•CHAPTER 5•

15 3 0
                                    

Kusang loob na akong sumama kay Jacob para lang matakpan ang kahihiyan ko. Yakap ko pa rin ang sarili ko habang naglalakad kami papunta sa carpark.

"Sakay na!" Sigaw niya sakin. Binuksan ko naman yung pintuan ng kotse niya sa likod pero sumigaw ulit siya.

"Dito ka sa harap! Ano ako driver mo?! Aba't-" agad naman akong lumipat at sumakay sa tabi ng driver's seat. Napansin ko lang na parating nakakunot ang noo niya. Parang ang laki ng problema niya sa mundo.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?! Magseatbelt ka na nga lang!" Sigaw na naman niya. Kailangan ba laging naninigaw? Tss. Sinuot ko na yung seatbelt gaya nga ng sabi niya. Binuksan niya naman yung aircon. Nakanumber 4 pa.

Sana naman naisip niya na basa ako at ang lamig sa loob ng kotse niya. Baka mamaya magkapulmonya pa ako dahil natuyuan ako sa kotse niya. Hindi ako mapakali dahil nanunuot na sa balat ko yung lamig ng aircon. Tinitignan ko lang siya baka sakaling mapansin niyang giniginaw ako. Naramdaman niya naman sigurong nakatingin ako sa kanya.

"WHAT?!" Muntik na akong malaglag sa upuan dahil sa gulat. Laging naninigaw 'to.

"Baka pwedeng pakipatay yung aircon. Kasi ang lamig eh. Isa pa basa ako, alam mo magkakabenefit ka pa nun. Tipid sa gas." Pinilit kong maging maayos ang approach ko sa kanya.

"Eh sa naiinitan ako eh. Isa pa ikaw ba nagbabayad ng gas?" Sarkastiko niyang sabi. Nanggigigil na talaga ako sa delingkwenteng 'to! Ang sarap batukan!!! GRRRR! Niyakap ko na lang yung sarili ko. Yun lang naman ang magagawa ko eh.

"Hoy.." Tawag niya sakin paglingon ko sa kanya binati niya sa mukha ko yung isang jacket.

"Suotin mo." Utos niya na naman. Buti naman at may puso pala siya kahit papaano.

"Thank you.." Sabi ko at sinuot ko na yung jacket niya.

"Wag kang magthank you. Kung ako lang hindi ko ipapahiram yan sayo eh kahit pa mamatay ka sa lamig. Kaso nakakadestruct yang hinaharap mo. Hindi naman nakakahalay tignan eh. Nakakadiri lang talaga. Babae ka ba talaga?" Syet talaga siya! Umuusok na ang tenga't ilong ko sa mga pinagsasabi niya. Lahat ng lumalabas sa bibig niya ay puro na lang pang-aalipusta! Puro pamimintas at pang-iinsulto!

Konti na lang talaga! Talagang konti na lang! Nakakapikon talaga siya!!! GRRR!

Tinulog ko na lang ulit yung inis ko sa kanya kasi naman mabango naman yung kotse niya at medyo mahaba yung biyahe.

_______________________________________________________________________________

Pagkagising ko nasa harap na kami ng napakalaking hotel. Bumaba na si Jacob at inutusan akong bumaba.

"Asan tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Dito sa bahay ko. Magbihis ka lang at umuwi ka na. At isa pa, yang mukha mo ayusin mo ha. Ampanget mo na nga ampanget pa tignan." Yun lang yung sinabi niya. ARGH! Napakayabang! Ano bang ibig niyang sabihin sa ayusin ko yung mukha ko?

Iniwan niya naman na ako at yung mga katulong na ang nag-assist saakin.

Nalula naman ako. Ang akala ko naman hotel 'to. Mansiyon pala. At anong sabi niya? Bahay niya? Ano ba ang definition niya ng bahay?

"Miss.. This way.." Sabi noong isang maid na tingin ko nasa late 50's na.

Sumunod lang ako sa kanila. Nakakatakot dahil baka maligaw ako sa mansiyon na 'to.. Maya-maya dinala nila ako sa isang kwarto. Hindi ko alam kung kwarto nga ba ito o parang isang buong bahay na. Napakaluwag may sariling CR na at may kwarto pa sa loob ng kwarto kung saan nakalagay yung kama.

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon