Chapter 23:
Matagal nang wala roon si Ralf habang si Martha naman ay kasalukuyang natutulog. Nakakailang ang katahimikang namamayani sa silid dahil wala ni isa man sa kanila ang gustong magbukas ng usapan. Parang sapat na ang pakiramdaman at di na kailangan ang anumang salita.
Ginagap ni Cynthia ang kamay ng ina.
"Mabuti naman at nakuha mo pang magpatawad."
Hindi man lamang nilinga ng dalaga ang binata kaya nagpatuloy na lamang ito sa pagsasalita.
"Sana naman totoo sa loob mo ang--" sukat doon ay marahas na nilingon ni Cynthia ang kasama.
"At ano ang ibig mong sabihin? Na this was also part of my revenge plan?"
"Ikaw ang nagsabi na walang puwang sa'yo ang pagpapatawad, Luisa. Sa iyo mismo nanggaling na ikatutuwa mong malugmok sa pagdurusa ang nanay mo."
"Stop this nonsense, Lawrence! Kung di ka naniniwala, problema mo na iyon!" Cynthia hissed.
"Aaminin ko na paghihiganti ang talagang rason kung bakit ako nagbalik rito. Pero, mas matimbang pa rin sa akin ang kaugnayan ko kay nanay. Marahil nabulagan nga ako pero di habang buhay na dadalhin ko ang galit dito sa dibdib ko."
Wala nang nasabi anupaman ang binata.
Cynthia was right. Lahat ng tao ay nagkakamali. Lahat ay nakakaramdam ng galit, pait at pagdurusa dahil sa sirkumstansya. Pero, karapatan din ng bawat nagkamali ang umahon at itama ang lahat ng kanilang pagkakasala kaya bakit nagkakaganito siya?
"Regardless of all your accusations, nagpapasalamat na rin ako na ikaw ang kasama ng nanay."
"You see? Kung di pa siya inatake, di ako magigising. Kung nagkataon, ako ang dahilan para--" ang isiping baka namatay si Aling Martha dahil sa kanya ang nakapagpanginig kay Cynthia.
"God is really good. Hindi niya hinayaang tuluyang mawala ang kaisa-isa kong kadugo." sinikap na naman niyang paglabanan ang nagbabadyang mga luha.
"I'm glad na pumasok iyan sa isip mo. I'm sorry for being rude, ayoko lang masaktan muli ang taong kumalinga sa akin. You know, twice ko siyang nakitang nagbreakdown."
"Twice?" takang tanong ng dalaga na pansamantalang binitiwan ang kamay ng kanyang ina.
"Yeah, ikaw at ang komprontasyon sa pagitan n'yo ang ikalawa." sagot nito.
"At ang una?" iniiwas ni Lawrence ang mata na labis na pinagtakhan ng dalaga. "Ano ang una, Lawrence?"
Tinantya muna ng binata ang kasama bago pabuntong hiningang nagpatuloy, "Dose anyos ako noon, Luisa."
"And then what?"
"Hindi mo na marahil nalaman na pinuntahan ng nanay mo kayong magkapatid noon. Yes, hindi kayo tuluyang natikis ni nanay." sa pagkamangha ng dalaga'y di napigilan ang pagsinghap. Gayunpaman, hinayaan lamang niya si Lawrence.
"Ilang beses niyang hiningi ang kapatawaran ng ate mo. Sa una'y katulad mo siyang tigas sa pagtanggi at nilalamon ng galit, lalo pa't napag-alaman niyang nagbunga ang kahayupan ng inyong amain."
"Hindi miminsang ginawa ng nanay mo ang makakaya upang mailabas sa kulungan si Veronica pero ang kapatid mo ang matigas. Ayaw niyang muling magkaroon ng ugnayan sa nanay n'yo."
"Oh, I don't know what to say. Hindi ko alam. Mula nang itinaboy ako ng ate ay--"
Pagkaalala sa kapatid, muling nakaramdam ng pait ang dalaga. Pagsisising hindi na yata talaga mawawala sa kanyang sistema.
"Bakit mo ito sinasabi sa akin? Isa pa, di ko rin masisisi ang ate ko kung--"
"Alam mo bang nakalaya na sana ang kapatid mo noon pa man?"
Gulat na tiningnan ni Cynthia ang nagsasalita. Hindi makapaniwala sa narinig!
"Inilaban siya ng nanay mo sa korte. Pansamantalang isinangla ang bahay na naipundar ng inyong ama. Bukod pa siyempre ang pera na ibinabawas mula sa puwesto niya sa palengke."
"By that time, natanggap at nakapagpatawad na rin si Veronica sa inyong inay."
"Kung gayon, bakit--" bahagyang pumiyok ang boses niya.
"Like what I'm saying, ipinagbuntis ng kapatid mo ang bunga ng kahalayang dinanas niya. At iyon ang di niya kinaya."
"Oh my God!" tuluyang kumawala ang emosyon ng dalaga.
"You see? Lahat ng frustrations ay dinala ng nanay. Sinisisi niya ang sarili bagama't di nagsasalita. Madalas ko siyang marinig na impit na umiiyak noon at tinatawag ang pangalan n'yo lalo ikaw."
"Kung alam ko lang.."
"Kaya nga naisumpa ko na tutulungan ko siyang hanapin ka. Pero, sino bang mag-aakala na mismong kapalaran na ang gumawa ng paraan?"
"Yeah," sa pagkakataong iyon ay marahang ngumiti ang dalaga. Ngiting naging dahilan para pansamantalang matulala ang binata.
"Napakasuwerte ng nanay sa iyo, Lawrence."
"I love your mother. At ikaw rin." pero ang huling kataga ay sinarili na lamang ng binata. Sa halip ay ito ang idinugtong, "Magpahinga ka na rin muna."
"Kaya ko naman. Besides, gusto kong bumawi sa kanya." si Cynthia na tinitigan ng buong pagmamahal ang natutulog na ina.
Hindi na lamang nagprotesta si Lawrence. Iginalang niya ang desisyon nito bagaman nagulat rin ang binata. Ilang sandali lang kasi ang pagitan, heto't tulog na rin si Cynthia!
Kusang napangiti ang binata.
"My sweet, innocent, Cynthia.." iiling iling na wika ng binata habang dahan-dahang tinabihan nito ang dalaga.
Ilang beses niyang pinagsawa ang mata sa pagmamasid dito. May oras pa ngang natukso siyang damhin ang pisngi nito pero di nagawa sa takot na magising ang dalaga.
"I wish na hindi ako lumaking maprinsipyo. Disin sana'y may lakas ako ng loob na masabi ang nararapat." usal nito sa sarili na binalingan ang nanay-nanayan.
"Tama ho kayo ng suspetsa. Pero, alam ko na mahal nila ang isa't isa. Patawarin n'yo ako kung di ko man siya kayang ipaglaban. Ayoko lang makasakit ng damdamin ng iba, 'nay."
Nagtatalo ang isip ni Lawrence. Kumokontra ang puso niya sa idinidiktang tama!
"I'll get by. Sure, maaayos rin ito. Hindi siya ang para sa iyo, Lawrence." sulsol pa ng isip niya pagkaraang magpakawala ng buntong hininga.
"I love you, Cynthia. I'll always do. And if there will be a chance na-- pero, ikakasal ka na at di tama ang nararamdaman ko."
Tumingala pa ang lalaki upang pigilan marahil ang pagtulo ng luha.
Kung makikita lang siya ng iba, mientras sa hindi, pagtatawanan siyang tiyak! Good thing was mag-isa lamang siya at tulog ang mga kasama.
Irony of life. That's what they've called it. Hindi lahat ng ninanais ay mapapasaiyo.-To be continued-
BINABASA MO ANG
Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETED
Romance[COMPLETED] Si Luisa ay ang bunsong anak ni Aling Martha na muling nagbabalik sa bansa bilang Cynthia. Ang dahilan ng kanyang pagbabalik? Nais niyang maningil..gusto niyang gantihan ang lahat ng tao na nagkaroon ng kasalanan sa kanya. Pero sa kanyan...