•CHAPTER 27•

6 0 0
                                    

Alas singko ng hapon ng idischarge ako sa hospital. Umokay naman na ang pakiramdam ko pero nagkaroon ako ng maliit na gasgas sa noo. Nandoon silang lahat maliban kay Jacob.

"Samantha.. Magpahinga ka muna sa kwarto ha." Sabi ni Alex. Nandito na kami sa resort at nagbaba na sila ng gamit mula sa kotse.

"Uhm.. Alex, si Jacob?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya habang nililibot ko ang mga mata ko sa resort. Napahinto sina Frei at Bryan sa pagbaba ng gamit at maski si Minji ay napatingin sakin.

"Hindi ko pa rin sya nakikita mula kanina eh."

"Ganun ba.. Asan kaya sya?"

"Baka nasa pampang.." Si Vince na nakasandal sa gilid ng kotse. Hindi man lang sya tumitingin sakin.

"Ahh.."

"Oh. Wag mo na puntahan ha. Magpahinga ka muna. Tss." Si Alex.

"Kaya nga Sam. Hayaan mo na yung bugok na yun." Si Frei.

"Oo nga bes. Halika na." Yaya ni Minji sakin. Alam ko na pinipigilan lang nila ako puntahan si Jacob. Bakit kaya hindi sya nagpapakita? Sumunod ako kay Minji sa kwarto namin.

Umupo muna ako sa bed at inayos na ni Minji yung ibang gamit. Para maayos na at madali na lang magimpake kapag babalik na kami sa Manila.

"Bakit mo hinahanap si Jacob?"

"Ang weird lang kasi. Bigla syang nawala kanina sa hospital."

"Haynako. Ayan ang sinasabi ko eh. Baka naaattach ka na ng sobra sa Jacob na yan ha." Litanya ni Minji pero hindi ko na lang sya pinapansin. Argh! Bahala na. Nagmadali ako palabas ng pinto.

"Uyy! Samantha! Saan ka pupunta?!"

"Saglit lang ako bes!"

"Sabi ng doctor magpahinga ka raw!" Sigaw niya pero nagpatuloy pa din ako sa pagtakbo. Hinahanap ko si Jacob. Napatingin ako sa langit. Malapit na pala magsunset. Tss. Asan na ba yung Jacob na yun? Ang laki ng resort kaya hindi ko alam kung saan sya hahanapin.

Sa pampang..

Tama! Baka nga nasa pampang sya ngayon. Agad ako tumakbo papunta sa seashore at hindi nga ako nagkamali. Nandito nga sya. Napahinto ako sa paglalakad ng magsalita sya.

"Anong ginagawa mo rito?" Ang seryoso ng boses nya. At parang ang cold ng pagkakasabi niya, ni hindi man lang sya tumitingin sakin. Huminga muna ako ng malalim.

"Hinahanap kita. Andito ka lang pala."

"Samantha. Pwede ba. Gusto ko mapag-isa." Hindi ko alam kung bakit parang nairita ako sa sinabi niya. Pinapaalis niya ba ako agad? Kanina lang napakaclingy niya sakin, nag-aalala pa sya tapos ngayon gusto nya ako umalis.

"May kasalanan ba ako sayo?"

"Bakit ba ang kulit mo? Sabi ko gusto ko mapag-isa kaya pwede ba umalis ka na?" Sigaw nya sakin. This time impatient na sya. Pero imbis na magalit sa kanya, niyakap ko sya. Nasa likod niya ako at ang mga kamay ko ay nasa dibdib niya.

"Sorry. Sorry kung naremind ko sayo ang ate mo. Alam ko na lahat Jacob. Pero sasabihin ko sayo. Wala kang kasalanan doon kaya wag mo sisihin yung sarili mo. At sorry kasi hindi ako aalis dito, hindi kita iiwan." I can't find the right words to comfort him right now. Basta na lang yun lumabas sa bibig ko. I felt his hands towards my arms. This time, hinila nya ko paharap sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon