung gayon. Mauna na kayo sa sasakyan at tataagin ko na muna sina balae."
Tinalikuran na nga namin ng asaa ko si nanay. Mabilis naman silang nakasunod sa kotse. Pagkatapos, diretso biyahe na kami tungong ospital.

Ramdam ko ang paggiit ng pawis sa noo ko, pinupunasan pa nga iyon paminsan-minsan ni Lawrence. Hindi naman niya alintana kung mahigpit man akong nakakapit sa kamay niya. Natatakot ako...samu't sari ang emosyong pumapaloob sa akin.

"Narito na tayo." -daddy

Hayy salamat...narito na rin kami sa wakas. Buti na lang malapit ang ospital sa kinatitirikan ng mansyon nina mommy. Mabuti na rin lang at agad na may sumalubong sa aming stretcher kaya agad na akong idiniretso sa delivery room.

"Hanggang dito na lang po kayo." nurse ang nagsabi niyon bago isinara ang pinto. Naiwan silang lahat sa labas...

**Lawrence's POV**

Masaya kaming nag-uusap ng mga biyenan ko nang marinig ko ang pagsigaw ni Cynthia.
"Ano yun?" -mommy

"Parang si Cynthia iyon, a. Ang mabuti pa, pumtshsn mo na muna ang asawa mo.."

"Excuse po muna." -me

"Go ahead." sabay pa silang nagsabi niyon.

Pumunta na nga ako hanggang sa pag-akyat ko sa hagdan, naririnig ko pa rin ang boses niya..

"Mahal, may problema?"

"Dalhin mo na ako sa ospital."

"Ha? Bakit?" -me

"Manganganak na ako..."
"Sigurado ka?"

"MASAKIT NA NGA E."

"Baka naman false alarm lang.."

"FALSE ALARM?! My God, Lawrence..sa tingin mo false alaram lang ito?!"

Nakunsensya naman ako dahil nakita ko kung gaano nahihirapan si Cynthia.

Oo nga naman, walang matinong tao ang magloloko sa ganitong sitwasyon lalo pa't siya rin naman mismo ang nahihirapan...
"I'm sorry, kakargahin na lang kita o baka naman kaya mo pang maglakad."

"I think I can't.."

"Okay, halika na.." ipinalibot ko na ang braso ko sa katawan niya, then we leave our room.

Sinalubong kami ni nanay Martha na noong malaman ang kalagayan ni Cynthia ay agad na hinahanap ang aking mga biyenan. Alam kong sasabihin niyang nakatakda nang manganak ang asawa ko..na siya ngang nangyari. Pagkatapos, sabay na kaming nagtungo sa pinakamalapit na ospital.
Pagdating namin sa ospital, may nurse attendant na sumalubong sa amin..may dala siyang stretcher kung saan marahan kong inilapag si Cynthia.

Diretso kami sa delivery room pero hindi na kami nakasama sa loob. Bawal raw, e..kaya andito lang kami sa labas.

"Dito muna tayo."

Nilingon ko sina daddy na inaaya akong umupo sa may bench sa tabi.

Tahimik lang kaming nagdadasal para sa kaligtasan ng anak ko at asawa. Ilang oras pa ang lumipas, bumukas na ang pinto kasabay ng paglabas ng doktor na umasa kay Cynthia.

"Doc," -me

"Kayo ba ang kasama ng pasyente sa loob?"

"Kami nga po. Kamusta na po siya?"

"She delivered the baby without any complications. By the way, you have a baby girl..

"Kumusta na po ang asawa ko?"-me

"Sa ngayon nakatulog na siya..ilalabas rin ang baby n'yo mayamaya para dalhin sa nursery room. But rest assured, both of them are safe from danger so nothing to worry about." -doctor

"Maiwan ko muna kayo.." dagdag niya.

"Sige po, maraming salamat."

Tumango lang ang doktor then umalis na rin.
"Salamat naman at nakapanganak siya ng maayos."

"Oo nga ho, e. Ang mainam siguro'y asikasuhin ko na muna ang kuwartong paglilipatan kay Cynthia." -me

"Siya sige at kami na ang maghihintay rito ng inay mo. Samahan mo na muna si Lawrence."

Si mommy iyon na kinausap si daddy. Pumayag naman siya kaya sandali muna naming iniwan sina inay roon.

"Excuse me," -daddy

Lumingon naman yung nurse sa may information area then nagtanong.

"Ikukuha lang namin ng kuwarto ang asawa ko. Her name is Cynthia Salazar-Mercado. She delivered our first born awhile ago.."

"Paki-sagutan na lang po muna itong form." sabay abot sa akin.

Kinuha ko iyon at sinagutan. Hinayaan naman ako ni daddy roon. Pagkatapos kong ibalik yung form, mabilis na ang naging proseso..ilang saglit pa, pabalik na kami sa aming pinanggalingan upang sabihin ang numero ng silid na ookupahin ng aking asawa.
"Mom," tawag ko sa kanila.

"O ano? Naikuha n'yo na ba ng kuwarto ang asawa mo?"

"Oho. Room 931 po, sa 15th floor ayon sa nurse na nag-asikaso."

"Ganoon ba? Sasabihan ko lang yung mga nurse sa loob."

Tinalikuran na kami ni mommy.

Hinintay na lang namin siya sa may bungad, pagkatapos no'n nakita naming lumabas siya kasunod si Cynthia na nasa stretcher at inaalalayan ng mga nurse na naka-duty.

Looking at her, sleeping, nakaramdam ako ng katiwasayan ng loob. At last, buo na talaga kami. May matatawag na akong pamilya..iyong sarili at di kailanman mang-iiwan.

-----------------------------

Epilogue

**Cynthia's POV**


May naririnig akong usapan malapit sa akin kaya sinubukan kong magmulat ng mga mata. Puti ang buong paligid..tapos nakita ko ang asawa ko pati sina mommy.

"H-hon,"

"O,gising na pala ang asawa mo, iho. Kumusta ang pakiramdam mo?" -nanay

"Okay naman ho, medyo pagod lang ang pakiramdam..ang baby?"

Bago pa makasagot sinuman sa kanila, pumasok ang isang nurse dala ang sanggol na bunga ng aming pagsasama ni Lawrence.Tinulungan naman niya akong makaupo para sandaling kargahin ang aming anak.

"Hello baby, ako ang mama mo..ang cute cute mo naman.."

Napangiti ako nang ngumiti siya sa akin. Tuloy, di ko napigilang pupugin siya ng halik. Napatingin din ako kay Lawrence nang maramdaman kong umakbay siya sa akin Nakatingin siya sa anak namin ng marinig ko ang masayang tinig ng parents namin.

"Ang ganda n'yong tingnan.." -mommy

"Picture taking muna tayo.O, tumabi ka na sakanila balae.." -daddy

"Mamaya na, dapat sila munang tatlo..alam mo na, moment with our apo.."

"Siya sige..ikaw ang bahala."

Kinuha ni daddy ang camera and then, kinunan niya kami ng picture with baby Danielle.
Nga pala, babae ang anak namin ng asawa ko..our one only prncess..the source of our joy and inspiration.

Sino ba ang mag-aakalang sa ganito hahantong ang lahat?

Sino ang mag-iisip na maaayos pa pala ang dati'y nagkalamat na relasyon namin ni nanay?

Buti na lang talaga at natauhan pa ako..nanaig ang kabutihan at pagpapatawad sa aking puso..Malaki rin ang pasasalamat ko ngayon dahil ramdam kong tapos na ang unos..kung may dumating man na panibago, alam kong makakaya ko ring harapin dahil kasama ko na ngayon sina nanay, ang adopted parents ko, si Lawrence, at siyempre ang kapapanganak pa lamang na si Danielle.

-Wakas-

Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon