Chapter 27:
**Cynthia's POV**
Nasaan na kaya yun? Ang bilis naman niyang mawala..
Lumingon-lingon pa ako habang patuloy na binabagtas ang hallway..pero di ko talaga siya makita.
Lahat ng sulok ng ospital ay napuntahan ko na, nagbabakasakaling naroon lang siya..but to my dismay, talagang wala. Isa na lang naman ang hindi ko pa nagagawang silipin-- sa rooftop.
..
..
There he is. Tama ako na hindi siya basta aalis within the vicinity. Tama rin akong nagsinungaling lang siya kanina na may pupuntahang importante.
Mula sa kinatatayuan ko'y kitang-kita ang pigura ni Lawrence. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa may mini-garden na naroon.
Pilit ko mang pigilan, ramdam ko ang unti-unting pagbilos ng tibok ng puso ko..
Para akong kinakapos ng paghinga at parang sasabog na ang puso ko sa sobrang emosyong nakapaloob dito..
Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang kausapin! Nalulungkot ako dahil mistulang may malaking pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa at alam ko kung bakit.
..
..
Dahil kay Ralf at dahil na rin sa nalalapit naming pagpapakasal.
Sigurado ka? Hindi kaya masyado ka lang nag-a-assume sa mga bagay?
Hindi! Alam kong pareho kami..at alam kong nahihirapan din siya't nasasaktan gaya ko.
Kung gayon, makakaya mo rin bang saktan ang damdamin ni Ralf?
Magiging masaya ka ba ng lubos kahit alam mo na may nagdurusa?
H-hindi ko alam. Ayoko siyang saktan, pero di ba masasaktan din siya kapag nalaman niyang hindi na ako gaya ng dati..na may nagbago na sa nararamdaman ko para sa kanya?
"Anong ginagawa mo rito?" -Lawrence
Bigla naman akong natauhan at nasorpresa nang makita ko na kaunting distansya na lang ang nakapagitan sa amin.
"Lawrence," -me
"Bakit ka nga narito? At saka paano mong nalaman--"
"Hinanap kita."
"B-bakit?"
"Ah..n-nag-aalala kasi ako na--"
"Ang mabuti pa bumalik ka na sa loob." -Lawrence
Akmang iiwan na naman niya ako, buti na lang nagawa ko siyang pigilan agad.
"L-Lawrence.." -me
"Bitiwan mo ako, baka makita tayo ni Ralf, kung ano pa ang isipin ng nobyo mo sa akin."
"Lawrence, please..let me..mag-usap tayo."
Hindi umimik si Lawrence and I immediately took it as a cue..para sabihin ang gusto kong iparating sa kanya.
"Oo, boyfriend ko siya..fiancee, actually. Pero para sa akin marami na ang nagbago.
..
..
Mahal kita, Lawrence" -me
"W-what? Alam mo ba yang sinasabi mo, ha?"
"Oo, mahal kita. Seryoso ako sa sinasabi ko, mahal talaga kita. I don't know how..hindi ko ginusto pero kusang dumating--"
"Stop! This is nonsense."
"No! Paano iyon naging nonsense? Paano mo nasasabing--teka, mahal mo ba ako?" -me
"Cynthia.." -Lawrence
Padaing ang pagkakasabi niya sa pangalan ko. Its as if na hirap na hirap siya..
"Tell me, wala ka bang nararamdaman? Hindi mo ba napapansin?"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo..pumasok ka na lang, iwan mo na ko rito.."
"Ang hirap sa'yo, pilit mong tinatanggi ang totoo. Alam kong nauunawaan mo ang sinasabi ko, Lawrence."
"Hindi na impprtante kung nagpapakaipokrito ako or what..ayoko lang makasakit ng iba, so please..
..
..
Go back to him and do the right thing."
"Sa ginagawa mo, hindi lang si Ralf ang nasasaktan. Ako pati na rin ikaw..lalo na ang mga pamilya natin, masasaktan. Pero kung iyan talaga ang gusto mo, I'll do it." -me
Ako na ang kusang bumitaw sa braso niya. Unti-unti, sinimulan ko ang paglalakad palayo sa kanya pero bago pa man iyon, muli niya akong tinawag.
Tumigil ako pero di ko siya nilingon. Hinintay ko lang kung ano pa yung sasabiin niya.
"Maibibigay niya sa iyo ang lahat, Cynthia. B-be happy."
It was now my turn para lingunin siya ulit. Sinadya kong tingnan siya sa mata then nagsalita.
"You're hoping for the impossible, Lawrence. After breaking my heart, iniisip mo bang makakaya ko pang sumaya ng totoo? I don't think so."
Hindi ko alam kung saan pa ko nakakuha ng lakas na magsalita kahit na isa lang naman ang gusto kong gawin ng mga oras na iyon-- ang umiyak.
Pero iyon nga, nasabi ko na..after that, I manage to turn my back and walk away from him..
..
..
From the man who manage to capture my heart and break it as well.
**Lawrence's POV**
Dahil hindi ako ganoon katibay na labanan ang sakit na nararamdaman ko, nagpaalam muna ako sa kanila pansamantala.
Alam kong nahalata ako ni nanay..na nagsisinungaling ako, pero tama na. Ayoko na..
Bumuntong-hininga ako kasabay ng paglingon ko sa likod. There she is..
..
..
"Cynthia.."
I can even hear the agony in my own voice. Wala na...I'm really condemned in this mess. Wala nang kawala ang puso ko sa sakit, lalo pa't pag nakikita ko siya'y iisa lang ang gusto kong gawin..
"W-what are you doing here? May nangyari ba?" -me
"Ahmm..n-no, wala naman. I just want to check you out. G-gusto kasi kitang kausapin, e." -Cynthia
"Tungkol saan?"
Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko. Iniisip ko kasi kung ano yung sasabihin niya. For sure, importante yun dahil pinagtiyagaan niyang hanapin pa ako.
"Wala ka bang nararamdaman? Hindi mo ba napapansin?"
"Napapansing ano? W-wala akong alam sa sinasabi mo, Cynthia. Ang mabuti pa, bumalik ka na sa loob at baka hinahanap ka na ni Ralf."-me
Pagkatapos kong sabihin sa kanya iyon, nagmamadali ang kilos na tinalikuran ko siya para bumalik sana sa loob. Iyon nga lang, bago ko pa magawa, napigilan na ako ni Cynthia.
"Lawrence.."
"Bitiwan mo ako. Baka makita tayo ni Ralf, kung ano pa'ng isipin ng nobyo mo."
"Lawrence please. Let me..mag-usap tayo." -Cynthia
Hindi muna ako umimik and she took that as her cue to continue on what she was trying to say. Pero wala naman akong balak na makinig pa. Bakit pa, diba?
Sinubukan ko ring iwanan siya pero agad din niya akong napigilan.
"Mahal kita, Lawrence. Don't ask me why because I can't give you exact answers..ang alam ko, mahal kita."
"This is not right. Tigilan na natin ito, it will not do us any good."
"Bakit ka ba ganyan ha? Bakit mo tinatakasan ang totoo? Mahal natin ang isa't isa, alam kong alam mo 'yan."
"Ikakasal ka na, for goodness sake!"
"Bakit, sa tingin mo ginusto kong mangyari ito, ha? Hindi mo man lang ba naisip na kung nahihirapan ka, gayundin ang nararamdaman ko? Sa tingin mo ganoon ako kasama para saktan ang nobyo ko?" -Cynthia
Nakita ko kung paanong lumatay sa mata niya ang sakit. At kahit paano, nakunsensya ako dahil sa mga binitiwan kong salita..pero naisip ko rin na ito ang tama.
"Mabait na tao si Ralf. Hindi ko man siya kilala ng todo, I could tell na mahal na mahal ka niya and he will never hurt you.."
"Alam ko."
"Ituon mo na lang ulit ang atensyon mo sa kanya..he will make you happy..you'll be happy with him." -me
"You're wrong," iiling iling niyang sabi. Nakikita kong hindi siya kumbinsido sa bagay na iyon..pilit pa rin niyang ipinaglalaban ang kanyang paniniwala.
"You're wrong dahil hinding-hindi na ako sasaya ng totoo. Wanna know why? Siguro dahil mas pinili mo akong talikuran. Alam mo, hindi naman natin kailangang gawin lagi kung ano ang makakapagpasaya sa iba dahil hindi rin naman masama kung magiging makasarili tayo paminsan-minsan."
Iyon lang ang sinabi ni Cynthia and then she quickly turned her back and leave the place.
As I watched her, alam kong dito na matatapos ang lahat. Masaklap lang, wala pa man silang nauumpisahan, bokya na agad!
Goodbye, my dearest love..-To be continued-
BINABASA MO ANG
Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETED
Storie d'amore[COMPLETED] Si Luisa ay ang bunsong anak ni Aling Martha na muling nagbabalik sa bansa bilang Cynthia. Ang dahilan ng kanyang pagbabalik? Nais niyang maningil..gusto niyang gantihan ang lahat ng tao na nagkaroon ng kasalanan sa kanya. Pero sa kanyan...