Chapter 2:
Pagkatapos dalawin ang puntod ng kapatid, saka lamang umuwi sa kanyang condo ang dalaga. Mag-isa na lamang siyang namumuhay pagkat sa States na piniling mamirmihan ng kanyang adopted parents.
Tutal mag-isa lamang siya, iniinit na lamang niya ang chicken adobo na ulam niya kaninang tanghalian. Mabilis at pino ang galaw na naghanda ng plato, kubyertos at baso si Cynthia. Ilang minuto pa, nagsimula na ring kumain ang dalaga.
Habang kumakain, muli niyang naramdaman ang pamilyar na kirot sa kanyang dibdib. Naalala na naman kasi niya ang masasayang alaala ng nakaraan. Alaalang kanyang hinahanap. Alaalang pinipilit niyang ibaon sa limot lalo pa't nagbalik siya para maghiganti.
"Tama. Pinilit ko sina daddy na umuwi ako rito kaya dapat di ko sayangin ang oras ko sa pag-iyak.."
Sa naisip, muling tumigas ang kanyang anyo at mabilisang inubos ang pagkain. Pagkatapos, iniligpit niya't hinugasan ang pinagkainan.
Dakong alas nuwebe ng gabi, nagpasya si Cynthia na magpahinga na sa kanyang silid. Nakahiga na siya ng makatanggap ng tawag mula sa kanyang kasintahan na nasa States.
"Hi Sweetie. Naistorbo ba kita? Pasensya na ha?"
"Nope. Hindi naman. Bakit ka pala napatawag? May problema ba?"
"Wala naman. Namiss ko lang ang sweetheart ko.. Kailan ka ba babalik dito?"
"Hey, kadarating ko lang ano? Isa pa, may misyon akong gagawin. Alam mo naman iyon di ba?"
Walang inililihim si Cynthia kay Ralf. Ipinaalam niya sa binata ang lahat ng dapat nitong malaman. Kahit ang isyung ampon lang siya'y alam nito. Ang totoo, inaanak ito ng kanyang mommy. At nang ligawan siya ni Ralf, wala naman silang naging problema pagkat boto sa kanya ang pamilya nito lalo na ang ina ng nobyo.
"I know. Pero don't you think na dapat kalimutan mo na ang lahat?"
"Hindi puwede. Nangako ako kay ate. Kung dati, di ko siya nagawang tulungan dahil bata pa ako.. Kaya ko nang gawin ang lahat ngayon.. At di ako titigil hangga't di nila pinagdurusahan ang lahat!" maigting na tugon ni Cynthia.
"Cynthia.." isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Ralf.
"Intindihin mo ako. Kahit na ilang taon pa ang lumipas, di ko kalilimutan ang lahat ng hirap naming magkapatid. Walong taon ako noon at nangangailangan ng pagkalinga ng isang ina pero ipinagdamot sa akin. Naranasan kong mangalkal ng basura sa paghahanap ng tirang pagkain. Ang ate ko, nakulong kahit siya ang biktima. Minolestiya ng lingid sa kaalaman namin.. Alam mo ba kung gaano kahirap mamuhay ng mag-isa? Na kapag nakakita ako ng mga mag-iinang masayang namamasyal, di ko maiwasang mainggit at magtanong kung bakit ko dinaranas ang ganun?"
Bahagyang gumibik si Cynthia pero pinilit na wag mapaiyak.
"Hindi ko nga alam kung ano ang mangyayari kung di ako nakita nina daddy sa lansangan noon. Sa kanila pa na di ko kaanu-ano ko naramdaman ang pagkalinga at pagmamalasakit. Alam mo bang kahit binusog nila ako sa pagmamahal at mga materyal na bagay ay narito pa rin sa puso ko yung hinanakit? Yung panghihinayang lalo pa't nahuli na ang lahat para sa kapatid ko? Namatay si ate na di natitikman ang katarungan! Namatay si ate at naging palaboy ako dahil sa kakitiran ng pang-unawa ni inay!"
"Cynthia..."
"Di ko pa rin makalimutan ang sakripisyong ginawa ni ate. Itinaboy niya ako't pinagsalitaan ng masasakit na salita dahil ayaw na niyang magkita pa kami. Inilayo niya ang sarili sa akin dahil ayaw niyang mamuhay ako sa madilim niyang kinabukasan.. Siguro naman, naunawaan mo kung bakit matindi ang pagnanais kong gumanti.."
"Okay. Pero di mo ba tinanong sa sarili mo kung ito ba talaga ang pinangarap ng ate mo? Tingin mo ba ikatutuwa niyang makita na nagkaganyan ka dahil sa kanya?"
Ang di pag-imik ni Cynthia ay inakala ni Ralf na nagbago na ang isip nito. Pero...
"Pasensya na kung di ko magagawa ang nais mo. Kailangan ko itong gawin para na rin sa ikatatahimik ng loob ko. Kaya pakiusap, hayaan mo na muna akong ayusin ito ha?"
Bumuntong-hininga ulit ang binata. Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Cynthia.
"Hayaan mo, pagkatapos nito tatanggapin ko na ang matagal mong iniaalok sa akin. Magpapakasal ako sa'yo at mamumuhay na tayo ng tahimik. Pero sa ngayon, nakatuon pa rin ang atensyon ko sa isang bagay. Iyon ay ang pagbayarin si Martha sa lahat ng kasalanan niya sa amin!"
"Haay, Cynthia.. Di ko alam kung hanggang saan ka dadalhin ng galit mo para sa nanay n'yo. Nag-aalala ako.."
"Kaya ko ang sarili ko. Pinagtibay na ng pagsubok ang dibdib ng girlfriend mo, ano?"
"Alam ko namang matatag ka. Pero di ko maiwasang mag-alala dahil mahal na mahal kita.. Ayoko lang na makita kang masasaktan dahil sa pagnanais mong gumanti."
"Alam ko naman e dahil mahal rin kita. At nagpapasalamat ako sa pagmamahal mo't pang-unawa. Sana di ka magbago.."
"Of course naman. Ikaw lang yata ang gusto nina mommy para sa akin. Ang totoo, sinabihan ako ni mommy na sundan ka riyan.."
"Si tita talaga. Pero I like her idea.. Iyon nga lang, maaapektuhan talaga ang trabaho mo."
"Andun naman si Crent. Isa pa, wala naman kaming gaanong project ngayon e."
Isang arkitekto ang nobyo ni Cynthia. Kasosyo at partner nito ang pinsang si Crent na inhinyero naman.
"So, payag ka nang sumunod ako riyan?"
"Ngek! Seryoso pala yun?"
"Naman. Kailangan kitang samahan. Mamaya pa, makakita ka ng iba diyan.."
"Loko!"
Nagkatawanan pa sila. Ilang sandali pang nag-usap ang magkasintahan. Mayamaya...
"Sige na, matulog ka na.. After 3 months ako susunod diyan. May kailangan pa kasi akong ihabilin kay Crent."
"Okay. Ingat ka. I love you.."
"Love you too! Mwuahh!"
Pagkatapos nilang mag-usap, pinatay na ni Cynthia ang sindi ng lampshade pagkuwa'y pumikit. Ilang minuto pa, himbing na ang dalaga.
Naging abala ang mga sumunod na araw ni Cynthia. Abala sa trabaho pero di nagawang kaligtaan ang tunay niyang dahilan sa pagbabalik 'Pinas.
Umupa siya ng private detective para ipahanap ang lahat ng mga taong target niya. Paiimbestigahan niya muna ang mga ito bago siya gumawa ng karampatang aksyon.
Alam niyang kailangang pagplanuhang maigi ang lahat. Di siya puwedeng pumalpak dahil ayaw niyang mapahiya sa kapatid!Tatlong magkakasunod na katok ang narinig ng dalaga.
"Tuloy..."
Dumungaw sa binuksang pinto ang mukha ng sekretarya ng dalaga. Sandali lamang siyang nag-angat ng ulo pagkuwa'y ibinalik ang tingin sa dokumentong binabasa.
"Excuse me po. May sulat pong inihatid rito si Mang Anton. Heto po.."
Tinanggap ni Cynthia ang brown envelope na inabot ng kanyang sekretarya. Matapos makapagpasalamat, iniwan na siya ng babae.
Ilang segundo matapos lumabas ng kanyang sekretarya, binuksan ni Cynthia ang envelope na may nakasulat na 'confidential'.
This is it! Alam niyang ito na ang kinalabasan ng pinagagawa niya sa inupahang detective.
Binuklat niya ang folder na nakapaloob roon. Binasa ang lahat ng impormasyon at pagkatapos ay tiningnan ang lahat ng pictures.
"Magaling! Mukhang wala pa ring ipinagbago ang lahat.. Mukhang nagpapakasaya pa rin. Sige lang, dahil gagamitin ko ang lahat ng impluwensyang meron ako para durugin kayo.."
Minsan pang pinagmasdan ni Cynthia ang mga larawan. Napag-alaman niyang sa bahay pa ring iyon nakatira ang kanyang ina. At ang labis na kumuha sa kanyang pansin ay ang kaalamang nakasangla at malapit ng maremata ang bahay.
Nakasilip siya ng magandang pagkakataon. Di muna siya magpapakita pero may mga tao siyang uutusan para kumilos.
-To be continued-
BINABASA MO ANG
Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETED
Romance[COMPLETED] Si Luisa ay ang bunsong anak ni Aling Martha na muling nagbabalik sa bansa bilang Cynthia. Ang dahilan ng kanyang pagbabalik? Nais niyang maningil..gusto niyang gantihan ang lahat ng tao na nagkaroon ng kasalanan sa kanya. Pero sa kanyan...