•CHAPTER 8•

20 3 2
                                    

Nakakapagtaka naman. Wala man lang kumakanti saakin ngayon at napasukan ko ang lahat ng klase ko ngayong araw. Wala namang lumilipad na kutsilyo o ano pa man pero nag-iingat pa rin ako, pakiramdam ko, nasa delikadong sitwasyon pa rin ako kaya kailangan ko pa rin ang mag-ingat. Naglalakad na ako sa catwalk, papauwi na sana ako nang may makabunggo akong babae dahil nakatungo siya, siguro freshmen student siya rito.

"Ahh - I'm sorry miss.." Sabi niya saakin, tinulungan ko siya pulutin yung mga libro niya.

"Okay lang." Nginitian niya ako at nginitian ko naman siya, ang cute niya naman! Mukha siyang barbie doll. Sinisipat niya rin ang mukha ko at ngumiti ulit siya ng malawak.

"Ang cute mo po.." Err, yun din ang iniisip ko sa kanya eh. Pareho kaming napalingon sa ingay ng mga yapak na papunta saamin, may mga estudyanteng may hawak ng fire extinguisher meron din may hawak ng mga itlog at kung anu-ano pa man..

"AYUN SIYA!" Wala sa sariling tinuro ko ang sarili ko, kung ako ba yung tinutukoy nila, wala naman ibang tao dito sa catwalk kundi ako at hetong batang nabunggo ko. SINASABI KO NA NGA BA!! Tss.. Hindi pwedeng hindi nila ako gantihan eh. Hinila ko yung bata at tumakbo kami palayo sa mga estudyanteng humahabol samin, kawawa naman itong bata at nadadamay pa sa gulong napasukan ko. Mabuti na lang hindi pa ako masyadong napapalayo sa Business Management Building kaya naman mabilis kaming umakyat roon at nagtago sa isang room. Hingal na hingal at sapo ko ang dibdib ko ganun din naman siya.

"S-salamat ate.." Nababaliw na siya, nagpapasalamat pa siya kahit muntik na kaming kuyugin.

"Ha!? Wag ka ngang magpasalamat, naaawa nga ako sayo eh. Nadamay ka pa.."

"Anong nadamay? Ikaw nga ang nadamay eh.. Anyway, I'm Via Ledesma and you are?"

"Samantha Sarmiento.." Sagot ko, inilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman yun. Mula sa pinagtataguan namin nakita namin yung grupo ng mga estudyante na malapit na sa gawi namin.

"VIA LEDESMA!! Magpakita ka na sa amin!!" Sigaw noong isa.

"Meaning ikaw nga talaga ang hinahabol nila?" Nagtatakang tanong ko kay Via, may atraso rin ba ang batang ito sa FOREMEN?

"Oo ate.. Kaya salamat ha.."

Nakakainis naman oh! Masyado lang pala akong napapraning! Hindi naman sa nanghihinayang ako na tumulong ako sa kanya pero nakakaasar talaga! Napakamot ako sa ulo ko ng biglang may sumipa sa pinto ng room na pinasukan namin. OMGEE! Andito na sila!!

"Aha! Dito ka lang pala nagtatago ah! At nagsama ka pa ng isa pang loser!" Sabi noong isang lalaki saamin. Hinila ko naman si Via sa likod ko at doon nila kami sinimulang basain ng fire extinguisher at pagbabatuhin ng itlog. Good for Via kasi nasa likuran ko siya at hindi siya tinatamaan, ipinikit ko na lang ang mata ko dahil hindi rin ako makakalaban nang andito ang batang ito. Hindi ko rin alam kung bakit umaasta akong heroine at pinoprotektahan ko siya. Lalo lang lumambot ang puso ko nang marinig ko na siyang umiiyak sa likuran ko.

Sister's insthink I guess. Wala akong kapatid na babae pero ganto rin ako nang makilala ko si Minji, palagi ko siya pinoprotektahan noon at ayokong nakikita siyang umiiyak.

Isang nakakapangilabot na tunog ang nagpadilat sa akin. Ang mga tinig na humihiyaw sa sakit at mararahas na suntok na naririnig ko. Andito ang demonyo na nanlilisik ang mga mata kasama pa ang ibang foremen na halos durugin ang buto ng mga estudyante sa harapan namin. Bakit sila nandito? Akong kailangan nila saamin? Nandito ba sila para tulungan kami o para sila ang mismong magparusa saakin? Naaalala ko yung sinabi saakin nong stranger kahapon.

"Kung girlfriend ka ni Tristan, dapat hindi ka nila pinapabayaan na ganito. Sinabi nila sayo na tutulungan ka nila diba? Pero nasaan na sila ngayon? WALA. Dahil wala silang ibang susundin kundi si Jacob lang. Sa madaling salita, alam nilang ito ang mangyayari sayo pero wala silang gagawin kundi panuorin kang mamatay sa mga kamay ni Jacob.."

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon