•CHAPTER 4•

25 3 0
                                    

Pinagtitinginan ako ng mga estudyante nang pumasok ako sa room. Ganun din ang isang prof na nasa harapan. Dali-dali akong humanap ng upuan pero biglang may pumatid saakin kaya natumba ako. Nagsitawanan silang lahat. Wala naman ni isang tumulong saakin kaya ako ang pumulot isa-isa ng mga libro ko. Napatingin ako sa prof na nasa harap. Nasa mid 70's siguro siya.

"Are you done messing with my class Lady?" Tanong ng Prof namin. Nakakatakot siya.

"I'm sorry po Maam." Sabi ko.

"Late ka na nga tapos ngayon dinedestruct mo pa ang discussion namin. Kung hindi ako nagkakamali ikaw ay transferee, tama ba?"

"O-opo maam.."

"Would you please introduce yourself? Since hindi ko pa nakukuha yung card mo."

"I am Samantha Sarmiento Maam."

"Okay. So sang school ka galing?"

"I am from Fuentabella University."

"Hindi na nakapagtataka. Kaya naman pala ganyan ang performance mo. You may sit now."

Okay lang ba siya? Mas bastos pa nga yung mga estudyante rito. Kawawa naman ang alumna ko. Tss. Poor Fuentabella University.

Buong klase akong pinagdidiskitahan at pinagiinitan ng prof ko. Buti na lang nakakasagot ako sa mga tanong niya. Hindi man ako kasing talino ni kuya Xander may alam rin naman ako kahit papaano.

Napansin ko lang, first day of class ngayon pero discussion agad. Ganun ba kaseryoso ang mga estudyante dito? Masyadong lugmok sa pag-aaral. Napahinto ako sa pagtetake notes nang may tumamang papel sa ulo ko. Napatingin ako sa likod ko mukhang seryoso naman yung mga nandoon sa pakikinig sa prof namin. Ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa harap. Pero anak ng teteng naman meron uling bumato sakin ng crumpled paper. Kaya naman inis akong bumaling kung saan yun nanggaling.

"Sino yun?!" Buling kong sabi pero bakas sa tono ko na naiinis na talaga ako.

"Kami, BAKIT? AANGAL KA?!" Masungit na sabi nang grupo ng mga babae sa likod. Kung hindi ako nagkakamali sila yung mga babae sa corridor na pinagtanungan ko kanina. Tss. Kung minamalas ka nga naman, imagine blockmate ko pa pala sila.

"Ano bang problema niyo sakin?" Tanong ko sa kanila.

"Si Frei, bakit ka niya kinausap kanina? Of all people naman bakit sa kasing cheap na tulad mo pa."

"Hindi ko naman siguro kailangang sagutin yan diba?"

"Flirt!" Asik niya sakin.

"You're talking to yourself miss." Mariin kong sabi.

"Sarmiento! Are you listening to me?!" Sigaw ng prof namin. Juskoolord! Nakakatakot. Napayuko na lang ako. Warning na yun para sakin. Bakit ba ako lang ang nakita?

Maya-maya may sumisitsit sakin mula sa likod. Alam ko naman na sila pa rin yun kaya hindi ko na pinapansin.

"Psst! Bitch!" Tawag nila sakin. Nakakapang-init ng ulo! Chill ka lang Samantha. Wag mo silang pansinin. You don't have to deal with them.

This time ballpen naman ang tumama sakin. Nakakapikon na talaga ah! Inis akong tumayo at humarap sa kanila. Hindi ko na napigilan yung temper ko. Kailangan nila turuan ng leksyon.

"SARMIENTO! Sinabi ko bang tumayo ka?!" Sigaw na naman ng prof ko. Pero hindi ko siya pinansin. Instead humarap ako sa kanya.

"I don't deserve this kind of treatment Maam. Okay lang po yung pag-initan niyo ako because I came from your rival University. But can't you see? I know you do. Binubully nila ako, they keep on throwing me anything. Pero hindi niyo sila pinapansin."

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon