Sumama ako kay Jacob patungo sa VM's mansion, habang naglalakad kami paakyat pinagtitinginan kami ng mga katulong. Nagtataka siguro sila kung bakit may pasa kami pareho ni Jacob sa mukha. Huminto kami ng buksan niya ang pinto ng kwarto niya. Agad siyang naupo sa couch, nagpahinga lang siya saglit saka nagturan..
"Gamitin mo na ang CR. Sa kabila na lang ako." Pagkasabi niya nun ay iniwan niya ako. Agad akong pumasok sa CR at kumpleto naman lahat ng kailangan ko. May bathrobe, toothbrush at iba pang personal hygiene. May undies na rin na nakaprepare. Namula ako ng makita ko yun.
30 minutes yata akong nagtagal sa CR dahil nasarapan ako sa bathtub. Ang maligamgam na tubig na parang minamasahe ang katawan ko. Sobrang sakit ng katawan ko pero napapawi ng jacuzzi. Pagkatapos ko maligo, sinuot ko ang bathrobe na binigay sakin at maski ang undies. Kinuha ng mga katulong ang damit ko para labahan muna.
Paglabas ko, muntik na akong mapatalon nang makita ko si Jacob na nakabathrobe rin at basa ang buhok. Ganun rin naman siya at mukhang nagulat rin yata sa paglabas ko kaya naman pinilit na lang niyang tumalikod.
O//o
"A-akala ko tapos ka na.." Gusto ko lamunin ng lupa ngayon pero aanhin ko naman ang hiya? Afterall hindi naman masamang tao si Jacob. Wala naman siguro siyang masamang binabalak dahil kung meron man, hindi ako magdadalawang isip ipatikim sa kanya ang ginawa ko sa isa sa mga goons kanina.
"Nilalabhan pa nila manang yung damit ko."
"Ganun ba." May kinuha siya sa cabinet at naupo sa kama. Kung hindi ako nagkakamali first aid kit yun.
"Halika rito. Gamutin natin yang sugat mo."
"A-ako na. Kaya ko naman eh."
"Pwede ba?! Wag ng matigas ang ulo mo!" Lumapit ako sa tabi niya at naupo rin sa kama. Nilagyan niya ng alcohol yung cotton balls at pinahid sa bibig ko. Napa-aww ako sa hapdi nun. Pagkatapos nilagyan niya ng band-aid yung cut ko sa gilid ng bibig. Tahimik lang ako habang ginagawa niya yun, maya-maya ay nilagyan niya dinampian niya ng icebag ang mukha ko.
"Tapos na. Sa susunod, wag ka ng papasok sa gulo at kung papasok ka man, wag mo idadamay si Coby. Sa susunod hindi na kita ililigtas."
"Tss.. Oo na. Kitamo, ikaw rin pala may pasa ka."
"I'm okay. Don't mind me."
"Hindi yun okay. Akin na gagamutin ko rin." Kinuha ko yung icebag sa tabi niya at dahan-dahan yun pinahid sa pasa niya sa pisngi.
"Aray ko! Dahan-dahan naman. May galit ka ba sakin?"
"Wala 'noh. Kanina pinalo ka nila ng baseball bat sa likod at nakipagbuno ka sa mga yun. Ni wala akong narinig na 'ARAY' sayo. Ngayon, icebag lang nagrereklamo ka."
"Syempre iba yun. Adrenaline rush."
"Anong adrenaline rush? May aksidente ba? Ang alam ko, sa mga aksidente lang gumagana yun."
"Hindi ba aksidente yun? Nag-alala nga ako sayo." Out of nowhere niyang sabi. Nagulat ako sa huling sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Napablink-blink pa ako nang mapansin kong nakatingin rin siya sakin at maski siya ay mukhang nagulat sa lumabas sa bibig niya.
"A-ang ibig kong sabihin. Ano. Nag-alala ako kasi kasama mo si Coby!" Pagrarason niya, pero hindi umaalis ang tingin niya sa mga mata ko.
*Dugudugdugdug*
Bakit ganito yung pakiramdam ko? Parang may mali. Bigla na lang uminit yung paligid. At parang ayaw kumurap ng mata ko, nakasteady lang akong nakatitig sa kanya at ganun rin siya. Maya-maya ay bumaba ang titig niya sa mga labi ko.
BINABASA MO ANG
Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTE
General FictionThis is a General Fiction. And Series siya by the way.