•CHAPTER 20•

15 3 0
                                    

Sobrang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at natagpuan ko ang sarili ko sa silid na pamilyar sakin. Nang makapag-adjust na ang isip ko, biglang naalala ko ang lugar na 'to. Ito yung warehouse kung saan nila ako dinala noong nasentensyahan ako.

Hindi ako makagalaw. Nakatali ang kamay at paa ko sa isang silya. Mula roon nakita ko ang tatlong kalalakihan na nagyoyosi, nang mapansin nilang gising na ako ay nilapitan nila ako.

"Gising ka na pala." Inirapan ko ang nagsalita.

"Aba't matapang ka talaga. Alam mo miss, hindi ka dapat nakikialam sa mga ganitong confidential na bagay. Sana tinikom mo na ang bibig mo kanina at pinili mo na lang tumakbo."

"Running away is not my surname." I said sarcasticly. Halos mapasigaw ako nang sabunutan ako ng huli. Bakit ba sa dinami-dami ng parte ng katawan ko, buhok ko talaga ang napagtitripan nila. Kanina, sina Britney.

"Natutuwa talaga kami sayo. Alam mo bang matagal ka na naming sinusubukang huliin. Ang kaso, malakas ang resbak mo eh. Imagine, girlfriend ka pala ng supremo.. Tsk. Tsk. Ngayon, siguradong mahuhuli din namin siya. Siya ang kusang lalapit samin, salamat sayo."

"Sa tingin mo, lalapit sainyo si Jacob dahil lang hawak niyo ako? Mga bobo! Wala akong halaga sa taong yun!"

"SINUNGALING!" Kasabay ng pagsigaw niya ang malakas na paninikmura niya sakin. Hindi ako nakahinga sa ginawa niya.

Kinuha nila ang bag ko at hinalungkat yun, ibinuhos nila sa sahig ang mga gamit ko at doon nila natagpuan ang cellphone na binigay sakin ni Jacob. Napangisi ang isa sa kanila, yung may hawak ng cellphone. May pinindot siya at maya-maya lang ay may tinawagan siya, dalawang ring lang at sinagot na yun ni Jacob.

"Anong problema mo Slave?" Bungad niya. Naririnig ko dahil niloudspeaker nila yung phone.

"Kamusta kaibigan?" At sabay ngumisi siya. Naiimagine ko na kung anong itsura ni Jacob ngayon.

"Sino 'to?"

"Hindi na importante kung sino ako. Gusto ko lang ipaalam sayo na hawak ko ang syota mo."

"Anong ginawa niyo sa kanya?"

"Wala pa naman. Pero kailangan mo sumunod sa mga kundisyon namin. Dahil kung hindi.." Sinabunutan niya ako. Gusto ko sumigaw sa sakit pero hindi ko gagawin yun, parang binibigyan ko lang sila ng dahilan para makuha ang gusto nila kay Jacob.

"MAGSALITA KA!" Sigaw niya sakin pero hindi ko siya sinunod kaya naman sinapak niya ako sa mukha ng ubod ng lakas.

"Hindi ka talaga magsasalita?!" Pagkasabi niya nun, binuga ko sa mukha niya ang naipon kong dugo mula sa bibig ko.

"ABA'T-"

"You will never touch her again." Halata ang awtoridad sa boses ni Jacob, hindi ko alam kung statement yun o command.

"WAG MO AKO UUTUSAN!" Parang isang demonyong sigaw niya kay Jacob kasabay ng paninikmura niya sakin ng ubod lakas.

"Ahh!" Napaubo ako sa sobrang sakit nun. Namilipit ako sa sakit.

"HAHAHAHAHAHA! Sa wakas at may lumabas na sa bibig nitong syota mo. Narinig mo yun? Pag hindi ka dumating mas malala pa rito ang gagawin namin sa kanya. Tulad na lang ng.." Bigla niya inamoy ang punong tenga ko. Tumayo lahat ng balahibo ko at halos mapatalon ako sa kaba. Doon lang ako tila nahintatakutan, "Hmmm.. Mukhang sariwang sariwa. HAHAHAHA! Alam mo ang tinutukoy ko!!"

"Basta, pumunta ka sa warehouse ng Villamonte, walang pulis, at walang kung sinuman kang pwedeng makasama. Kung hindi lagot samin 'tong syota mo."

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon