Chapter 22

95 2 0
                                    

Chapter 22:

"Ralf, halika muna pati na rin ikaw Lawrence. Gusto kayong makausap ni nanay."


"You mean--" parang di makapaniwalang wika ni Ralf.

"Yes. So, halika na?"

Nauna nang pumasok ang dalaga sa kuwarto. Sumunod naman dito si Ralf pagkuwa'y si Lawrence.

"Nay, narito na ho sila."

Muling nagmulat ng mata si Aling Martha. Nabungaran na niya ang tatlong kaharap.

"Magandang hapon ho."

"Ikaw ba si Ralf?"

"Oho. Nobyo po ng anak n'yo. Kumusta na ho kayo?"

"E, mabuti na. Siyanga pala, maraming salamat pala sa pagmamahal na ibinibigay mo rito sa aking bunso."

"Walang anuman ho. Mahal ko rin kasi ang anak n'yo kaya handa akong gawin ang lahat." kampanteng wika ni Ralf na inakbayan pa ang katabing nobya.

Agad na iniiwas ni Lawrence ang tingin sa tagpong iyon. Pilit itong nagpaskil ng ngiti para di mag-alala ang ina-inahan.

"Mabuti naman at nagkasundo na ho kayo nitong si Cynthia. At least, mas lalo siyang sasaya sa araw ng aming kasal, right hon?"

"H-ha? A, o-oo. Siyempre naman." si Cynthia na parang nagising mula sa matagal na pagkakahimlay.

"Kumain na ba itong kasama mo, anak? Ang mabuti pa'y ibili mo na muna sila ng makakain. Palagay ko kasi'y dito na dumiretso ang nobyo mo."

"Ah, okay lang ho." magalang na tanggi ni Ralf na kinontra naman ni Cynthia.

"Sige ho, maiwan ko na muna kayo rito."

Pagkalabas ni Cynthia, saka nagbukas ng usapan si Lawrence.


"Nakalabas na ho siya," ang binata na si Cynthia ang tinutukoy. "Ano ho ang nais n'yong sabihin sa amin?"

"Hindi naman ganun kaimportante. Gusto ko lang kayong pasalamatan ng pormal."


"Nay,"

"Totoo, walang salita ang katumbas ng saya na nararamdaman ko ngayon."

"Alam mo ba Ralf na pangarap talaga niyang bunso ko na maging sikat na designer? Napakagaling niyang gumuhit."

"Hindi ko ho alam. Wala naman kasing trace na magaling pala siya sa ganyan."

"Ang ate niya, si Veronica. Iyon ang minsang nangarap na maging abogado."

Nagkalambong ang mga mata ng ginang pagkaalala sa namayapang anak.

"Hindi ko sukat akalaing siya ang magiging abogado sa hinaharap. Wala kasi iyang interes sa mga batas."

"Pero bakit kung gayon?" nagtatakang tanong ni Ralf.

"Dahil sa akin." si Martha.

"Nay.. Hindi n'yo kasalanan." paalala ni Lawrence.

"Kinalimutan ng bunso ko ang talagang pangarap niya sa pagnanais na kahit paano'y manatiling buhay ang alaala ni Veronica. Hindi ko alam pero sa halip na matuwa, heto ako't naaawa sa kanya."

"Masaya naman po si Cynthia sa kung ano ang narating niya ngayon."

"Oo nga. Pero alam ko na mas sasaya siya kung natupad niya ang sariling pangarap."

Dama ang panghihinayang sa boses ng ginang.

"Sa sandaling panahon na nakilala ko ang anak ninyo, nahinuha kong kuntento na siyang maging abogado at negosyante. Napakapalad niya sa pagkakaroon ng inang gaya n'yo."

"Tama siya. Ako man ay nagmamalaki na nakilala ko ang ina ng babaeng mahal ko." si Ralf.

"Natutuwa akong nagkaroon tayo ng tsansa para magkatagpo-tagpo. Anuman ang maaaring mangyari, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos."

"Kumusta? Mukhang marami kayong napag-usapan a." si Cynthia na kararating at dala ang supot na naglalaman ng kanilang meryenda.

"Wala namang gaano. Nagkakwentuhan lang, hon."

"Asus, at tungkol naman saan?" si Cynthia na binalingan si Aling Martha. "Siyanga ho pala, ililipat ko kayo ng silid. Mukha namang gumaganda ang pakiramdam n'yo sa ilang oras lamang na pagitan."


Marahang tumawa ang pasyente.

"Palagay ko nga, nawala ang sakit ko. Alam mo na, dahil may magandang dahilang nangyari at iyon ay ang napatawad mo ako anak."


"Hayaan n'yo, kapag puwede na, ipapasyal ko kayo."

"Salamat anak pero, kuntento na kong kasama kita at nakikita kang masaya."

"O, siya payakap na nga lang ho." at niyakap nga ng dalaga ang ina.

Tinugon rin naman iyon ng nagagalak na si Aling Martha.

Masaya namang nakamasid sina Ralf at Lawrence sa mag-ina.

"Siyanga pala, kailangang malaman nina tita ang magandang balita."

"Oo nga pala. Nawala sa isip ko sina daddy." si Cynthia.

"Ako na lang ang tatawag. Papupuntahin ko na rin sina daddy dito para mapag-usapan ang tungkol sa ating kasal."

"Okay." si Cynthia.

Excited na nagpa-excuse ang binata sa mga kasama pagkuwa'y lumayo para tawagan ang adopted parents ni Cynthia.

"Anak, sigurado ka bang masaya ka?"

"O-oho naman." kulang sa kumbiksyong sagot niya.

"Sigurado ka? Alam mo, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo.."

"Nay, masaya po talaga ako. Mahal ako ni Ralf."

"E, ikaw? Mahal mo ba siyang talaga?"

Oo. Hindi ba't dapat iyon ang sagot niya? Pero bakit parang may nabago na sa kanya?

"Magiging masaya kami." turan ni Cynthia na sarili ang kinukumbinsi.

Hindi na lamang umimik ang ginang. Napatiim-bagang naman si Lawrence!

"Good news, hon. Susunod daw sila ngayon dito."

"I miss them so much. Lalo na ang mommy. You should meet her, 'nay. Tiyak kong magkakasundo kayo."

Tumango naman si Aling Martha. Mayamaya pa'y humikab siya at di nakaila iyon sa kanila. Mismong si Lawrence na ang nagsabi na matulog na ito na agad namang sinunod ng pasyente.

Ilang sandali pa matapos makatulog ang matanda, binalingan ni Ralf ang nobya.

"Kailangan mo na ring magpahinga."

"No, kaya ko. Ikaw na lang ang umuwi. Alam kong may jetlag ka pa."

"I'm okay. Don't worry. Pero, uuwi nga ako para makapagpalit lang ng damit."

"Sige na, kahit bukas ka na lang bumalik. Kami na muna ni Lawrence dito."

"Are you sure? Nakakahiya naman kay Lawrence--"


"Walang problema. Tama ang nobya mo, galing ka pa sa biyahe kaya dapat makapagpahinga ka rin."

Sa una'y ayaw pa sanang pumayag ni Ralf pero kalaunan ay napag-isipan ang punto ng dalawa.


"I'll be back first thing in the morning. Sikapin mong makakuha maski konting tulog, okay?"

"Yeah, mag-iingat ka."

Kinintalan muna ni Ralf ng halik sa noo ang nobya at tinanguan si Lawrence. Matapos iyon ay nilisan na nito ang silid.

-To be continued-

Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon