Saturday ngayon at wala akong klase dahil vacant period ko every Saturday. Wala pa akong kaplano-planong bumangon nang biglang mag-ring ang phone ko.
"Hello.." My voice was a little bit husky. Kagigising ko lang kasi.
"Pumunta ka sa condo. Ngayundin." Tapos inend niya na yung call. HUWAAAH! Tinatamad pa naman ako ngayon. Ano na naman bang iuutos niya? Malapit ko ng pagsisihan ang pakikipagdeal sa halimaw na yun.
Nakapikit-pikit pa akong tumungo sa CR para maligo at mag-ayos pagkatapos nagpaalam ako kila mommy na pupunta ako ng school. Nagtaka pa nga sila kasi alam nila na wala akong klase ng Saturday. Kung anu-ano na namang kasinungalingan ang pinagsasabi ko. Sumakay na ako ng taxi papunta sa condo ni Jacob at ng bumaba ako. Nasa parking area na silang lahat: The Foremen and Alex.
May dala silang mga travelling bag at parang may pupuntahan. "Oh. Andiyan na si Sam!" Sigaw ni Bryan at sobrang excited pa.
"Asan ang bagahe mo Sam? Atsaka bakit ganyan itsura mo? Hindi ka ba nainform?"
"Nainform? Tungkol saan?" Takang tanong ko. Ano bang pinagsasabi nila?
"Pupunta tayo sa Beach Resort nila Jacob sa Tagaytay!" Sigaw ni Frei. Kaya pala ganun ang get up nila. Parang pang-summer. Pero ano? Pupunta 'KAMI' sa beach resort nila Jacob sa Tagaytay?! Wala siyang nababanggit na ganun ah! Eksakto naman na lumabas na si Jacob. Nakasunglasses rin siya at casual lang na suot.
"Dadaan muna tayo sa mall para bumili ng gamit ni Samantha." Sabi niya. Aba't ayos rin siya ah! Kailangan talaga siya ang magdesisyon para sakin. Isa-isa silang nagsakayan sa kanya-kanyang kotse nila samantalang ako naiwang nakatayo.
"Ano?! Tatanga ka na lang ba diyan Slave? Sakay na!" Sabi niya saka sinara yung pinto sa driver's seat. Kinalampag ko yung window niya at binuksan niya naman yun.
"Sabi ko sakay na.."
"Kay Alex na lang ako sasabay."
"Wag ka na nga mag-inarte! Wag mong hintaying kaladkarin kita diyan." Banta niya. I rolled my eyes. Lahat na lang ba ng bagay idadaan niya sa dahas? Agad ako sumakay sa tabi ng driver's seat pero hindi pa niya agad pinaandar yung makina. Sa halip mataman niya akong tinignan. Nagpanic ang utak ko. Ano na naman bang iniisip ng bugok na ito?!
"B-bakit?!" Utal kong sabi sa kanya. Tinakpan niya yung bibig ko gamit yung forefinger niya at dahan-dahan lumapit sakin. HUWAAAH! Ayan na naman siya! Habang lumalapit siya sakin ay lumalayo naman ako sa kanya hanggang sa nakasandal na ako halos sa window. May kinapa yung kamay niya sa gilid ko.
"Seatbelt.." Sabi niya saka tumawa ng nakakaloko. Tangna! Kinabahan ako roon ah. Napahilot ako sa sentido ko at umayos na umupo saka naman siya nagsimulang magdrive. Hindi mawala-wala ang ngiti niya sa mga labi. Ano kayang nakain ng halimaw na 'to?
Nakarating rin kami sa mall. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero patuloy pa rin naglalakad ang FOREMEN pati si Alex. Parang sanay na sanay na sila sa ganitong atensyong nakukuha nila. Mukha nga lang akong chimay kung itatabi sa kanila eh. Pumasok kami sa clothing section.
"Alex. Ikaw na bahala kay Samantha."
"Sure. Don't worry. I will make sure boys will drool at her." Nagtawanan sina Frei at Bryan na siyang tila ikinainsulto ko samantalang wala namang imik si Vince at Jacob. Honestly, maraming similarities si Jacob at Vince pero hindi nila napapansin yun.
Tumungo kami sa Womens Wear samantala sa kabila yung mga boys. Si Alex ang pick ng pick ng mga damit. Halos hindi ko nga alam kung para kanino yun dahil sobramg dami. Well, knowing Alex. Fashionista talaga siya. Habang pumipili siya ng scarf may pamilyar na babae akong nakita sa bandang roon. Nakatalikod siya samin pero hindi ako pwedeng magkamali. Nilapitan ko siya at nang hinawakan ko siya sa braso, lumingon siya sakin.
BINABASA MO ANG
Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTE
General FictionThis is a General Fiction. And Series siya by the way.