•CHAPTER 18•

12 3 0
                                    

Naglalakad ako sa pavilion nang makasalubong ko sina Frei, Bryan at Vince. Huminto sila at binati ako.

"Zup?" Si Bryan.

"Okay lang."

"Nasa news ka kanina." Napahawak ako sa sentido ko. Tama, laman nga ako ng news ngayong umaga, yun ay dahil sa incident sa condo ni Jacob kahapon. May mga nacapture na picture nang pagtatalo namin at ang headline ay, The Mystery Woman Of JACOB VILLAMONTE's Life

Ang saklap diba? Kasi hindi naman yung paninipa ko sa 'ANO' niya yung nakunan kundi yung para talaga kaming magsyotang nag-aaway. May ininterview pa na nakita raw mismo yung pangyayari at ang sabi:

"Opo, nakita ko po sila. Madalas po yang babae dito sa condo eh. Pero kanina, hinabol siya ni Mr. Villamonte at talagang parang may pinagaawayan sila. Tinawag pa nga po siya ni Mr. Villamonte eh. At walang pakialam si sir kung madaming nakakakita. Siguro mahal na mahal niya yung babae."

Ano naman connect nun? Napakadumi ng utak ng mga neighbors niya. Tss. Ayan tuloy hindi ako lumabas kahapon at hindi ko nasipot si Via dahil may mga sumusunod saking paparazzi kahapon, mabuti at nailigaw ko sila.

"Ano bang nangyari sainyo?" Si Frei.

"Hay naku! Wag mo nang tanungin! Nakakaasar lang."

"Like kelan ba naman kayo nagkasundo diba? Pero kung hindi lang namin alam na si Tristan ang boyfriend mo, iisipin talaga naming magsyota kayo." Si Bryan sabay nagtawanan sila maliban kay Vince. Si Vince talaga ang pinakaseryoso sa kanila.

"Oh ayan na pala siya eh." Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko roon si Jacob na naglalakad palapit samin. Nakabulsa ang dalawang kamay niya at biglang umingay sa hallway. Malamang andiyan na yung Campus King eh.

Pero may kung ano akong naramdaman.

Parang..
Parang nagslowmo lahat ng nasa paligid at blurred. Siya lang ang tanging sentro ng mga mata ko..

dugdugdugudug...

Napakahawak ako sa puso ko. Bakit ang lakas ng tibok nito? Kinakabahan ba ako?

May iba sa aura niya ngayon. Ang nakikita ko ay ang kulay brown niyang mapupungay na mata. At nakauniform siya? Tama.. Nakauniform nga siya, at ang buhok niya? Nakabrush up. At ang tenga niya, may piercing pa rin pero iisa na lang.

Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya at nagising lang ako ng pitikin niya ang noo ko.

"Ouch!"

"Sumama ka sakin." Marahas niyang hinawakan ang braso ko. Hindi ako nakakilos nang kaladkarin niya ako papunta sa bulletin board ng campus.

"Tignan mo yan.." Halos isubsob niya yung mukha ko sa bulletin board.

The Campus Lovebirds

Yun ang caption, pagkatapos may collage ng mga pictures namin ni Jacob na magkasama. At ang dami-dami na nun! Paano nila 'to nakuhanan? Ano bang sweet dito? Sa inis ko pinagpupunit ko yung mga pics sa bulletin board. Tinanggal ko yun isa-isa at crinumple saka ko hinagis sa sahig. NAPAKAMALISYOSO!

"Alam mo, sa dinami-dami ng babae rito. May class, magaganda at mayaman pa, ewan ko kung bakit sayo ako nalink. Nakakahiya. Tsk.. Tsk.." Sabi niya pa sabay umiling-iling. "Aba'y maswerte ka dahil sakin ka nalink." Wala akong oras sa pang-aasar niya pinagpatuloy ko na lang yung ginagawa ko.

"Tama! Yan nga ang gawin mo. Tutal ikaw naman ang may kasalanan niyan eh!"

"Akala mo gusto ko rin malink sayo?! Nakakadiri rin kaya. Isipin ko palang kinikilabutan na ako!"

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon