•CHAPTER 24•

10 1 0
                                    

Nakahinga ako ng maluwag nang masabi ko lahat kay Minji. Narito kami sa kwarto namin nila Alex at kinuwento ko na sa kanya ang lahat. Halos tumulo nga ang luha ko habang nagkukwento sa kanya.

"Hindi ko alam na ganun kahirap ang pinagdaanan mo bes. Pero kung ginagawa mo nga yan para kay Tristan, hindi na kita kukwestyunin pa. Rerespetuhin ko yung desisyon mo."

"Salamat sa suporta."

"Pero paano kung aksidenteng mafall ka kay Jacob?"

"KILABUTAN KA NAMAN MINJI!" Sigaw ko sa kanya. Napaka ng tanong niya. Ngumuso lang siya bilang tugon sakin.

"Sa sitwasyon niyo. Hindi imposibleng mangyari yun."

"Hindi pwede yang sinasabi mo Minji."

"At bakit hindi? Dahil may Tristan ka? Eh tignan mo nga, parang wala siyang pakialam sayo - I'm sorry." Napansin niyang nagbago ang expression ng mukha ko kaya binawi naman niya agad.

"Magiging maayos rin ang lahat. Ilang araw na lang at makakausap ko rin si Tristan."

Hindi ko pa sinasabi kay Minji ang tungkol sa Gang Mobsters at kung gaano kaseryoso ang frat na kinabibilangan ng Foremen. Ayoko siyang mainvolve sa mga ito. Maya-maya ay sinundo kami ni Alex para magdinner na sa hall, agad naman kaming sumunod ni Minji sa kanya. Habang naglalakad kami papuntang hall, nakarinig ako ng saliw ng musika, tumutugtog na yata yung banda na sinasabi ni Alex.

Hawakan mo ang kamay ko
Nang napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
Oooh
Di mo ba pansin na

Ang ganda ng boses nung bokalista. Parang familiar sakin. Siguro narinig ko na somewhere o baka sikat na banda nga talaga ang pumupwesto rito. Paglapit namin sa hall, halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko.

Ikaw at ako oooh wooah
Tayo'y pinagtapo
Ikaw at ako oooh wooah
Hindi na muling magkakalayo

Ang Foremen ang tumutugtog. Si Frei sa bass guitar, si Vince sa drums at sa piano ay si Bryan habang lead guitar si Jacob at siya ring vocalist nila.

"Ano? Bumoboy band din ang Foremen. Cool, right?" Sabi ni Alex.

"A-ang galing nga nila."

"Si Tristan ang lead guitar nila. Pero since wala siya. Si Jacob muna. Palagi kami rito pag may gig sila." Nagnanod lang ako kay Alex pero torned ako kay Jacob. Ang ganda ng boses niya. At ewan ko ba kung imagination ko lang o nakatingin talaga siya sakin.

Sa twing kasama ka..
Wala nang kulang pa..
Mahal na mahal kang talaga
Tayo ay iisa

Ikaw at ako oooh wooah
Tayo'y pinagtapo
Ikaw at ako oooh wooah
Hindi na muling magkakalayo

My heart beats so fast. Parang matutunaw ako sa mga titig niya.

"Grabe makatitig! Wagas! Keleg ba?!" Alex teased me. Siniko-siko pa niya ako. Hindi ko alam kung mamumula ba ako o ano.


Mundo sa buhay natin
Di ko papansinin
Takda ng tadhana
Ikaw ang aking bituin

Ikaw at ako
Oooh
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
Ooooh
Di na muking magkakalayo woah..

Ikaw at ako oooh..
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako oooh
Di na muling magkakalayo...

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon