Chapter 25:
Sinubukang pawiin ng ginang ang tensyon sa pagitan ng dalawang taong pinakamahalaga para sa kanya. Buti na lang at nagtagumpay siya bago pa makahalata ng lubusan ang nobyo ng kanyang anak.
Alam niyang mabait si Ralf. Nakikita niya rin na mahal na mahal nito ang kanyang anak, pero alam niya rin kung sino ang totoong makapagpapasaya ng todo kay Cynthia at iyon ay walang iba kundi si Lawrence...
**Lawrence's POV**
Kitang-kita ko kung paano maglambing si Ralf kay Cynthia. Gusto kong magalit, ang ilayo siya sa lalaking iyon pero mali..
Oo, aaminin ko..nagseselos ako kahit hindi dapat.
Ang sakit lang kasi alam ko na andiyan lang si Cynthia..nakikita ko at nakakausap..pero, bakit ganun? Parang ang layo layo pa rin niya?
Siguro nga ipinanganak akong masokista. Kahit lasug-lasog na ang puso ko, gusto ko pa rin siyang pagmasdan..kahit panakaw lang..
Alam ko ring kanina pa ako pinakikiramdaman ni nanay Martha. Naaawa siya sa akin, ramdam ko..maski naman ako, naaawa sa sarili ko e..
I'm loving someone who can't love me back or evwn if she did, still di pa rin tama..
..
..
Dahil may masasaktan.
Ralf doesn't deserve to be hurt because he's a good man..as for me, hanggang pantasya ko na lang si Cynthia.
On the other hand, medyo panatag ako dahil alam ko na magiging masaya silang pareho. Basta, narito lang ako para sa kanya...
Mabilis lumipas ang mga oras. Nakaalis na sina Ralf para sunduin ang mga kumupkop kay Cynthia pati na ang magulang nito. Gaya ng napag-usapan, naiwan ako para bantayan si nanay..
Marami kaming pinag-usapan pero walang nagbukas ng topic tungkol kay Cynthia, sa relasyon nila ni Ralf at ang nalalapit na kasal nilang dalawa..which I thanked her for respecting my feelings towards her daughter.
Kahit paano kasi, hindi ko masyadong nararamdaman ang sakit..
Kahit paano, nagagawa kong makipagbiruan maski saglit..
..
..
Eksaktong alas singko na ng hapon at kasalukuyan naming pinagsasaluhan ang meriendang binili ko. Nakarinig kami ng marahang pagkatok..kasunod niyon ay ang pagpasok nina Cynthia...
"Hi, 'nay!"
Lumapit si Cynthia sa ginang kasunod ang dalawang tao na agad nilag nahinuha na mag-asawa.
"Nay, sina Mr at Mrs Salazar ho..sila ang kumupkop sa akin. Mom, dad, ang inay ko po." -Cynthia
"Ikinagagalak ko kayong makilala." Nakangiting sabi ni Aling Martha.
"Ganoon din kami. Nasabi sa amin nitong si Cynthia na narito ka nga raw sa ospital. Kumusta naman ang pakiramdam mo?" -Mr Salazar
"Maayos na..salamat."
"Maigi at nagkaayos na rin kayo sa wakas. I must admit na we're against with her plan in going here and take her revenge. Masyado kaming nag-aalala na baka masaktan lamang siya sa gagawin niya.." -Mrs Salazar
"Tama ang asawa ko. Napamahal na rin kasi siya sa amin. But na lang at hindi hinayaan ng Diyos na mangyari ang kinatatakutan ko."
"Oo nga. Nagpapasalamat rin ako na pagkatapos ng mga nangyari, nahanap pa rin niya ang kapatawaran para sa akin.."
"Nanay ko kayo, kahit pala galit ako..hindi ko pa rin matitiis na makita kayong nahihirapan. Pareho lang po tayong biktima..isa pa, hindi ikatutuwa nina itay at ate na nagkawatak-watak tayo." -Cynthia
Ngumiti lang ang ginang pagkuway muling binalingan ang mag-asawa.
"Nasabi sa akin nitong si Ralf na may balak nga siyang pakasalan ang anak ko."
"Tama kayo misis..siyanga pala, kami ang parents niya." -daddy ni Ralf
"Ikinagagalak ko kayong makilala. Siyanga pala, siya si Lawrence.." -aling Martha
"Nice meeting you sir, ma'am.."
"Nice meeting you too, iho.." -mommy ni Ralf
Nagkamay pa ang magkabilang partido. Pagkatapos, nagpatuloy rin ang kuwentuhan..ang pagpapalitan ng suhestiyon para sa gaganaping kasal nina Cynthia.
Tahimik lamang na nakikinig si Lawrence. Saka lamang siya nakikisali sa usapan kapag tinatanong o pinapansin ang kanyang pananahimik.
Si Cynthia, pilit ang pagngiti at ang kunway pagiging interesado sa pinag-uusapan. Pulos tango at simpleng 'oo' lang ang kanyang sinasabi.
Si Aling Marta naman ay lihim na napapailing sa kanyang nakikita kaya ang suma total, si Ralf at ang mga bagong dating lamang ang maingay sa durasyon ng pagpaplano..
"Mas maganda siguro kung sa susunod na buwan na lang gawin ang kasal, di ba?"
"Great idea, mom. Tatawagan ko yung kaibigan naming wedding coordinator..excited din yun e."
"Ahmm..di ba masyadong mabilis? I mean, mas maganda kung fully recovered na si nanay?"
Tinaasan ng kilay ni Ralf ang nobya. Sinubukan niyang tingnan ngunit sadyang umiiwas..nagtaka tuloy siya at napaisip. Gayunpaman ay sinang-ayunan rin ang gusto ng babae. Siya na rin mismo ang nagsarado ng topic at iniba na lamang ang usapan.
"Kumusta na pala roon dad? Nagbukas ako ng e-mail ko last night pagkarating sa hotel, and I receive Meryll's resignation letter."
Nagkatinginan ang mag-asawa. Ang ama niya abg sumagot. "She decided to leave after mong maarating dito. She told us na it is about time para hanapin niya ang sarili niya..she wants to look for her happiness--"
"Why? Is our company can't give her that? At tayo, hindi ba atin iyon naibigay? This is ridiculous.."
"I don't know, iho. Pero.."
"Pero ano?"
"Never mind. Let's drop this subject..wala na siya and she already made up her mind."
Umiling na lamang siya dahil talagang ramdam niya ang panghihinayang. Magaling si Meryll..she's the best secretary he ever had. A great employee, a friend and companion. Kung bakit hindi siya kuntento sa ibinigay nitong dahilan, ewan niya. Para kasing may bumubulong sa kanya na may mali..may kulang e.
Pero kahit na maraming tanong ang nasa isip niya, hindi rin naman niya makukuha ang mismong sagot unless magkita sila ulit o hanapin niya ang kanyang dating sekretarya.
"If you want, pahihiram muna namin sa iyo si Mrs. Anderson, tutal hindi ka rin naman agad makakahanap ng mapagkakatiwalaang sekretarya. Mahirap na, wala kayo roon.."
"I think I'll consider that, thanks tita."
Tapik sa balikat lang ang isinagot ng nakangiting ginang.
"Anyway, nakausap rin pala namin ang mga kaibigan n'yo ni Ralf, Cynthia..ayun, nangungulit! Baka daw nagpakasal na kayo at inililihim n'yo lang sa kanila."
Natawa si Ralf pagkuway inakbayan ang nobya.
"Tito, para namang matatakasan namin ang mga iyon, of course not. Takot lang namin sa mga iyon, right sweetie?"
"H-ha? Ah o-oo.." -Cynthia
"See? Pero di bale, I'll call them later. Sasabihin ko na rin na we're starting to make preparations for the wedding." -Ralf
Hinalikan pa niya sa buhok si Cynthia. Napangiti ang adoptad parents ni Cynthia at ang parents ni Ralf. Masaya rin si Aling Martha subalit di iyon lubos. Si Lawrence? Nakamasid lang sa dalawa at nananahimik sa isang tabi. Nang di makatiis, saglit na nagpaalam sa mga kasama.
"Saan ka pupunta?" -Aling Martha
"Diyan lang ho, magpapahangin..sige po."
Iyon lang at tumalikod na ang binata. Ilang saglit pa'y nagpaalam rin si Cynthia.
"Sandali lang ako. Naalala kong kailangan ko palang tawagan ang sekretarya ko dahil may kailangan akong basahing dokumento.."
"Okay." Nakangiti namang pagpayag ni Ralf.
"Excuse lang ho.."
"Don't mind us. Magkukuwentuhan lang rin naman kami." -oldies
Humalik muna sa pisngi ng ina si Cynthia bago tuluyang lumabas. Little did she know na nakasunod ang tingin sa kanya ni Ralf. Curiosity was now visible in his face.-To be continued-
BINABASA MO ANG
Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETED
Romantik[COMPLETED] Si Luisa ay ang bunsong anak ni Aling Martha na muling nagbabalik sa bansa bilang Cynthia. Ang dahilan ng kanyang pagbabalik? Nais niyang maningil..gusto niyang gantihan ang lahat ng tao na nagkaroon ng kasalanan sa kanya. Pero sa kanyan...