Pagod na pagod ako ng bumalik sa condo ni Jacob. Nadatnan ko siyang nanunuod ng TV at nakadecuatro sa sofa habang kumakain ng chips. Nilagpasan ko lang siya at dumiretso sa ref niya para kumuha ng tubig na malamig. This is my second day of being his slave and living my most miserable life with his kingdom called hell.
Tinitignan niya lang ako pero hindi ko siya nililingon. Ang sarap basagin ng mukha ng hinayupak na ito. Imagine mo, papilahin ba naman ako at pagbayarin ng mga bills niya sa meralco at sa tubig eh samantalang pwede niya namang itawag na lang yun o kaya mag-utos ng iba. Pati, pinagbayad niya ako ng credit cards niya para lang malaman ko na kumpanya naman pala nila yung nagmamay-ari. Diba? Napakabait niya. Tapos inutusan niya akong magcut ng klase ko para lang sa walang kwentang mga bagay gaya nito. BWISIT!!
"Ano? Kaya pa?" Nginitian ko lang siya. Hindi ko kailanman ipapaalam sa kanya na nahihirapan ako. Hindi ko siya pasasayahin sa isiping nahihirapan na ako. Alam ko namang yun ang gusto niya mangyari eh.
"Okay lang naman. Yun lang ba iuutos mo?"
"Hindi. Nagugutom ka na ba?" Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Tinatanong niya ba kung kumain na ako? Siguro papakainin niya ako, kahit papano may puso pa pala ito.
"Mag-order ka sa KFC ng isang bucket ng chicken with rice." Agad akong tumungo sa telepono at tumawag sa KFC. SHET! Sakto at gutom na gutom ako! Yehey!
"Wait. Pumunta ka sa KFC hindi ko sinabing magpadeliver ka." ACK~ diba pwede namang magpadeliver na lang? Nagpuppy eyes ako sa kanya pero pinagtulakan niya lang ako sa pinto ng pad niya. Padabog na naman akong lumabas ng pad niya at pumunta sa pinakamalapit na KFC branch at kung sinuswerte ka nga naman. Clap! Clap! Ang haba ng pila. Lunchtime pala ngayon.
May 30 minutes rin akong nakapila bago makabili at bumalik ulit sa pad ni Jacob. At gaya ng itsura niya kanina ganun ko ulit siya nadatnan.
"Oh." Inabot ko sa kanya yung pinabili niya.
"Kumuha ka na ng isang plato sa kitchen. Kakain na ako." WTF! Isang plato?
"Kakain ka? Ikaw lang mag-isa?"
"Oo.. Bakit? May pinabili ka ba?" Napangisi ako sa sinabi niya. Talagang inaasar at pinahihirapan ako ng gagong 'to. Agad akong tumungo sa kitchen at kinuhanan siya ng plato pagkatapos ko ilapag sa table ay umalis na ako sa harap niya. Pero pinigilan niya ako.
"Where are you going?"
"Wala ka naman na sigurong iuutos diba?" Imbis na sagutin ang tanong niya ay pabalang ko na siyang sinasagot. Nagugutom na kaya ako.
"Meron pa akong ipapagawa sayo." Napakuyom ako ng kamao. Gusto ko na talaga manapak ngayon. Pero hindi ko siya isasatisfy sa ganun. Hinding hindi niya ako mapapasuko.
"Watch me. Eating those foods." Seriously?! Trabaho ko pa bang panuorin siya kumain ng pinakapaborito kong pagkain?
"Pinagtitripan mo ba ako?" Asar talo na talaga ako sa kanya. Hindi ko na napigilang itaas ang isang kilay ko.
"Napakasimple ng pinapagawa ko sayo. Ngayon, kung may reklamo ka, bukas ang pinto." Asar! Padabog akong umupo sa harap niya at pinanuod siyang kumain.
*kruuuug*
Pucha! kung sinuswerte ka nga naman. Hindi na pwedeng pagsinungalingan ang sikmura ko. Nagugutom na talaga ako. Napatingin ako kay Jacob at ganun rin naman siya sakin na may kasamang evil smile.
"Nagugutom ka na ba?" Tumango ako. Baka sakaling maawa siya sakin.
"Edi bumili ka." Argh!!! Umuusok na talaga yung ilong ko sa bwisit na 'to. Napakaisip bata. Di bale, kakain na lang ako mamaya sa bahay. Naputol ang pag-iisip ko nang magring yung phone ni Vince sa bag ko. Agad ko tinakbo yun sa kitchen niya at sinagot ko yun. Alam kong si Vince lang ang tumatawag sa phone na ito.
BINABASA MO ANG
Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTE
Fiksi UmumThis is a General Fiction. And Series siya by the way.