Chapter 14

111 3 0
                                    

Chapter 14:

Di naman usapin kay Aling Martha ang maghintay. Abala pa rin kasi ang humahanga niyang mga mata sa paglilibot sa buong mansyon.


"Kumain ho muna kayo. Bababa na si ma'am.."

"Maraming salamat." tugon niya matapos nitong ilapag ang platito ng cookies at isang baso ng fresh orange juice sa mesita.

Iniwan na rin siya roon ng tagasilbi. Kinampante naman niya ang sarili sa pagkakaupo sa maganda't malambot na sofa. Ilang sandali pa, nakita na niyang palapit ang magiging amo.

"Aling Martha.."

"Magandang umaga sa'yo iha.." nakangiti ito sabay dagdag wika. "Ang laki at ang ganda pala ng bahay mo.."

Tango lamang ang isinagot ng dalaga.

"Siyanga pala, maraming salamat talaga sa tulong mo sa aming mag-ina, Cyn--"

"Cynthia?" nang-uuyam na tanong ng dalaga. "Hindi ko matandaan na binigyan kita ng permiso na tawagin ako sa ganyang ngalan.."

Natigilan naman ang ginang. Sandaling napahiya sa sarili at sa isa pang ginang na agad niyang napagkuro na mayordoma ng mansyon.

"A-anong ibig mong s-sabihin?"

Minsan pang napangiti ang dalaga habang isinusumpa niya sa kanyang sarili na pahihirapan ang kaharap!

"Manang Azon?" binalingan niya ang katabi.

"Senyorita?"

"Ihatid n'yo muna ang mga gamit niya sa servant's quarter."

"Sige.."

Kinuha na nga ni Manang Azon ang gamit ng bagong katulong. Iniwan na muna niya ang dalawa upang makapag-usap.

"Dahil narito ka na sa pamamahay ko, may mga bagay akong gustong linawin.."

"A-ano 'yon?" kinakabahang tanong ng ginang.

"Una, wag mong kalilimutan kung sino ako at ano ang katayuan ko. Isa ka lang katulong.. Tagasilbi.. Muchacha.. Kaya naman wag na wag mong isipin na magkalebel tayo.."

"Cynt--"

"Senyorita.. Iyan ang itawag mo sa akin, naintindihan mo?" binigyang diin niya talaga iyon sa kaharap.

Tumango naman ang ginang. Ipinagpatuloy naman ni Cynthia ang sinasabi.

"At ang pinakamahalaga sa lahat, wag na wag kong malalaman na nagsusumbong ka kay Lawrence.."

Maang na pinagmasdan siya ni Aling Martha. Nagtataka na talaga ito!

"Bakit ba ganito siyang magsalita? Bakit ganito ang sinasabi niya? At bakit iba ang pakikitungo niya ngayon sa akin?"

"I hope malinaw sa inyo ang mga gusto ko.. Kung okay na, kausapin n'yo na lang ang mga katulong.." akmang aalis na ang dalaga nang tawagin ito ni Aling Martha.

"E, senyorita?"

Taas kilay niyang tiningnan ang ginang. Di man siya nagtanong, nagsalita pa rin ang kanyang ina.

"A... E.. M-may ginawa ba akong mali para... P-para magbago ang trato--"

Isang malakas pero bahaw na tawa ang ginawa ni Cynthia.

"Bakit?! Nagpapatawa ka.. Hindi ko babaguhin ang sarili ko para lang magpapansin. You're not worth it, okay? So, maiwan na kita. I have a lot of important things to do kaysa makipagkuwentuhan ng mga walang kuwentang bagay sa'yo... Manang Azon!" sigaw niya.

"Senyorita.." hangos namang lumapit sa kanila ang mayordoma.

"Ikaw na ang bahala sa kanya.."

"Oho, senyorita."

Iniwan na niya ang naguguluhang ginang. Tutal mas napaaga kaysa inaasahan, papasok na lang siya sa opisina. Masaya siya dahil napasakitan niya si Martha. Pakiramdam niya, sumabak siya sa labanan at siya ang nagwagi.

"Halika na." inaya ni Manang Azon ang ginang.

"Bakit kaya siya naging ganun?" di napigilang sambitin ni Aling Martha.

"Wag mo na lamang pansinin at baka wala sa mood. Ang mabuti pa, ilagay na muna natin itong mga gamit mo sa quarter.."

"Salamat--" sinadyang bitinin ng ginang ang sasabihin para alamin kung ano ang dapat niyang itawag sa kausap.

"Azon na lang ang itawag mo sa akin. Mukha naman magkasing-edad lamang tayo e."

Ngumiti ang ginang at pagkatapos ay pinagtulungan nilang ayusin ang kanyang gamit.

Samantala, normal naman ang naging takbo ng trabaho ni Cynthia. Ngayong nasa poder na niya ang ina, magagawa na niya lahat ng nais niyang gawin dito.

"Ma'am Cynthia, may gusto hong kumausap sa inyo.."

"Sino?" nagtatakang tanong niya. Wala naman kasi siyang inaasahang bisita o kaibigan na dadalaw.

"Ang sabi niya, importante raw ho ang sadya n'ya. Haharapin n'yo po ba?"

Sandali siyang nag-isip pagkuwa'y tumango.

Iniwan naman siya ng kanyang sekretarya para sabihan ang kung sinumang gusto siyang kausapin. Ilang segundo pa, pumasok ang nasabing bisita.

"M-magandang umaga ma'am.."

Sandaling napatda ang dalaga. Agad niyang nakilala kung sino ang kaharap. Buti na lamang at madali niyang nahamig ang sariling huwisyo.

"I don't remember na may negosasyon sa pagitan natin. But anyway, have a seat please."

Tahimik na naupo ang ginang. Nakiramdam munang maigi bago nagsalita.

"Nagpunta ako rito dahil may mahalaga akong sadya.."

"That's what my secretary told me."

"A... Ano kasi.. Nakausap ko si kapitan..."

Mukhang naunawaan na niya ang sadya nito. Lihim namang nagdiriwang ang kalooban niya.

"What is it? Come on, tell me?"

"Ang sabi ni kapitan.. Ano raw.. Ano kasi.. K-kasi ikaw raw ang nakabili ng sakahan namin.."

"Bingo!" sa isip niya. Tumama ang hinala niyang iyon ang magiging paksa nila. Gayunpaman, nagkunwari pa rin siyang di nauunawaan ang sinasabi nito.

"A.. G-ganito kasi.. Kinausap ako ni kapitan para sabihing kailangan na naming ibakante ang lupa dahil nga may buyer na.."

"Ah.. I know. Ako ang nag-utos sa kanya."

"Pero, pamana iyon sa amin ng ninuno--"

"Pamanang pinabayaan. Iyon ang tamang salita."

"Hindi namin ipinagbibili ang lupa. Kaya kung maaari--"

"No. Bayad na ako. Isa pa, di na kayo ang may-ari dahil kasama iyon sa naisangla mo di ba?"

Natahimik naman ang ginang patunay na tama ang kanyang ipinahayag.

"Ganito na lang ang isipin mo, lahat ng atraso ay may kaukulang paniningil. Sinadyang magtapat ang mga landas natin, Teresa.."

Nagulat naman ang ginang. Paano siya nito nakilala? Matagal na niyang di ginagamit ang gayung pangalan.

"Paano mong--"

"Paano ko nalaman? Ang alin? Ang pangalan mo? Hinding-hindi kita magagawang kalimutan kahit na mahabang panahon na ang lumipas.. Napakalaki ng atraso mo para di kita matandaan.." pang-uuyam niyang sabi.

"Sino ka? Hindi kita kilala!"

Isang nakakalokong tawa ang pinawalan ni Cynthia pagkuwa'y muling nagsalita.

"Ang bilis mo namang makalimot. Ganyan na nga siguro kapag nagkakaedad, rumurupok ang memorya. Kung sabagay, di naman nakapagtataka dahil matagal nang walang laman ang utak mo e."

"Walanghiya ka!" akmang sasampalin siya nito nang agapan niya ang pag-igkas ng isa nitong kamay.

"Don't you ever try to slap me. Wag mong dagdagan ang atraso mo Teresa!" at pabalibag niyang iwinaksi ang kamay nito.

"Walanghiya ka talaga! Wala akong kasalanan sa'yong bruha ka!"

"Sinabi ko na sa'yo, pagsisisihan mo lahat! Hindi ako titigil hangga't di ka gumagapang sa paghihirap! Ang walang kuwentang gaya mo, nararapat lamang pahirapan ng husto, nakuha mo?!"

Di na napigilan ni Cynthia ang nag-aalsang galit. Ito na ang pagkakataon para sindakin ang taong sumulsol sa kanilang ina para sirain ang buhay nilang magkapatid. At talagang tuwang-tuwa siyang makita kung gaano ito kamiserable sa buhay.

"Hindi ko ipakikilala kung sino ako. Hahayaan kong mamatay ka sa kakaisip! Ngayon, kung puwede lumayas ka sa opisina ko! Ayokong makita iyang pagmumukha mo dahil sa totoo lang, nasusuka ako!" matigas niyang turan bago pinindot ang intercom.

"Come into my office."

Ilang minuto lang at pumasok na ang sekretarya.

"Bilinan mo ang guard sa baba. Sabihan mo na wag magpapapasok ng basura rito. Tawagin mo na rin ang janitor para mabuhusan ng alcohol ang bisinidad. Ayokong mahawa ng kung anong mikrobyong dulot niya... Ikaw, ayokong pupunta ka pa rito! Layas na!" itinuro pa niya ang pinto.

Inakay naman ng kanyang kalihim ang ginang na mukhang nawindang sa bilis ng pangyayari. Pagkasara ng pinto, doon lamang tumulo ang luha ni Cynthia.

Umupo siya sa kanyang swivel chair at binuksan ang drawer. Kinuha niya ang litratong ipinaayos at ipinalagay pa niya sa frame.

"Ate, bakit ba ganun sila? Nakalimutan na nila ang lahat gayung nasira ang buhay mo dahil sa kanya.."

"Ang kapal talaga ng mukha mo Teresa. Ang kapal mong magkunwaring inosente!"

"Ate, kaunting panahon na lang... Magugulat sila oras na lumabas ang katotohanan. Magsisisi silang lahat!"

Matapos pagmasdan ng ilang minuto ang litrato, muli iyong itinago ni Cynthia sa drawer. Pero nasa isip pa rin niya ang eksena kanina.

Mahigit labing walong taon na rin mula nang huli niyang makausap ang kapatid. Labing walong taon na nag-iisip siya na sana'y bangungot lang ang lahat at paggising niya, nariyan pa rin ang kanyang ate Veronica. Kabiruan, nayayakap, nakakausap at napagsasabihan ng problema..

Minsan napakaunfair rin ng buhay pagkat nakamit man niya ang pangarap na yumaman pero ang naging kapalit naman ay pagkawala ng kanyang kapatid.

Marami nga siyang pera, may magarang kotse at mamahaling mga gamit pero hungkag ang pakiramdam niya. Hinahanap ng puso niya iyong pakiramdam na matagal na rin nung huli niyang maranasan. Isa siya sa tinitingalang dalaga sa alta sociedad pero ni hindi niya magawang magsaya ng totoo! Dahil lamang sa trahedyang hindi nila sinadya't ginusto, nawala na ang lahat sa kanya.

"Kaya masisisi ba nila ako kung ito ang paraan na naisip ko? Sila ang nag-umpisa kaya tatapusin ko lang.. With my power, kaya ko nang bilhin ang hustisyang ipinagkait sa amin noon."

Naisubsob na lamang ng dalaga ang kanyang mukha sa mga palad. Mas lalo niyang naramdaman ang pangungulila dahil noong bata siya, kapag may dumarating na problema isang yakap lang mula sa kanyang ina at kapatid, napapayapa na ang isipan niya.

Nagharap na rin si Aling Tess na dahilan ng pagkakulong ni Veronica at ang ating bida. Unang engkuwentro pa lang, ginimbal na ni Cynthia ang ginang.

At si Aling Martha, ano ang naghihintay sa kanya sa paninilbihan sa mansyon ng mga Salgado. Kailan niya makikilala ang anak na napabayaan at nagawan ng malaking kasalanan noon?

-To be continued-

Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon