Naramdaman ko ang sinag ng araw na humahalik sa pisngi ko. Unti-unti kong idininilat ang aking mga mata. Umaga na pala pero parang ang sarap pa ring matulog. Komportable ako sa hinihigaan ko.
Hinihigaan?! Hindi ba't nasa isang silid kami natrap? Oo, kami nga. Kami ni Jacob!
Huli na ng mapagtanto kong nakahiga ako braso ni Jacob at nakaharap sa kanya. Ang ilong ko ay nasa baba niya at nakayakap ako sa dibdib niya. Napabalikwas ako ng bangon at maging siya rin.
"A-anong ginawa mo sakin?!" Tanong ko sa kanya. Napayakap ako sa sarili ko.
"Wala akong ginawa sayo! Ang kapal mo!" Inis na sabi niya. Nasa ganun kaming sitwasyon nang biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa noon ang mga blockmates ko. Namilog ang kanilang mga mata nila at ang iba'y nagbulungan na. Kinuha ni Jacob yung coat na nasa sahig, iyong pinahiram niya sakin kagabi at isinuot sakin. Mula sa likuran ay lumabas si Professor Mendez, yung professor na pinag-initan ako noong first day of class.
"Anong eskandalo ito Miss Sarmiento?!" Dumagundong ang boses niya sa buong silid. Halos gusto ko ng lamunin ng lupa.
"Ang huli nating pagkikita ay noong ginulo mo ang buong klase ko, at sa pagkakaalam ko, nagmalaki ka pa na idadrop ang subject na ito.. Ngayon nama'y gumagawa ka ng kaimoralan sa silid na ito kasama ang isang lalaki!" Sigaw niya sakin. Oh no! Not again!
"Would you shut the fuck up?!" Sino pa nga ba kundi ang hambog na si Jacob. Nagulantang si Prof. Mendez nang mapagsino ang nagsalita.
"M-mister Villamonte?"
"Yeah right. It's me." Matabang niyang sabi. "Gusto ko lang kumpiramahin, talaga bang gusto mo pang magtrabaho sa University na 'to?" Matagal bago nakasagot si Prof. Mendez.
"Yes Mister.."
"Nabalitaan ko na pinahiya mo si Miss Sarmiento sa klase mo. You know that we don't tolerate that kind of attitude here in our beloved University."
"But-"
"No buts Mendez.. Do you still want this job? Then be nice to her.." Pagkasabi niya nun ay tumayo siya and he handed his hand to me. I refused to accept it pero hinila niya ako patayo.
"I guess you clearly understand me Mendez.. She's not dropping out. Ako lang ang may karapatang magsabi kung sino ang pwedeng umalis at pumasok sa University na ito." I dunno why he's doing this, all of this.
"Listen to me.. Mula sa araw na 'to, binababa ko na ang sentensya ni Samantha Sarmiento. Ang sinumang kumanti sa kanya o humawak man lang sa daliri niya ay mapaparusahan sa ngalan ng FOREMEN. Naiintindihan?!" Sabay-sabay ang lahat na sumagot ng 'OO' at hinila niya ako palabas ng silid na yun.
Ano bang nangyari? Nananaginip ba ako? O talagang binababa niya na ang sentensya ko? Lahat ng nadadaanan namin ay nagbubulungan. Hindi pa rin binibitawan ni Jacob ang mga kamay ko, ano bang plano nitong gawin? Hindi ko maintindihan!! Andaming tanong ang gumugulo sa isipan ko ngayon. Nang makalayo kami sa mga tao at binitawan naman na niya ako.
"Hanggang dito na lang. Siguro naman, mula dito hindi na tayo ulit magkikita pa.." Sabi niya pero he's looking the other way. Huminga ako ng malalim. Yeah, he's right. Mula dito, hindi ko na gugustuhin pang madikit sa Delingkwenteng ito.
"Tama ka.." Yun lang ang nasabi ko at nginitian ko siya at sa wakas ay lumingon na siya sakin na tila may iniisip pero hindi ko siya kaya basahin.
"Now, we're even. Tinulungan mo ako kagabi, kaya tinulungan rin kita ngayon. Wag kang mag-isip ng kung anu-ano." Sabi niya at nagsimula na maglakad papalayo sakin. Teka, ano namang iisipin ko doon?

BINABASA MO ANG
Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTE
General FictionThis is a General Fiction. And Series siya by the way.