•CHAPTER 14•

12 3 0
                                    

Tahimik lang si Jacob habang pinagmamaneho ko siya. Sinusulyap-sulyapan ko lang siya sa front mirror. Nakatingin siya sa bintana at tila malalim ang iniisip niya. Kanina lang nakikipagtalo na naman siya sakin dahil baka raw maibangga ko yung kotse niya na 'COBY' ang pangalan. Marunong naman ako magdrive dahil tinuruan ako ni kuya Drake noong 14 years old pa lang ako. Si kuya Drake ay pinsan namin at kapitbahay lang pero ang pinagtataka ko kung bakit hindi sila nag-uusap ni kuya Xander. Nakikita ko sina Vince at Jacob sa kanila dahil tulad nila kuya, babae rin ang pinag-ugatan ng gap nilang magpinsan.

"Who's Yuri?" Tanong ko sa kanya. Hindi ako lumilingon sa kanya pero natatanaw ko siya sa peripheral vision ko. Tila nagbago ang ekpresyon ng mukha niya.

"Drop the topic."

"She's your first love, right? That's why you and Vince ended up like this." I stated.

"Pwede ba?! Bumaba ka na!!" Kinambyo ko yung sasakyan at humarurot ito.

"Hey! What are you doing?! Are you crazy!?"

"Sasabihin mo sakin ang totoo o mamamatay tayo?"

"May death wish ka ba talaga!?"

"Sort of? C'mon just tell me.."

"Makitid lang ang utak ni Vince! Okay!" By that. Unti-unti ko binagalan ang takbo ng sasakyan niya.

"Ano ba talaga nangyari sainyo?"

"Do I really need to answer that pathetic question?"

"That's the only requirement.. Or else gusto mong ibangga ko si Coby sa poste. Tutal may airbag naman tayo."

"Idiot.." He cussed. Pero wala siyang nagawa at sa huli natagpuan na lang niya ang sariling nagsisimula na siya magkwento.

"We are childhood friends.."

We.. Meaning the FOREMEN, Yuri and Alex.

"Si Yuri ay pinsan ni Frei, bata pa lang kami patay na patay na siya kay Vince. Pero hindi siya pinapansin ni Vince until Yuri migrated to States, at noong magfirst year college kami. Bumalik siya rito sa Pilipinas para mag-aral. Of course, just like the old times, mahal pa rin ni Yuri si Vince.."

Oh. My pagkamasokista rin pala si Yuri. Eh samantalang walang pinagkaiba yung si Vince kay Jacob eh. Bakit kaya siya nainlove kay Vince?

"Akala naming lahat, hindi na sila magkakatuluyan. Pero naging sila nga for 3 years. Pero kinailangan bumalik ni Yuri sa States, ang sabi niya dahil sa father niya. Hindi maintindihan yun ni Vince at ayaw niyang pumayag kaya naman nagdecide si Yuri na makipagbreak sa kanya. Pero ang totoo, may pinagdadaanan si Yuri that time na kapag nalaman ni Vince siguradong masasaktan siya ng lubusan." Gusto kong tanungin kung ano yun pero pakiramdam ko wala ako sa lugar para usisain pa yun. Ayaw rin bumuka ng bibig ko para magtanong, gusto ko lang siya pakinggan.

"Palagi kami magkasama ni Yuri nun dahil ako ang unang nakakaalam saming lahat. Kahit si Alex hindi alam kung anong nangyayari kay Yuri, Vince thought we're cheating on him. Gusto ko magpaliwanag dahil parang kapatid ko na siya. Pero nakiusap si Yuri na hayaan na namin na ganun ang isipin ni Vince. Lahat sila nagalit sakin, ultimo si Alex, akala nila sinamantala ko yun dahil may gusto ako kay Yuri dati noong mga bata pa kami. Si Tristan at Frei lang ang nakakaalam ng katotohanan." Bakas sa mukha niya ang lungkot. All this time, pinoprotektahan lang pala niya si Vince sa sakit na pwede niyang kaharapin. Unti-unti nagmelt yung inis ko kay Jacob at napalitan ng sympathy. Kaya naman pala ganun na lang ang galit ni Alex kay Jacob kahit pa pinsan niya ito.

"Where is she now?"

"Nasa States siya. Nagpapagamot. Recently I checked her at ang sabi ng doctor medyo maganda ang response ng katawan niya sa chemo. She's suffering from stage 2 lung cancer." Gusto ko takpan ang bibig ko sa pagkabigla. Hindi ko alam na ganto ito kaseryoso. Lihim ko hiniling na sana hindi ko na lang nalaman o inalam pa. Ngayon hindi ko maiwasang isipin kung gaano kamiserable sina Vince at Jacob ngayon.

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon