•CHAPTER 7•

16 3 2
                                    

Isang malakas na sapak ang nagpabagsak sa akin, naramdaman ko na lang ang pisngi ko na humahalik sa lupa at tumalsik ang dugo mula sa aking  bibig. Napakasakit na ng buong katawan ko, at puro pasa na rin ang katawan ko pero hinding hindi ko gagawin ang gusto nilang mangyari!

"Beg for your life, you bitch!" Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin at kahit nanghihina ako sinagot ko siya with full of sarcasm.

"I'd rather die than beg with you stupid asshole!"

"Aba't matapang ka pa rin ha!" Sabi niya atsaka ako tinadyakan sa tagiliran! I want to scream the pain that fulfills my body right now. Those stupid cowards! If I can only fight them back pero paano ko yun magagawa eh tinali nila ako, nandito kami sa isang bakanteng bodega ng Villamonte University at masyadong malaki kaya alam kong walang makakarinig saakin, isa pa malayo ito sa main building ng university.

Kung akala niyong isa lang ang nagpapahirap sa akin ngayon, well you're definitely wrong. Sampu sila, pitong lalaki at tatlong mga babae pero kung nakakalaban lang ako sana ako ngayon iisa-isahin kong basagin ang mga mukha nila! Ni hindi ako umiiyak kahit sobrang sakit na, hindi ako dumadaing sa lahat ng pananakit nila kahit pa na bawian nila ako ng buhay, I will never satisfy them with that stupid act. Hindi ako kailanman magmamakaawa sa kanila! Pagak akong tumawa sa ideyang naiisip ko. Hindi ko ineexpect na babalik ako sa dating buhay na tinalikuran ko na.

"Subukan niyo akong kalagan para magkaalaman na.." Panghahamon ko sa kanila.

"Hindi pa kami nasisiraan ng bait 'noh!" Sagot noong isang babaeng mukhang amazona.

"Bakit? Naduduwag kayo? Sabagay kung hindi lang ako nakatali rito baka kanina pa kita binawian ng buhay.." Sabi ko sa kanya na ikinaestatwa niya, bakas sa mukha niya ang takot. Tama kayo, nilabanan ko nga sila kanina kaya siguro nila naisipan na itali ako. Let me tell you a secret, I was once a troublemaker.

"Tama na ang daldalan!" Sigaw noong isang lalaki, humakbang siya palapit saakin at tahimik akong napamura nang sinabunutan ako. Sh*t! Bakla ba 'to? Inangat niya yung mukha ko sa kanya.

"Alam mo kanina pa ako napipikon sayo.. Ang hindi ko maintindihan kung bakit ka gustong pahirapan ni supremo." Supremo? Anong pinagsasabi niya?

"Because she's a bitch!" Sabat nang isang babaeng kasamahan nila.

"Shut up! I'm not talking to you asshole!" Sigaw niya saka naman bumaling ulit saakin. "Alam mo maganda ka eh, ayoko sanang madungisan yang maganda mong pagmumukha kaya magmakaawa ka na kay Supremo.." The hell are they talking about!? Dinuraan ko yung mukha niya kaya naman nainis siya at sinapak ako. Dugo, nalalasahan ko na naman ang dugo sa bibig ko.

"You are so dead now idiot!" Galit niyang sabi saakin at inatake nila akong lahat! Tadyak at sipa kung saan-saan na tumatama. Pero kahit na nasasaktan ako narinig ko pa rin na nagring ang telepono nang isa sa kanila at sinagot niya iyon.

"Hello supremo.. Hindi pa nga po siya sumusuko, matapang ang isang ito.." Saglit siya na huminto sa pagsasalita at bumaling sa mga kasamahan niya.

"Tama na yan.."

"Bakit? Bawian na natin ng buhay ang isang 'to!" Sagot nang isa..

"Sinabi nang tigilan niyo na o gusto niyong si Supremo ang magparusa sainyo!!" Tumigil naman sila, parang gusto ko na umiyak ngayon, pero hindi pa ako nahihibang! Kinalagan muna nila ako bago sila isa-isang umalis at iniwan akong nakahandusay rito.

Masyadong mahina na ang katawan ko pero kahit na halos wala na akong lakas wala akong choice, I need to get the hell out of here bago ako abutan ng dilim, nagsimula na rin ako maglakad papalabas rito sa bodega, halos gumapang na ako dahil nangangatog ang mga tuhod ko at nang makalabas ako sa pintuan ng bodega bigla naman akong natumba. Sinandal ko na lang ang katawan ko sa pader at mag-iipon muna ako ng lakas para makaalis dito. Iniinda ko pa rin ang sakit sa sikmura ko na pinagtatadyakan nila.

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon