Chapter 12:
Ang pagtango ng ginang ay positibo ang dating sa kanya.
"Talaga po?"
"Sa akin ay okay lang. Iyon nga lang sigurado ka bang talaga na ako ang gusto mong kunin?" tanong ng ginang.
"Of course wala namang dahilan para hindi ikaw ang kuhanin.. After all... E Lawrence, okay lang ba sa'yo?"
"Okay naman kay inay so, okay na rin sa akin."
"Good. Sinisiguro ko na sulit ang pagpayag ninyo." nakangiting sabi pa ng dalaga.
"Kung gayon kailan ba ako magsisimula?"
"Honestly, kailangan ko na ho talaga. Pero nasa inyo naman ho ang desisyon, Aling Martha."
"Puwede na akong sumama kung gusto mo, hindi ba Lawrence?" binalingan ng ginang ang anak-anakan.
Napatingin din tuloy si Cynthia sa binata. Hinihintay niya ang pagpayag nito sa ipinahiwatig ng kinakasama. Oo, kinakasama dahil hindi niya basta paniniwalaan ang pahayag ng dalawa na mag-ina ang turingan ng mga ito!
"Ah, o-oo naman. O, sige. Ako na ho ang bahala rito tutal, kaya ko na naman."
"Good." tatango-tangong wika ng dalaga. "But don't worry, puwede naman siyang umuwi tuwing day-off niya.."
Nang walang umimik sa dalawang kaharap, muli siyang nagsalita.
"Madali lang naman ang mga gawain. Paghahatian n'yo iyon ni Manang Azon at ng mga katulong."
"Puwede ko bang dalawin ang inay roon?"
Napatingin si Cynthia sa binata.
"Talagang di nila matitiis na di magkita.." anang isip niya pero iba ang isinatinig. "Oo naman. Hindi naman ako mahigpit sa mga kasambahay. Basta nagagawa ng tama at maayos ang trabaho, okay sa akin."
Ngumiti ang dalawang kaharap. Pagkatapos, iniba na ni Cynthia ang usapan. Ilang oras din silang nagkuwentuhan at nang magpaalam na ang dalaga....
"Sige ho. Aalis na ako.."
"Mag-iingat ka iha. Sa makalawa na lang ako magsisimula kung puwede? Aasikasuhin ko lang ang mga maiiwan ko."
"Okay lang ho. Ipasusundo ko na lamang kayo sa driver ko ng alas otso. May pasok po kasi--"
"O-okay lang. Hindi mo naman ako dapat pagkaabalahan ng husto."
"Ma'am, ingat ho. Text mo ko pag nasa bahay ka na."
"Ma'am? Wala tayo sa trabaho at kahit ganun, tawagin mo akong Cynthia." tudyo ng dalaga.
"E nakakadiyahe naman kasi."
Natawa ang dalaga. Di napigilan ang sarili na ma-amuse nang makita ang pamumula ng pisngi ng binata. Why? He's really cute when he's like that. No, wrong choice of word ang cute dahil ang totoo mas naging simpatiko ito sa kanyang paningin! Pero siyempre, di niya puwedeng ipahalata na ganun ang tingin niya sa binata. Isa pa, hindi niya ugaling mamulot ng basurang pinagsawaan na ng iba! With that, Cynthia tried to compose herself.
"I want to drop the formalities and that's my order."
Sa kawalan ng masabi, napakamot na lamang sa ulo ang binata. Habang inistart na ni Cynthia ang makina ng kotse, di naman umaalis sa kinatatayuan ang dalawa. At nang mawala lang sa paningin nina Lawrence ang sasakyan, saka lamang nila ipinasyang pumasok na sa bahay.
"Ang bait ng amo mo anak. Napakagaan ng loob ko sa kanya kahit na ngayon pa lang kami nagkita."
"Mabait ho talaga siya. Napakaganda ng ginawang pagpapalaki sa kanya ng umampon sa kanya. Dahil sa kabila ng dinanas niya dulot ng sariling pamilya, napanatiling busilak ang kanyang kalooban."
BINABASA MO ANG
Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETED
Romance[COMPLETED] Si Luisa ay ang bunsong anak ni Aling Martha na muling nagbabalik sa bansa bilang Cynthia. Ang dahilan ng kanyang pagbabalik? Nais niyang maningil..gusto niyang gantihan ang lahat ng tao na nagkaroon ng kasalanan sa kanya. Pero sa kanyan...