•CHAPTER 12•

15 3 0
                                    

Pagkapasok ko sa classroom, tahimik ang paligid. At kung minamalas ka na naman, mukhang late na naman ako. -__-

"Miss Sarmiento.. Dramatic entrance huh.." Sarcastic na sabi ng prof namin.

"I'm sorry sir." Sabi ko. Shocks! First time ko pa naman pasukan ang subject na ito, badshot na ako kaagad.

"You may sit now." Mukhang puno ang buong classroom kasi may mga nakatayo pang estudyante sa wall. May mga upuan naman akong nakikita doon sa likod na bakante kaya naman lumapit ako doon.

Nakalugmok yung mukha ng lalaki sa lamesa ng armchair niya. At hindi siya nakauniform. Wow ha. Dapat pinapaguidance ang mga ganitong estudyante eh. Paglapag ko ng bag ko, napansin ko kaagad na kaming dalawa lang ang nakaupo sa row namin ni Civilian boy. At mukhang shock na shock yung mga estudyante na dito ako umupo. Oh sige kung may makikipagswap ng upuan lilipat naman ako ah, mas maganda kaya sa harap kasi may matututunan ka talaga. As if naman may choice ako rito. Atsaka bakit ba mukhang iniiwasan nilang umupo dito at mas gugustuhin nilang nakatayo doon. Andaming bakanteng upuan rito pero mukhang mga tukmol silang nakatayo roon.

"Okay.. Before we start our discussion. I want you to write everything you learned about this subject from your last semester.. Lahat ng naaalala niyo pa regarding this subject. Okay you may start now."

Wow ha. Quiz agad. Hanep talaga. Nagsilabasan ng mga yellow pad yung mga kaklase ko at nagsimula na magsulat samantalang yung katabi ko natutulog pa rin. Aksidenteng nalaglag yung ballpen ko at gumulong papunta sa paa niya.

"Psst.." Sutsot ko sa kanya pero hindi siya gumagalaw. Napakamot ako sa ulo ko. At inulit kong sutsutan siya pero mukhang wala pa rin, natutulog pa rin siya. Tumayo na lang ako at pinulot yung ballpen sa paa niya pero nagsalita siya.

"Do you want to see death, huh?" Is that a threat? Ang kapal ng mukha niya para sabihan ako ng ganyan.

"Anong problema mo? Kinuha ko lang yung ballpen ko. Gumulong papunta sa paa mo. Beastmode agad?" Sarcastic kong sabi sa kanya. Mukha namang napukaw namin ang attention ng mga blockmates namin.

"Shut up.." Masyado na akong maraming napagdaanan sa saglit na pamamalagi sa school na ito kaya hindi niya ako masisindak.

"You're asking me if I want to see death. But can't you see? You're facing it already." Mayabang kong sabi. Sino ba siya para pagsalitaan ako ng ganun, isang tao lang ang may karapatan magsabi sakin nun at si Jacob lang yun. Bakit? Siya ba ang may-ari ng school-

Bigla niyang iniangat ang mukha niya at muntik na akong lamunin ng lupa nang mapagsino ko siya.

"I-IKAW?!"
"Y-YOU?!" We said in chorus. Hindi ko alam na si Jacob pala. Napailing siya.

"Get lost!" Utos niya sakin. Pero sino ba siya? Estudyante rin naman ako rito ah.

"I'm paying my tuition fee here. Just pretend that you don't see me." Yun lang yung sinabi ko at bumalik na ako sa upuan ko. Mukhang irritated siya. Psh.. Sleeping monster.

"Just don talk okay? You're voice is irritating." Sabi niya at nilugmok ulit yung sarili niya sa mesa niya. Okay, ayoko naman siyang patulan, unless hindi niya ako kakantihin. Natapos yung subject namin na nakaganun lang siya. At nang magbell na isa-isa nang umalis ang mga estudyante habang siya nasa ganoon na posisiyon pa rin, dalawa na lang kaming natitira sa room na ito. Niligpit ko na rin ang gamit ko at aalis na sana nang magsalita siya.

"Tapos na ba?"

"Oo.. Tumayo ka na diyan." Sagot ko sa kanya. Sa wakas at iniangat niya na yung mukha niya. Namumutla siya at namumula ang mga mata niya. Oo alam ko, hindi siya nakacontact lens, talagang namumula lang yung mata niya. May sakit ba siya? Pinilit niyang tumayo sa upuan niya at muntik na siyang matumba. Buti na lang at maagap ako at nasalo ko siya, napayakap siya sakin at ang mukha niya ay napadpad sa leeg ko. May kung anong kuryente akong naramdaman sa posisyon na iyon at naramdaman ko rin ang temperatura niya. Napakainit niya, may lagnat siya.

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon