Chapter 18:
Kinabukasan nang magising si Cynthia, dumungaw pa siya sa bintana para tingnan kung naroon pa sa labas si Aling Martha.
"Mukhang napahinuhod ni Lawrence ang matandang iyon. Kunsabagay, inexpect ko na naman talagang magsasawa rin siya e."
Umalis na ang dalaga sa tapat ng bintana. Sinimulan niyang ayusin ang kama, pagkuwa'y kumuha ng damit saka dumiretso ng banyo.
Itinapat ni Cynthia ang sarili sa dutsa. Kasabay niyon ay ang paglalakbay ng isip ng dalaga.
Kahit paano at kahit gaano pa niya itanggi, may lungkot at panghihinayang rin na pilit sumisiksik sa tagong bahagi ng puso niya. Paano'y di rin pala magagawang magsakripisyo ni Martha. Sa ilang pagkakataon kasi, binigo na naman siya ng kanyang ina. Gayunpaman, di na lamang niya pinagtuunan ng pansin ang ligaw na damdaming umuusbong. Sa halip, pinilit niyang pasiglahin ang sarili dahil sa wakas, matatahimik na sila ng kapatid. Makakabalik na siya sa kanyang bagong pamilya na alam niyang naghihintay sa kanya.
"Cynthia... Cynthia!"
Bahagyang natauhan ang dalaga nang marinig ang pagtawag na iyon ni Manang Azon.
"Sandali lang ho."
Mabilisan na niyang tinapos ang pagligo. Tinuyo muna ang sarili at isinuot ang nakahandang roba na naroon saka lumabas.
"Bakit ho?"
"Handa na ang almusal sa ibaba."
"Sige ho. Susunod na ako pagkatapos kong magbihis."
Akmang iiwan na siya ng ginang subalit pinigil niya ito.
"Ah, manang..."
Sandali siyang tiningnan ng mayordoma na parang nagtatanong kung ano pa ang nais niyang sabihin.
"Ah si... Anong oras po umalis si.."
"Si Martha? Hindi umalis ang nanay mo iha."
"Pero wala na siya namg sumilip ako kanina. At saka dumating si Lawrence.."
"Ang mabuti pa, sumunod ka na lang sa baba pagkabihis mo."
Nagtataka man, napatango na lamang si Cynthia. Pagkatapos nga niyang magbihis, bumaba na siya. Pero laking gulat niya nang madatnan ang taong nakaupo sa sofa na naroon.
"Lawrence.." bulong niya sa sarili. "Bakit narito ka?" malamig ang tinging ibinigay niya sa binata.
Pero sa halip na iwasan, sinalubong pa ng binata ang tingin niyang iyon.
"Hindi mo dapat ginawa sa kanya ang ganun."
Agad nagpanting ang taynga ng dalaga sa tinuran ng kaharap.
"At ano ang karapatan mong pagsabihan ako? At dito pa mismo sa teritoryo ko?!"
"Wala nga siguro. Pero, nagulat lang ako na magagawa mo iyon sa iyong ina mismo."
"Alam mo na pala ang tungkol doon. Bakit, sinabi na rin sa'yo ng matandang iyon? Sabi ko na nga ba.."
"Wag mong bastusin ang nanay mo!"
Sa pagkakataong iyon, napikon na rin ang binata.
"Gagawin at sasabihin ko ang gusto ko Lawrence!"
"You're being childish Luisa.."
"I am not! Ang kapal ng mukha mo! Inutusan ka ba niyang pumunta rito ha?! Para lang sabihin 'yan?!"
"Ako ang nagkusa. Alam mo bang sa ginawa mo kahapon, nagkasakit siya?"
Sandaling natigilan ang dalaga ngunit agad din namang nahamig ang sarili.
"Kasalanan niya. Hindi ako ang nag-utos sa kanyang magpaulan, desisyon niya iyon!"
"Ganyan ka na ba talaga kasama para sarili mong ina ay talikuran mo?"
"How dare you!" nabiling sa sampal ang mukha ni Lawrence.
"Masakit ang katotohanan di ba?"
Minsan pang sinampal ng dalaga ang binata.
"Wala kang alam Lawrence! Wala kang alam kung ano ang pinagdaanan ko. Wala kang alam sa nararamdaman ko at wala ka ring alam kung gaano kasakit ang ipinaramdam sa akin ng matandang ipinagtatanggol mo!"
Agad namang napasugod roon sina Manang Azon kasama ang ilan sa mga katulong ng dalaga.
"Marahil may nagawa ngang kasalanan sa'yo si nanay, pero matagal na niyang pinagsisihan ang lahat ng iyon.."
"At gusto mong paniwalaan kita? Kalokohan iyang sinasabi mo, Lawrence!"
"Totoo ang sinasabi ko. Mahal ka ng nanay mo. Kayo ng kapatid mo--"
"Hindi! Sinungaling ka! Kagaya ka rin ng matandang iyon! Di n'yo na mabibilog ang ulo ko!"
"Makinig ka sa akin. Patawarin mo na ang inay mo. Matanda na siya.."
"Wala siyang makakamit na kapatawaran mula sa 'kin. Habang buhay ako, mananatili ang galit na naipon rito para sa kanya!" wika ng dalagang itinuro pa ang tapat ng dibdib.
Kitang kita ang galit sa kislap ng mga mata ng dalaga kahit na nalalambungan pa iyon ng luhang di napigilan sa pagbagsak.
"Nasasabi mong masama akong anak? Bakit, kung di rin naman sa kagagawan niya di ako magkakaganito! Kung di niya ako pinabayaan noon, di sana... Di sana..."
Niyakap na lamang ni Lawrence ang dalaga. Nais niyang iparamdam dito ang simpatya para kahit paano, matutunan nito ang patawarin ang sarili pati na rin ang mga taong nakagawa ng kasalanan rito.
"Ssh. It's alright. Just let it go, para makapagpatawad ka na.."
Sukat sa sinabing iyon ni Lawrence ay tuluyan nang bumigay ang emosyon niya. Sabay na dumaloy sa kanya ang alaala ng nakaraan...
"Walanghiya sila.. Walang kasalanan ang kapatid ko, binaboy nila.. B-binaboy na parang hayop! Mga demonyo!"
"Pinabayaan kami ni nanay.. Nalagay sa alanganin ang kapatid ko nang dahil sa akin. Ni wala man lang akong nagawang paraan para mailigtas siya! Wala akong kwentang kapatid.. Dahil sa akin, nawala pa ang kaisa-isa kong kakampi.."
"Ssh.. Don't say that. Mahal ka ng kapatid mo kaya mas pinili niyang magsakripisyo.."
"Ni hindi man lang nahabag sa amin ang inay noon. Ilang beses ko siyang nilapitan. Nagmakaawa na kahit si ate na lang ang isipin niya.. Okay lang naman sa akin na ako ang ipagtabuyan niya.. Okay lang basta tulungan niya si ate Veronica.."
"Ang hirap dalhin Lawrence.. Pagod na pagod na ako sa kakaisip kung sana lang naging maagap ako. Kung maibabalik ko lang sana sa dati, hinayaan ko na lang sana si Mang Dencio.. Buhay pa sana ang kapatid ko ngayon..."
Di naman napigilan ng mga naroon ang mapaiyak. Pero higit lalo ang pagtangis ni Aling Martha na naroon na pala at nakikita ang paglalabas ni Luisa ng sama ng loob.
"Kaya niya ko pinagtabuyan dahil ayaw niyang masira ang buhay ko.. Pero ang di ko matanggap, nagpakamatay siya dahil nagbunga ang paulit-ulit na pangmomolestiya sa kanya.. Alam mo ba kung bakit pinili kong maging abogado ha? Dahil iyon ang pangarap niya.. Dahil iyon ang paraan para matulungan ko siyang mailabas sa kulungan!"
Sinadya kong magpakadalubhasa dahil gusto kong ako ang tumulong sa kanya.. Pero kung kailan graduating na ako, saka naman dumating sa akin ang balitang patay na siya.. Gumuho ang mundo ko noon. Nagalit ako sa lahat pero mas sa sarili ko.. Hindi nila alam kung ano ang mga bagay na sinadya kong tiisin, makatapos lang ng mas maaga."
Matapos niyon, marahas na itinulak ng dalaga ang binata.
"Ngayon, sabihin mo sa akin? May karapatan bang patawarin ang ina ko ha?!"
"A...A-anak.."
"Wag mo akong tawaging anak. Para sa akin, isa lang ang mommy ko. At nasa ibang bansa siya ngayon!"
"Anak, hindi ko alam.. Hindi ko alam na nabuntis pala ang kapatid mo.. Hindi ko talaga alam, patawarin mo ako.." lumuhod na ang ginang mismo sa harap ng umiiyak na ring dalaga.
"Babawi ako anak, pangako. Bigyan mo lamang ako ng pagkakataon.."
"Ayoko na hong umasa.. Sobrang sakit na kasi!"
"Anak.."
"Umalis na lang kayo. Gawin n'yo ang madalas n'yong ginagawa noon. Isipin n'yo na lang na namatay na rin ako.."
Lalo nang tumangis ang ginang.
"Lawrence, dalhin mo na siya.. Pakiusap lang, ayoko nang magpapakita pa kayo sa akin.. Tutal nagkaalaman na rin naman, babalik na ko sa bago kong pamilya.." tinalikuran na ng dalaga ang mga naroon.
Agad na siyang nagtungo sa kotse at saka pinaharurot iyon. Wala siyang tiyak na pupuntahan pero mas mabuti na ang makapag-isip kahit pansamantala.
Samantala, di naman makapaniwala si Lawrence sa nasaksihan. Di niya inakalang hanggang sa huling sandali, magagawa nitong tikisin ang sariling kagustuhan.
Nagulat pa siya nang pagtingin niya sa nanay-nanayan ay biglang...
"Nanay Martha, ano hong problema?"
Napansin niya ang bahagyang pagngiwi nito habang hawak ang kumikirot na dibdib.
"Sumasakit--"
Di na naituloy ng ginang ang sasabihin. Bigla na lamang kasi itong pinanawan ng ulirat!
"Diyos ko, inatake na si Martha!"
"Nanay Martha! Nanay!" taranta na rin si Lawrence habang kandong ang walang malay na ginang. "Tumawag po kayo ng ambulansya.. Bilis!"
"O-oo! Tasing, madali ka.. Naku naman Martha!"
Ang mayordoma iyon. Agad namang tumalima ang inutusan. Tumawag na ng ambulansya at pagkatapos, ipinaalam sa kanila ang pagdating niyon anumang sandali.-To be continued-
BINABASA MO ANG
Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETED
Romance[COMPLETED] Si Luisa ay ang bunsong anak ni Aling Martha na muling nagbabalik sa bansa bilang Cynthia. Ang dahilan ng kanyang pagbabalik? Nais niyang maningil..gusto niyang gantihan ang lahat ng tao na nagkaroon ng kasalanan sa kanya. Pero sa kanyan...