Alas nuebe na ng umaga nang bumangon kami at agad na pumunta kami sa hall para magbreakfast, Linggo ngayon at wala pa kaming pasok kaya naman hindi pa ako masyadong nagwoworry sa pagstay dito. And speaking of breakfast, pagdating namin dito sa hall, narito na ang buong Foremen at napakaingay na nina Frei at Bryan. Samantalang tahimik lang naman sina Vince at Jacob. Nasa round table kami at sinenyasan ako ni Jacob na maupo sa tabi niya kaya naman sumunod ako. Napansin kong may cut sa bibig ni Jacob at may maliit na pasa naman sa mukha ni Vince.
"Anong nangyari sa mukha mo Vince?" Tanong ni Alex.
"Nasubsob lang ako kagabi. Ayos lang naman ako."
"Oo nga. Okay naman sila. Nagkasubsuban lang kagabi." Sabi ni Frei, tinignan siya ng masama ni Jacob kaya napa-top siya sa bibig niya.
"Kalokohan niyo talaga. Anyway, let's eat.."
I smell something weird. Kagabi wala pa yung cut ni Jacob sa bibig at I'm sure na wala pa yung pasa ni Vince. Inignore ko na lang kung ano yung iniisip ko. Maya-maya nag-announce si Alex na magsuswimming raw kami. Agad kaming bumalik sa room namin para magpalit.
"Are you kidding me Samantha?" Taas ang isang kilay ni Alex habang sinisipat ang itsura ko. Nakashorts lang ako ng maikli at sando.
"H-ha? Ano bang masama sa suot ko?"
"You can't wear that. I bought you something. This black one." Pucha! Lihim ako napamura ng makita ko yung two piece na hawak ni Alex.
"Okay na ako rito. Hindi ko na kailangan yan!"
"Ano?! Sayang naman bes. Ang ganda oh!"
"Hindi kasi ako sanay sa ganyan. Nakakahiya."
"Listen Samantha. This is once in a lifetime. Isuot mo na. Oh kakaladkarin ka pa namin ni Minji at huhubaran para suotin mo lang 'to." HUWAAAAH!!!
_____________________________________________
Ayoko lumabas ng kwarto. Parang ayoko na magswimming sa ginawa nila sakin. Sobrang halay ng pinasuot nila sakin. Alex wore her red two piece. Si Minji naman nakakainggit dahil medyo wholesome yung two piece niya na kulay pink. Samantalang ako nakablack na two piece ako at nakabalandra yung cleavage ko tapos nag-apply pa sila ng light make up sakin.
"Oh my golly! You are so perfect Sam!" Tili ni Alex.
"Kaya nga sis. Oh my gosh bes. I'm sure boys will drool at you."
"No. Jake will definitely drool at you. Tignan nga natin ang masasabi ng pinsan kong yun. Hmp."
"Kayo na lang. Hindi na ako magsuswimming." I pouted. Napahawak ako sa batok ko.
"Talaga bang ayaw mo Samantha? Listen, you look great and you are so wonderful. Believe me. I know you can rock that sis."
Wala akong nagawa. Tuluyan na nga kaming lumabas, pero nagsuot muna ako ng maong shorts sa down part ko. Si Alex ay parang walang pakialam at tila sanay na sanay magsuot ng ganito maski si Minji ay ganun din. Siguro kasi natutuwa siya kay Alex dahil idol niya nga ito. Naglakad kami papunta sa beach at pinagtitinginan kami ng mga kalalakihan. Nang makarating na kami sa cottage namin, sobrang busy ng Foremen. Nag-iihaw sila ng barbecue at iba pang makakain, si Frei ang tagapaypay at si Bryan naman ang tagatuhog sa mga stick. Tss. May alam rin pala silang trabaho kahit papaano, napailing ako at napangiti sa naiisip ko.
"Hey guys!" Sigaw ni Alex na pumukaw sa buong atensyon nila.
"Wetwew.." Sipol ni Bryan. Nagtago ako sa likuran ni Minji at awa ng Diyos hindi pa naman nila ako napapansin. Nakapoker face lang si Vince, at si Jacob ay uminom lang sa beer in can na hawak niya.

BINABASA MO ANG
Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTE
General FictionThis is a General Fiction. And Series siya by the way.