Natulala si Jacob sa sinabi ko. Hindi ko rin lubos na maisip na aabot ako sa ganitong pagkakataon na hihingi ako ng tulong sa kanya.
"Seryoso ako. Tulungan mo ako."
"Ayoko.. Ayokong makialam."
"Please? Nagmamakaawa ako sayo Jacob." Hinawakan ko yung laylayan ng damit niya dahilan para tingnan niya ako ng masama, pero desperado na ako at hindi ko pa rin binitiwan yung damit niya.
"AYOKO." Matigas niyang sabi.
"Sige na, nakikiusap ako sayo. Kahit anong gusto mo gagawin ko." Late ko na narealize kung ano yung sinabi ko, napatakip ako ng bibig ng wala sa oras. The last time na sinabi ko sa kanya yun ay may nangyaring hindi maganda.
(AN: Balikan ang Chapter 8 guys..)
Napangisi siya sa sinabi ko at hinarap ako.
"Sigurado kang gagawin mo ang lahat ng gustuhin ko?" Napalunok ako sa tanong niya pero tumango ako. Ano bang iniisip niya? Parang gusto ko magbackout. Bahala na si Batman..
"Then be my slave for 1 week.." What the - Slave? Seryoso ba siya?
"You must be kidding me.."
"I am not kidding you.. Wala yun sa bokabularyo ko. Now, you may decide. Take it or leave it.."
Huminga ako ng malalim at nag-isip saglit. Siya na lang ang last option ko sa ngayon. Siya na lang ang meron ako at kung pagiging slave niya lang ang tanging way para magkausap kami ni Tristan, wala nang pero-pero.
"Maipapangako mo ba saakin na tutupad ka sa usapan?" Gusto ko lang makasiguro. It's really hard to deal with evil like him.
"Hindi ako marunong tumalikod sa sinabi ko na. May isang salita ako."
"Sige.. Pumapayag ako.."
"Just be prepared. I will make your life a living hell." Well. I don't care, I am so much ready to deal with him.
____________________________________________________________________________
Pagkatapos ng klase ko. Pinapunta agad ako ni Jacob sa parking lot ng VMU, may inutusan siyang isang estudyante para ipatawag ako. Natatanaw ko na siyang nakasandal kay Coby, at alam kong napansin niya nang palapit ako. Doon ko lang napansin na tinapon niya yung upos ng sigarilyo niya at tinapakan iyon.
"You're late!" Sigaw niya. Bakit ba siya naninigaw?
"Pasensya na ha. Ang layo kaya nitong parking lot sa building ng department natin. Tss.." Parang ang liit naman ng VMU. Juskoo!
"Sumakay ka." Utos niya sakin at pumasok na sa driver's seat, agad naman akong sumunod sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Saan ba tayo?"
"Mall." Okay. Siguro plano niya magshopping at pagbitbitin ako ng shopping bags niya. Remember? I am his slave for one week.
Ilang minuto lang at nasa mall na kami, pero ang nakapagtataka, 'CLOSED' ang nakalagay sa entrance. Gusto ko ngang pigilin si Jacob dahil baka kasuhan pa kami ng panloloob ng isang mall pero na pagkapasok namin halos lahat ng sales lady ay nakabow sa pagdating niya. Nakahilera sila at binigyan ng way si Jacob. Bumalik ulit ako sa labas para icheck ang pangalan nitong mall just to find out na isa pala ito sa pag-aari ng mga Villamonte.
Woah. Magsashopping lang siya kailangan niya pa ipasara ang buong mall. Napaka pa-VIP naman. Aish. Agad kong sinundan si Jacob na patuloy pa ring naglalakad papunta sa isang cellphone booth.
BINABASA MO ANG
Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTE
Ficção GeralThis is a General Fiction. And Series siya by the way.