Twenty-sixth Chapter - Apology Gift

5.5K 232 143
                                    

This chapter is dedicated to everyone reading this, I hope you'll like this.

~

------------------LOCKER246------------------

Chapter 26

What am I doing?

Why do I like what I'm feeling while kissing him?

Ugghh.

I know nothing anymore.

All I know is that I don't want this feeling to end yet..

His lips are so soft and sweet.

But then it hit me.





I. AM. KISSING. A. GUY.

Agad ko siyang tinulak at tumalikod.

"Mali to. Hindi ako bakla. Hindi. Ako. Bakla. T@ng ina." habol hininga kong pagkausap sa hangin na sinasabayan pa ng pag-iling.

Umikot ako para tingnan siya ulit pero t@ng ina talaga, yung mga labi niya agad yung nahagip ng mga mata ko. He is biting his lower lip and sucks, bumilis yung tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko yun. Those red enticing lips... para silang nag-aanyaya na muli ko silang halikan.

I shook that idea off of my mind.

Muling nagtama ang mga paningin namin and the next thing I know, nagmamadali na kong naglalakad pababa at palabas ng university.

Hiniram ko yung kotse ni Leo na nagtataka kung bakit ang tagal kong bumalik ng room. Hindi ko na sinagot ang kahit na ano sa mga tanong niya. Basta umalis na lang ako at yung halik pa rin na yun ang naiisip ko habang nagmamaneho. Tinuloy-tuloy ko lang yung pagdadrive at sa bawat metrong tinatahak ko, lalong gumagrabe yung inis ko.

Hanggang sa kumagat na ang dilim at matagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng isang club, kaharap ang isang baso't bote ng alak.

Sinalinan ko yung baso ng alak bago ito ininom. Ganun lang yung paulit-ulit kong ginagawa. Salin, inom. Hanggang sa yung bote na mismo yung tinutungga ko.

Napalingon ako sa katabi kong babae na nakikipaghalikan sa isang lalake. Naisip ko na naman tuloy yung sobrang nakakainis na pares ng mapupula't malalambot na mga labi ni Mico.

Napalunok ako habang nakatingin dun sa dalawa na grabe kung maghalikan.

"Nakakainggit sila, ano?" nilipat ko yung tingin ko sa bumulong sa tenga ko. At sa ginawa kong yun ay naging sobrang lapit ng mga mukha namin. Sino ba tong babaeng to? Makabulong akala mo close kami.

Tiningnan niya ulit yung dalawang naghahalikan.

"HOY! Dun nga kayo maglampungan!!" bulyaw niya sa mga ito na umalis din agad.

She sat on a stool as she tossed her straight bleached hair, and looked at me with a smile on her face.

It must be because of the influence of alcohol why I smiled back at her.

Pamilyar kasi yung ngiti niya. Parehas silang ngumiti.

Iniling ko ulit yung ulo ko nang maisip ko na naman yung taong yun at pagkatapos ay tinungga yung bote.

Biglang may umagaw sa boteng tinutungga ko kaya medyo natapunan pa ko ng laman nitong alak sa gilid ng labi ko pati na sa baba(chin) ko.

"You might wanna share." ani nung babae at siya naman ang tumungga sa bote. Halos maubos na niya bago siya tumigil. "This tastes good." nilapag niya yung bote. "But I know this tastes better."

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon