Ako si Samantha Sarmiento. At hindi maganda ang araw na 'to para sakin dahil may nabunggo ako dito sa mall na isang super sunget na lalaki, di ko naman sinasadya ah! Bakit ganto sya magreact?! Dito kasi nagsimula yun:Hinihintay ko si Minji dito sa Mall, may usapan kami na magkikita kami. Malapit na din kasi ang pasukan kaya parang magcacanvass na din kami ng mga school supplies. Si Minji ang bestfriend ko at magkaklase din kami sa Fuentabella University. Business Management major in Marketing ang course namin pareho.
Pero balik tayo kay Minji. Ang tagal nya talaga so I decided na mamasyal muna sa mall, window shopping? HAHA 😃
Pumunta ako sa mga boutiques kaso wala akong magustugahan. Si Minji kasi talaga ang fashionista saming dalawa.
*kruuuuug*
Nagugutom na ako, pero hindi ako pa pwede, wala pa si Minji, sa katunayan hinihintay ko nga siya para may manlibre sakin. Hehe! Pero kidding aside, ayoko pa sana talaga kumain nang wala si Minji pero talagang kumukulo na yung sikmura ko at mabuti na lang may nakita akong ice cream house, bibili ako para may pinagkakaabalahan naman habang naghihintay, binuksan ko yung pouch ko at bumili ako ng isang ice cream na nasa sugar cone, oo na kuripot na pero talaga kasing nagtitipid ako, pagkatapos ko bumili, nagpatuloy ako sa paglalakad habang kumakain ng ice cream.
Hmmm.. Sarap ah. Nakakawala ng inis ang ice cream, kaya ngayon naniniwala na ako na talagang comfort food ang sweets. Naaalala ko biglang itext si Minji. Uuwi na lang siguro ako, talagang naiinip na ako.
Teka. Kukunin ko sa pouch ko yung phone ko. ACK~ Asan yung pouch ko?
Hanap-hanap. Hanap dito. Hanap dun. Wala talaga eh! Kanina lang hawak ko yun noong bumibili ako ng ice cream.
Teka naiwan ko yata sa ice cream house! Kailangan ko balikan yun at baka hindi ako makauwi unconcious akong pumihit patalikod para bumalik sa ice cream house pero biglang..
ACK~
May nabunggo akong lalaki at natapon yung ice cream ko sa kanya.
"Kuya. Sorry po! Sorry po talaga!"
"Sh*t!"
"Sorry po talaga." Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at pupunasan ko sana yung shirt nya kaso tinabig nya yung kamay ko. Napatingala ako sa kanya. Parang pamilyar sya. Matangkad sya pero nakacap sya. Maputi, matangos ang ilong at brown eyes? Okay, let's say na gwapo sya. As in!
"Look. Do you know what you just did?! You ruined my day!!" kaso SUPLADO?! Pero nakupooo! Galit talaga si kuya. Naninigaw na. HUWAAAH! Pero teka yung pouch ko, yung phone ko! Kailangan ko muna balikan yun. Baka may iba pang makapulot.
"Kuya, pasensya na talaga pero kailangan ko muna balikan yung pouch ko. Babalikan kita promise! Magpapaareglo ako. Promise po talaga, cross my heart." tatakbo na sana ako, pero mabilis nyang hinawakan yung kamay ko.
"Ano? Ganun na lang yun? After what you've done, tatakbuhan mo ako? You're gonna pay for this!"
"Bitawan mo ako kuya, saglit lang po please."
"Ayaw!"
"Please kuya! Bitawan mo muna ako! Harassment yang ginagawa mo!" lalo pa nya na diniinan yung hawak sa kamay ko.
"You ruined everything today. You ruined my life! Argh!" ang OA ah!
"Life agad? Di ba pwedeng i ruined your shirt muna?"
"Pilosopo!!"
"Di naman. Kaunti lang." Yung totoo? Ano 'to? Mcdo? HEHE 😊 Di ko sya magets talaga. Nagulat nalang ako nung may mga flash ng camera na tumutok samin. Wala akong makita! Nakakasilaw!! HUWAAAAAAAH!
BINABASA MO ANG
Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTE
Ficción GeneralThis is a General Fiction. And Series siya by the way.