Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi ni daddy. Kailangan ko raw lumipat sa Villamonte University dahil doon na raw siya nagtatrabaho at ang nakakagulat maski si kuya Xander. Isang magaling na marketing agent si daddy kaya trabaho ang lumalapit sa kanya. Matagal na siyang nililigawan ng Villamonte Global Companies pero naghehesitate siya dahil alumna siya ng Fuentabella. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari. Sinabi ko naman na baka mahirapan ako mag-adjust pero kasama raw yun sa pinirmahan niyang kontrata. Haaay. Wala na akong magagawa mamimiss ko ang Fuentabella University. Pero may positive namang epekto yung paglipat ko atleast mas madalas ko nang makikita si Tristan. Bumangon ako sa kama at kinuha ko yung cellphone ko sa study table ko. Tatawagan ko si Tristan at ibabalita ko sa knya. Sigurado akong matutuwa siya.
Pagdial ko sa number niya. Answering machine lang ang sumasagot. Bakit kaya? Siguro tulog na siya.
____________________________________________________
FIRST DAY OF SCHOOL
Okay. Eto ang unang araw ko sa pagpasok, kinakabahan ako buti pa si Jun exempted kasi varsity siya sa Fuentabella University kaya sayang naman yung allowance niya. At isa pa high school pa lang siya.
Naglalakad ako sa pavilion ng University, mas malaki 'to ng hindi hamak sa Fuentabella University at mas mukhang wild at harmful naman ang mga estudyante. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. Naisip ko bigla si Tristan.
Magmula noong gabing tumawag siya pagkatapos naming magdate kasama si Jacob yun ang last na pag-uusap namin. At simula nun hindi na ako mapakali. Hindi ko siya matawagan. Hindi siya nagrereply sa mga chat ko at hindi siya nagoonline ni wala man lang text at tawag nakakapanghina nga. Umaasa akong makikita ko siya ngayon dito sa University. Pero kaninang nagtanong ako kung may nakakakilala ba sa kanya ganto lang ang nangyari..
*FLASHBACK*
Pagkapasok ko pa lang sa University agad na akong nagtanong doon sa mga babaeng nakatambay sa corridor.
"Miss.. Pwedeng magtanong?" Sabi ko sa kanila. Napahinto sila sa pag-uusap nila. May pang-uusig sa mga mata nila. Napaatras nga ako nang irapan ako ng isa sa kanila.
"Mmkay.. Basta siguraduhin mong hindi masasayang ang oras ko." Sabi niya. Well maganda siya.
"Tatanungin ko lang kung may kilala kayong Tristan Enriquez?" Sabay-sabay napalaki yung mata nang mga babae na ikinagulat ko naman. May mali ba sa sinabi ko?
"Wait! Sino ka ba at bakit mo siya hinahanap? Isa ka sa mga stalker niya 'noh." Sabi noong isa. Ha? Anong stalker? Girlfriend niya kaya ako.
"Bakit masama bang hanapin siya? Gusto ko lang siya makausap." Tinignan lang nila ako mula ulo hanggang paa.
"Bitch!" Sabay-sabay nilang sabi. Hindi naman siguro sila chorale group diba? Isa pa mas mukha nga silang bitch kesa sakin. Ang iikli ng suot kulang na lang lumabas yung singit pati yung mga cleavage nila.
"Sa susunod wag ka ng mag-ilusyon na papansinin ka ni Tristan. May girlfriend na yun ano! Pero subukan lang niya magpakita saamin titirisin namin siya!" I stepped back. Mukhang seryoso sila. Kaya umalis na ako.
*End Of Flashback*
Yun lang naman ang nangyari. Nawala sa isip ko na sila nga pala ang tanyag na FOREMEN. Kasalanan yatang makipag-usap sa mga yun. Sa pag-iisip ko biglang may nabunggo ako nahulog yung mga dala kong books pero ako naman ang may kasalanan.
"Ayy.. Sorry! Sorry talaga!" Sabi ko tapos pinulot ko yung mga libro ko.
"Samantha?" Kilala niya ako? Napatingala ako sa kanya at nakilala ko kung sino siya. Muntik na akong mapatalon sa tuwa.

BINABASA MO ANG
Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTE
General FictionThis is a General Fiction. And Series siya by the way.