Dumating si Jacob sa VM's Detention Room pagkalipas ng labing limang minuto. Nagsitayuan lahat ng tao sa benches na tila sinasamba ang dumating. Nang makarating siya sa gawi namin ay sinipa niya si Arriane sa mukha na siyang ikinagulat ko. Puta! Bakit ganun? Tumalsik ang dugo sa bibig ni Arriane. Samantalang walang bahid ng awa sa mga mata ni Jacob at maski kina Alex at sa iba pa. Maya-maya ay tinayo niya si Arriane and he cupped her face.
"Nagbigay na 'ko ng babala sainyo, diba? Kinakalaban niyo ba ako?! SAGOT!!"
"H-hindi po S-supremo.." Nanginginig ang boses niya at tumutulo ang luha sa mga mata niya. Kung ganun ang VM's Detention ay parang Room of Public Shame. Dito nila pinarurusahan ang mga nagkakasala sa grupo at pinapapanood sa mga estudyante para ipahiya ang nagkasala. At ang pinakamasaklap sa lahat ay ang tinatawag nilang Gang Mobsters. Pinapapasok ang mga ito sa University para parusahan ang sinumang lumabag sa kautusan, and those gang mobsters were criminals. This school's really sucks, this is a school of death.
"TAMA NA YAN!" Sigaw ko at lalapit na sana ako kay Arriane pero hinawakan ako nina Frei at Bryan sa braso.
"Wag kang makikialam. Yan ang parusa nila sa ginawa nila. Alam nilang yan yung maaring maging consequence ng ginawa nila. Pero pinagpatuloy pa rin nila." Si Vince.
"Kahit na. Hindi makatarungan yung ginagawa niyo. Babae pa rin sila at isa pa ayos naman na ako. Walang nangyaring masama sakin. So stop this nonsense, okay?!" Naaawa na ako sa kanila. Wala kaming karapatan saktan ang kahit sino. "Jacob, please tama na." Tiim bagang si Jacob. Please.. Makinig ka sakin.. Please! Kahit ngayon lang.
"Hindi pwede. Hindi pwedeng baliin ang patakaran. Ang sinumang lumabag sa batas ng Foremen ay hindi kailanman pinatatawad."
"ANO?! So what are you planning to do? Kill them?!"
"Kung yun ang karampatang parusa sa kanila. Bakit hindi?" Putcha! Seryoso sila? Hindi pwede 'to. Nagpumiglas ako kina Frei at agad ako lumapit kina Arriane at humarang sa kanila.
"Umalis ka riyan."
"AYOKO!"
"Aba't - bakit ba ang tigas ng ulo mo?!"
"Hindi ako aalis rito! Dadaan muna kayo sa bangkay ko." Nabigla silang lahat sa sinabi ko. Seryoso ako. Wala akong pakialam tutal ako naman ang dahilan ng lahat ng ito.
"Kapag hindi ka umalis riyan, ipuputok ko 'to sa bungo nilang lima." Nilabas ni Jacob ang isang baril mula sa bulsa niya. Napalunok ako sa nakita ko. Seryoso ba siyang papatay siya?! Puta! Isa ba siyang kriminal! Isa siyang demonyo! Talaga bang hinahayaan nila ang ganitong dahas rito? Paano nakakapasok ang mga weapons na yan rito? Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapigilan pa ang sitwasyong ito. Nagsimula na rin akong matakot, paano kung iputok niya? HINDI! Hindi dapat ako magpasindak.
"Put that gun down Jacob! Hindi biro 'yan. Paano kung maiputok mo yan?"
"Then they're dead.." He said sarcasticly.
"Sapat ba ang buhay nila para sa kasalanan na ginawa nila? Treat them like human. Tigilan mo na sila!! Pakawalan niyo na lang sila. Kung gusto mo, ako na lang ang parusahan mo." Pinipilit ko itago ang chills sa boses ko.
"Sila ang nagkasala. Tanga ka ba? Bakit mo sasaluhin, eh sinaktan ka ng mga yan. Umalis ka na diyan sabi eh!" Hinaltak niya ako pero hindi ako nagpatinag.
"Tama na nga. Ano.. Ako na lang, lahat gagawin ko tigilan mo lang 'to." Nalukot ang mukha niya sa huling sinabi ko.
"Tingin mo, maniniwala pa ako sayo? Hindi na. Tinalikuran mo nga yung deal natin diba?! Alis riyan!!"
BINABASA MO ANG
Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTE
General FictionThis is a General Fiction. And Series siya by the way.