Chapter 13

93 2 0
                                    

Chapter 13:

"A, hinintay talaga kita." hinihingal na sagot ni Lawrence sa tanong niya.

"Ako? Bakit naman?" nagtataka pa niyang sabi.

"Tungkol kay nanay.."

"Bakit? Nais ba niyang umatras–"

"Hindi. H-hindi ganun." sansala naman ng binata. "Ang totoo, nagpapasalamat ako na napapasaya mo siya.."

Nahalata naman ng binata na parang naguluhan ang dalaga sa kanyang sinabi kaya ipinaliwanag na lamang niya ang dahilan.

"Naaalala niya kasi sa'yo si Luisa. Iyong bunso niyang anak.. Alam mo kasi kaedad mo siya at inisip ni nanay na parang anak na rin niya ang kanyang paglilingkuran kahit na paano.."

Medyo natigilan naman si Cynthia nang marinig ang paliwanag ng kaharap. Para kasing may nasaling ito sa damdamin niya pero ayaw niyang ientertain. Hindi dapat at hindi puwedeng mangyari.

"Ah, ganun ba?" nasabi na lamang niya pagkaraan ng ilang sandali.

"Oo. Excited na nga siya e. Maraming salamat ha?"

Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Cynthia.

"Siyanga pala, may isa pa akong dahilan kung bakit kita hinintay.. Puwede ka bang yayaing kumain sa labas?"

"You mean, gusto mo makasabay ako?"

Di pa man sumasagot ang binata, nakaramdam ng kilig ang babae sa isiping iyon.

"Oo sana kung okay lang? Pero kung hindi naman--"

"No. Di naman ako snob sa mga kaibigan."

Dahil sa pahayag niya, unti-unting umaliwalas ang mukha ni Lawrence.

"Shall we?"

Ngumiti ang dalaga pagkuwa'y tumango. Sinabayan na ni Lawrence ang kanyang paglalakad patungo sa parking lot.

Di naman nagtagal at nakasakay na rin sila sa sasakyan ng dalaga. Hinayaan na ni Cyntìa na si Lawrence na ang magmaneho matapos nilang magkasundo kung saan kakain ng dinner.

"Kumusta naman ang maghapon?"

"Okay naman. Ganun pa rin. Pirma rito, pirma doon. Ikaw?"

"Mas marami kaming pasyente kanina. All in all, okay naman din."

"Glad to hear that."

Naging tahimik na sila pareho pagkatapos ng maikling pag-uusap na iyon. Mayamaya pa, narating din nila ang restaurant na pakay. Humanap muna ang binata ng pagpaparadahan ng sasakyan.

Nang masiguro na naipark nang maayos, pinatay na ni Lawrence ang makina saka bumaba. Lumigid sa kabilang panig upang pagbuksan ang kasama.

"Thank you." si Cynthia matapos alalayan ni Lawrence.

Pero di pa roon natatapos ang pagkamaginoo ng binata. Hinawakan pa siya nito sa siko habang binabagtas ang daan papasok ng restaurant.

Pagpasok naman nila, sinalubong na sila ng waiter.

"Table for two." si Cynthia.

"May reservation po ba?" magalang na tanong ng empleyado.

"Wala e." si Lawrence naman ang sumagot.

"Follow me." giya ng nagpaunang waiter.

Sumunod naman sila. Hawak pa rin ni Lawrence ang siko niya. Dahil doon, nakaramdam ng munting boltahe si Cynthia mula sa himaymay ng kanyang kalamnan at parang malamig na kamay na humaplos sa kanyang puso.

Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon