•CHAPTER 13•

17 3 0
                                    

Mabuti na lang mabilis akong nakarating sa meeting place namin ni Via. Natanaw ko na siya mula sa glass wall at nakita niya rin ako kaya kumaway siya. Pumasok na ako sa cafe at lumapit sa kaniya, medyo nagtaka ako ng makita kong may kasama siya.

"Hi ate!" Masiglang bati niya sakin at tumayo siya para yumakap sakin. Kinilatis ko ang babaeng kasama niya at para siyang Diyosa ng kagandahan. Nakamaong shorts siya at nakahanging blouse, lumalabas yung pusod niya. Nakaboots siya na may 5 inches na heels at nakadecuatro siyang nakaupo sa couch.

Tinignan niya ako at matamis na ngumiti sakin, saka siya tumayo at hinarap ako. Golly! Nakakatomboy yung itsura niya.

"Hi.. You must be Samantha Sarmiento.." Parang pamilyar yung boses niya. Parang narinig ko na somewhere. She handed her hand to me.

"Ah. Oo ako nga.. Nice meeting you.." Balik ngiti ko sa kanya at tinanggap ko ang kamay niya.

"Nice meeting you too.. Finally.." Marahan akong napakunot noo. Finally? Bakit? Matagal na ba niya akong kilala? O baka naman naikukwento ako ni Via sa kanya.

"By the way.. I am Alexandra Villamonte. Jacob's cousin. Ako yung nakausap mo kanina.." Uh-oh.. Siya yung Alex? Yung nanghaharass kay Frei kanina, parang wala sa itsura niya na isa siyang maton.

"Ahh.. G-ganun ba.." Iyon lang ang nasabi ko sa kanya. Gusto kong sumabog ngayon sa harap niya sa pinagsasabi ko sa kanya kanina sa phone..

"Oh? Bakit namumutla ka? Wag ka mag-alala, wala na sakin yung kanina." Nakangiti pa rin niyang sabi. Hindi mo mababakas sa mukha niya na may galit nga siya sakin.

"Wait.. Magkakilala na kayo ate Alex?" Singit ni Via.

"Yup.. Kanina lang, she is Jacob's girlfriend."

"H-hin-"

"Sige maupo na tayo.." Pagpuputol niya sakin. Mukhang nagulat si Via sa sinabi nitong Alex at isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Via, hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip ni Alex pero hindi ko nagugustuhan na pinipilit niyang girlfriend ako ni Jacob. Umupo na kami at umorder.

"Ate Samantha. Thank you talaga sa pagsesave sakin last time ha."

"Ayos lang yun 'noh. Kahit sino naman siguro gagawin yun.."

"No.. Hindi lahat, dalawa lang kayong kilala ko na iririsk ang sarili nila para sa iba." Singit ni Alex na matamang nakatingin sakin. Nawiwirduhan ako sa kanya sa totoo lang. Naiintimidate ako sa way ng pagtingin niya sakin.

"Sabi ko sayo ate eh!" Masayang sabi ni Via. Hindi ko sila magets.

"A-ano bang gusto niyo sabihin?"

"You reminds us of someone.." Sabi ni Alex at biglang lumungkot ang mukha. "My bestfriend, Vince's recent girlfriend and Jacob's first love." Maski si Via ay nagbago ang ekpresyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para ilighten-up yung mood. Curious rin ako sa pahayag ni Alex. Heto na siguro ang sagot sa mga tanong ko kanina. Kung bakit may gap sa pagitan nina Jacob at Vince.

"Her name is Yuri Okamoto. Half japanese and half filipina. Kababata namin."

"Kaya ba may wall sa pagitan nina Jacob at Vince?" Tila nabigla si Alex sa tanong ko ngunit nakabawi rin.

"Napansin mo na rin pala. Oo tama ka."

"Nasaan na ba si Yuri?" Okay, I'm sorry, I'm just so curious. I can't help not to ask further questions.

"Nasa US siya ngayon. Nagbreak sila ni Vince because of Jacob."

Gusto ko pa sana magtanong pero parang wala ako sa lugar para magtanong pa. Feeling ko masyado na yun confidential.

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon