Dumating na ako rito sa bahay. Umuwi na ako at hindi ko na pinasukan ang lahat ng subjects ko ngayong hapon. Dismayadong dismayado talaga ako sa nangyari samin ni Jacob. Napakayabang niya, kung pagsalitaan niya ako akala niya kilala niya na ako. Napaupo ako sa sofa ng bahay. Masyadong nakakabaliw ang mga nangyari ngayong araw.
"Problema mo?" Muntik na akong napatalon nang makita ko si kuya Xander, hindi ko napansin na naroon rin pala siya sa sala at nanonood ng TV.
"Oh kuya. Nakakagulat ka naman. Bakit andito ka? Wala kang pasok?" Sabi ko sa kanya. Pero imbis na sagutin ako ay tumayo naman siya at kumuha ng juice na inabot niya saakin.
"Oh ano na? Magkwento ka na.." Sabi ni kuya. Sa totoo lang hindi na kami nagkakausap ng ganto ni kuya Xander, matagal na rin siyang hindi masyadong nagsasalita mula noong nagbreak sila ng first girlfriend niya kaya nakapagtataka. Paano ko ba sisimulan eh sa TV naman siya nakatingin..
"Bakit may mga taong parang galit na galit sa mundo? Yung mga taong akala nila kaya na nilang bilihin lahat. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ganun siya umasta. Sobrang sungit pati.."
"Alam mo Sam, naniniwala ako na yung mga ganyang tao eh may pinanggagalingan eh. Wala naman kasing pinanganak na masama, lahat tayo hinuhubog ng napagdadaanan natin sa buhay."
"Ganun? Hmp.. Parang hindi naman, eh nasa kanya naman lahat, mayaman siya, sikat at nakukuha ang lahat ng gusto niya at sigurado ako doon. Ang swerte niya nga dahil hindi niya naranasan maghirap."
"Teka.. Sino bang pinaguusapan natin ha?" Tanong naman sakin ni kuya. Nakakunot na yung noo niya this time.
"A-aah.. Wala.. Hehe."
"Wala raw. Tss.. Boyfriend mo? Kaya siguro bago yang hairstyle mo 'noh.."
"HINDI AH! Susmaryosep naman. Kung may boyfriend man ako, hindi ganun kasama ang ugali. Atsaka anong kinalan nun sa gupit ko?" Inis na sabi ko kay kuya.
Pinagmasdan niya lang ako. Ang hirap talaga basahin ni kuya Xander palibhasa inborn na genius.
"Tignan mo yan oh." Sabi ni kuya. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa TV at nakita ko roon si Jacob? Oo si Jacob nga. Iniinterview siya.
"Yan si Jacob Villamonte. Siguro nameet mo na siya sa bago mong school." Psh.. Hindi lang nameet kuya! Siya mismo yung tinutukoy kong mayabang na hambog na isang malaking BRAT!
"Sila ang may-ari ng school niyo at billionaire yan. Pero sa tingin mo masaya kaya siya?" Hindi ko masagot si kuya. Sa halip tinignan ko yung mukha niya sa screen ng TV, mukha siyang adik. Yung buhok niya na kulay pula, may piercing pa sa tenga at yung mata niyang nakacontact lens ng pula.
"Palibhasa kasi hindi ka nanonood ng TV eh. Daig mo pa ang nasa bundok." Kantyaw ni kuya pero hindi ko siya pinansin. Nakaconcentrate ako sa mukha ni Jacob. Noong una ko siyang makita sa mall, kulay brown ang mga mata niya at hindi ko napansing pula ang buhok niya dahil nakacap siya nun.
"Alam mo yang si Jacob, sikat na sikat yan lately. Nagmomodel din siya sa bench dati dahil sa demand ng mga tao pero ngayon tinigil na niya dahil kayang-kaya niya raw naman bilihin yung buong kompanya. May pagkadelingkwente siya, balita ngang sobrang wild ng mga yan at may brotherhood fraternity sila sa University na siya ang founder. Madalas silang masangkot sa mga kaguluhan sa mga bar, mga basag-ulo raw ang mga yan." Natameme ako sa mga sinasabi ni kuya. Hindi ako makapaniwala na ginagawa nila yun, at kasama si Tristan doon.
"Kaya naman nakapagtataka diba? Mayaman siya, pero bakit ganun ang asta niya? Isa siyang halimbawa noong mga maswerteng tao na pinanganak na may gintong kutsara sa bibig gaya ng sinasabi mo kanina na kung sino man yun. Pero alam mo kung bakit siya ganun?"
BINABASA MO ANG
Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTE
General FictionThis is a General Fiction. And Series siya by the way.