(A/n: Karugtong po ito ng pagbabalik-tanaw ni Cynthia/Luisa sa kanyang nakaraan)
Chapter 7:
"Ate, sigurado ka bang sasabihin natin kay nanay ang lahat?"
"Oo naman. Dapat niyang malaman na nagpatira siya ng ahas sa pamamahay natin.. Kaya bilisan mo nang maglakad ha?"
Wala na ngang imikang nangyari sa pagitan ng magkapatid. Tahimik lamang sila habang papalapit sa puwesto ng kanilang tindahan.
"O gulay na kayo mga suki.. Sariwa pa ang kangkong, labanos, okra at iba pang mga gulay. Lapit na para makapamili... Bili na kayo!"
Nakita naman agad ng magkapatid ang kanilang ina na abala sa pag-aayos ng mga panindang gulay, prutas at ilang mga groserya.
"Inay!" tawag ni Luisa na siya namang ikinalingon ni Aling Martha.
"O, mga anak.. Halina kayo..."
Lumapit naman ang dalawang babae. Parehong nagmano sa kanilang ina.
"Kaawaan kayo ng Diyos. E, bakit kayo nagpunta rito? Alam ba ng Tiyo Dencio n'yo na narito kayo?"
Nagkatinginan pa ang magkapatid. Si Veronica na ang nakipag-usap sa kanilang ina.
"Nay, puwede ho bang isara n'yo muna ang tindahan n'yo?"
"Aba'y bakit? Sayang ang kikitain natin ngayon dahil maaga pa.."
"Sige na ho 'nay. Mahalaga lang ang sasabihin namin sa inyo ni Luisa.."
Sandaling nag-isip ang ginang. Tinantiya ang dalawang anak at batay sa reaksyon ng mga kaharap, napagtanto ni Aling Martha na mahalaga ngang talaga ang sasabihin ng mga ito. Kaya sa huli, pumayag na rin ang ginang.
"Sige. Hintayin n'yo ako't isasara ko lang ang tindahan."
Nang tumango ang dalawa, iniwan na sila ni Aling Martha at itinabi ang mga panindang gulay. Dalangin lamang niya na sana'y sariwa pa ang mga ito kinabukasan.
"Tayo na mga anak. Sa bahay na natin pag-usapan ang kung anumang nais n'yong sabihin sa akin.."
Iyon nga't magkakasabay na silang umuwi. Nauuna si Aling Martha at panay naman ang bulungan ng magkapatid na Veronica at Luisa. Hanggang sa sumapit sila mismo sa tapat ng kanilang bahay. Pagkabukas ng pinto, tumambad sa ginang ang magulong ayos ng mga gamit sa sala.
Napabilis tuloy ang pagpasok ng ginang. Ewan niya, pero parang may sariling isip ang kanyang mga paa na pinuntahan ang kanyang silid. At hayon, naroon si Mang Dencio!
"Diyos ko, Dencio! Gumising ka! Ano ang nangyari?"
Agad na dinaluhan ng ginang ang kinakasama. Tahimik namang nakasunod sina Veronica at Luisa.
"Sino ang may gawa nito sa'yo? Gumising ka Dencio..." umiiyak na niyakap ng ginang ang wala ng buhay na lalaki.
Sa pangalawang pagkakataon, muling nagsalubong ang paningin ng magkapatid. Mayamaya....
"Inay..." tawag ni Luisa.
"Mamaya na, Luisa. Tumawag ka na muna ng ambulansya.." bulong ng kanyang ate Veronica.
"E, ikaw? Sasabihin ba nating talaga ang totoo? Paano kung walang maniwala?"
"Wag mo munang isipin iyon. Gawin muna natin ang dapat. Tumawag ka ng ambulansya at pupuntahan ko ang pamilya niya.."
"Sigurado ka ate? Natatakot na talaga ako e.. Si nanay, mahal niya talaga si Mang Dencio..."
"Tayo ang mga anak niya, kaya tayo ang kakampihan ni nanay. Sige na, dito ka muna't samahan mo ang nanay."
"Ingat ka ate.."
Ngumiti ng pasasalamat si Veronica. Di lamang niya masabi sa kapatid na maski siya'y nakakaramdam na rin ng kaba para sa kanyang sarili. Nakapatay siya! Pero, iyon ay pagtatanggol lamang sa kanyang sarili at sa kanyang bunsong kapatid.
Dapat nga pala talaga siyang mangamba dahil ang mga sumunod na pangyayari ay...
"Inay, maniwala kayo sa akin! Binalak din niyang gahasain si Luisa kaya ko siya napatay!"
"Inay, wag n'yong ipakulong si ate.. Wala siyang kasalanan! Nagtanggol lang naman siya e!"
"Di kita pinalaking malandi Veronica. Pati kapatid mo igagaya mo sa pagiging talipandas mo? Wala kang utang na loob! Sige, hepe.. Ikulong n'yo iyan at wag pakakawalan hangga't di nagtatanda!"
"Dalhin na iyan sa patrol car!" utos naman ng hepe.
"Inay, wag ho! Maniwala kayo sa akin! Inay!" umiiyak nang pagmamakaawa ni Veronica.
"Inay, wag n'yong gawin ito kay ate.. Totoo ang mga sinabi niya. Iyang si Mang Dencio, ginahasa niya ang ate. Paulit-ulit! Inay, pakiusap ho wag n'yong gawin ito.."
Sa pagkakataong iyon, si Luisa naman ang nakiusap sa ina. Kailangan niya itong kumbinsihin. Dahil kung hindi, mabubulok sa kulungan ang kanyang ate na siyang di puwedeng mangyari. Sira na nga ang kinabukasan nito at ngayon, ipakukulong pa dahil napatay ang amain? Ipinagtanggol lamang nito ang kanilang mga sarili, lalo na siya!
"Inay, binantaan ni Mang Dencio si ate. Tinakot na papatayin raw tayo kapag di siya pumayag! Maniwala kayo sa amin.. Di kami nagsisinungaling!"
"Aba't sinungaling ka! Hindi ganyan ang kuya ko. Matino siyang tao! Minahal niya kayong parang tunay na anak niya!" si Aling Tess.
"Iyon ang akala namin pero demonyo ang kapatid mo!" si Veronica.
"Ang sabihin mo, sadyang malandi ka!" si Aling Tess. "Palay na ang lumapit sa manok, di pa ba tutukain?" dagdag painsulto pang wika nito.
"Hindi totoo iyan! Baliw ang kapatid n'yo Aling Tess. Tinanggap namin siya sa buhay namin dahil akala namin mahal niya ang inay. Pero niloko niya! Pati kami, nilapastangan niya! Ako, pinaghahalikan niya't pinaghahawakan sa maseselang parte. At pagkatapos ano? Pilit niyang dinadala ang kamay ko sa 'ano' niya! Iyon ba ang nasa matinong pag-iisip?!"
"Aba't gumawa ka pa ng kuwento?!"
"Hindi ako gumagawa ng kuwento! Sinasabi ko lang ang totoo. Iyang kapatid n'yo saksakan ng hayop ang ugali! Demonyo siya!"
Isang sampal ang ibinigay ni Aling Martha sa bunsong anak bagay na gumulat sa lahat lalo na sa magkapatid na Veronica at Luisa.
"I-inay?"
"Hindi kita pinalaking bastos. Hindi ko rin inaasahan na gagawin n'yo itong magkapatid sa akin.."
"I-inay?"
"Lumayas ka. Simula ngayon, di ko na kayo anak at wala na akong pakialam sa inyo. Ginawa ninyo iyan, puwes panindigan n'yo!"
"I..." di na nakapiyok pa si Luisa nang tumalikod na ang kanyang ina.
Si Veronica naman, napayuko na lamang habang panay ang bagsak ng mga luha.
"O, ano pang itinatanga-tanga mo? Lumayas ka na raw.." pakutyang saad ni Aling Tess saka binalingan ang hepe. "Bulukin sa kulungan ang isang iyan hepe! Kakasuhan ko 'yang babaeng iyan!"
"Ate Veronica!"
"L-Luisa..." pumipiyok na saad niya.
"Ate.. Sorry..."
Noon naman tumunghay ang dalagita. Tumambad sa kanya ang nakababatang kapatid na halos di makahinga dahil sa pag-iyak.
"Wag ka nang umiyak. Baka atakehin ka ng hika.. Isa pa, dapat mas matuto ka nang magpakatatag..."
"Ate, sasama na lang ako sa'yo..."
"Hindi puwede ang gusto mo. Hindi ko alam kung ano ang kapalarang naghihintay sa akin sa kulungan."
"Kahit ano pa, okay lang. Ate, pumayag ka na. Ikaw na lang ang maaasahan ko dahil ipinagtabuyan na ako ng inay.."
"Naguguluhan lamang siya kaya niya nasabi iyon. Intindihin mo na lang.. Pababalikin ka rin niya.."
"Paano ka?" si Luisa.
"Kahit na nagtanggol lang tayo, kailangang pagbayarin ko ang nagawa ko.. Pero ikaw, di mo kailangang sumama sa kulungan. Di ka bagay doon."
"Basta, sasama ako! Hintayin mo lang ako't kakausapin ko si hepe.."
"Luisa..."
Ang pagtawag niya'y di na pinansin ng bunsong kapatid. Nagawa na nitong lapitan at kausapin ang hepe. Tumingin pa nga ito sa gawi niya saka muling nakipag-usap sa kanyang kapatid.
"Sigurado ka iha? Magulo sa presinto, mabaho at malamok.."
"Okay lang hepe. Kaya ko namang tiisin basta kasama ko lang ang ate Veronica ko.."
"Pero iha.."
"Sige na hepe. Nakikiusap po ako.. Kailangang samahan ko ang ate ko. At saka siya na lang ang pamilya ko ngayon dahil..."
"O siya, sige. Pero pansamantala lang para magkausap kayo ng ate mo.."
"Maraming salamat ho. Pangako, di ako gagawa ng gulo sa kulungan. Maraming salamat talaga hepe!"
Sa katuwaan, nayakap pa ni Luisa ang may-edad na pulis. Pagkatapos, iniwan na siya upang lapitan ang ate nito. Nasundan na lamang niya ng tingin ang bata.
Matinding awa. Iyon ang naramdaman ng hepe para sa magkapatid lalo na kay Luisa sa tuwing makikita niya itong nagtitiis sa pamamaluktot. Gayunpaman, paghanga ang naramdaman niya para sa kapatid nitong si Veronica isang araw nang makausap niya ito ng sarilinan.
Abala siya noon nang sabihin ng isa sa tauhan na nais siyang makausap ng dalagita.
Mahigit limang na buwan na rin mula nang ipakulong si Veronica. Limang buwan na rin na ang kulungan ang naging tahanan ni Luisa. Pero di iyon usapin sa bata. Mas mahalaga sa kanya na makasama ang kanyang ate. Wala ring araw na di nagpabalik-balik ang paslit sa kanilang tahanan upang kausapin at kumbinsihin ang kanilang ina. Pero sa tuwina, bumabalik lamang siyang bigo. At di matiis ng hepe ang bata. Napakabait ni Luisa. Katunayan, sa bata lamang nakikinig ang mga pasaway na bilanggo. Si Luisa ang tinitingala nilang bagong pag-asa at mula nang dumating ito roon, parang nag-iba ang aura ng kapaligiran. Di mararamdamang kulungan iyon at tapunan ng mga makasalanan.
"Pero ano nga kaya ang pag-uusapan nila ng kapatid ng bata?"
Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kanya iyon habang papalapit sa detention room. Pagpasok niya, dinatnan na roon ang dalagita.
"May kailangan ka raw sa akin iha?"
"Oho sana. Upo muna kayo.."
Umupo nga ang lalaki. Ilang sandali muna ang pinalipas ni Veronica bago nagsalita.
"Una po sa lahat, nagpapasalamat ako sa kabutihan n'yo sa amin.."
Kumunot ang noo ng hepe. Nahiwagaan siya sa sinabi ng kaharap.
"Pinakitunguhan n'yo ng maayos ang kapatid ko. Sapat na sa aking malaman na may nagmamalasakit pa sa kanya. Ang sabi niya, okay na sila ni nanay."
Gulat na napalingon ang lalaki. Okay? Si Luisa at ang ina ng dalawang ito? Imposible, pagkat nakita niyang ipinagtabuyan muli ito ng ginang. Kung gayon, nagsinungaling lang ang bata?
"Natutuwa ho ako. At least, mabulok man ako dito di na siya mapapariwarang gaya ko.. Hepe, kailangan ko ng tulong n'yo."
"Sige iha, basta kaya ko.."
"Salamat ho."At sinabi nga ni Veronica kung anong tulong ang gusto niya. Bagay na tinanggihan sa una ng hepe. Inisa-isa naman ni Veronica ang mga rason niya kung bakit kailangang gawin niya iyon kaya sa huli, napahinuhod ang lalaking taglay ang di mapapantayang paghanga para sa magkapatid.
-To be continued-
![](https://img.wattpad.com/cover/17370218-288-k271508.jpg)
BINABASA MO ANG
Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETED
Romansa[COMPLETED] Si Luisa ay ang bunsong anak ni Aling Martha na muling nagbabalik sa bansa bilang Cynthia. Ang dahilan ng kanyang pagbabalik? Nais niyang maningil..gusto niyang gantihan ang lahat ng tao na nagkaroon ng kasalanan sa kanya. Pero sa kanyan...