•CHAPTER 22•

32 3 0
                                    

Pagkapasok ko ng university. Lahat ng madadaanan ko ay binabati ako. Nakakapagtaka na marami palang nakakakilala sakin. Nang makahalatian ko na ang catwalk, nakita ko si Jacob na nakasandal sa isang poste ng catwalk. Nagyoyosi. Tss. Gangster. Hindi ko sana siya papansinin dahil sa nangyari sa pagitan namin kagabi. Hindi ko alam kung ano pa ang mukhang ihaharap ko sa kanya pagkatapos nun. Babalik sana ako sa pinanggalingan ko at tatambay muna sa library pero nilingon niya ako.

Hindi ko na maiatras yung paa ko kaya naman nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Iiwasan ko muna siya. Tama that's a good idea.

Nakarating na ako sa tapat niya at Lalagpasan ko sana siya pero hinablot niya yung kamay ko. F*ck! Pinagtitinginan kami ng mga tao. Nakakahiya na!

"Hoy! Ano ba? Yung kamay ko!" Bulong kong reklamo sa kanya.

"You were my fake girlfriend remember?"

"Sa harap lang ni Britney. Hindi rito sa campus."

"Pwes pakalat-kalat lang rito yun. We need to convince her na tayo nga talaga at matutulungan tayo ng audience. Ano pa ang acting natin kung walang audience. Dapat sila ang una natin maconvince."

"Sus daming alam! Baka nakakalimutan mo ang last rule sa kontrata ko! No foul touches!"

"Feeling mo gusto ko 'to?! Mahiya ka nga! Just act, okay." Nabigla ako ng akbayan niya ako. Nagsitilian ang iba sa schoolmates namin. Duhh! As if teenager naman sila na kinikilig.

"Lagot ka. Magmumulta ka sakin mamaya, bugok!"

"Barya lang yun sakin." Tss. Yabang!

Sa totoo lang, ayoko sana siya makausap sa ngayon pagkatapos ng nangyari kagabi. Pero mukhang binabalewala rin lang naman niya kaya ganun rin ako. Simula ngayon, palagi ko na ipaalala sa sarili ko ang limitasyon ko. Di bale, 5 days lang Samantha. Tapos ang kontrata, makakausap ko na si Tristan at lalayuan mo rin si Jacob. Bulong ko sa sarili ko. Hinatid ako ni Jacob sa classroom ko pagkatapos ay umalis rin siya. Kinuha niya yung sched ko at inutos niyang wag akong aalis nang wala siya. Sa madaling salita, susunduin niya ako.

Pagkapasok ko ng classroom. Nakita ko agad ang grupo nina Arriane at umiiwas na sila sakin. Gusto ko sana silang kaibiganin. Lumapit ako sa kanila at tila nabigla sila.

"Gaganti ka na ba?" Nginitian ko siya.

"Hindi. Wala yun sa bokabularyo ko. Gusto ko lang makipagkaibigan. Sa totoo lang, noong una pa lang gusto ko na talaga makipagkilala sainyo pero siguro hindi yun right time." I'm trying to be friendly kaya sana naman ganun rin sila. I offered my hand at nabigla ako nang tanggapin niya yun.

"You know what. You're really different. You are the kings girlfriend yet you're so nice. I'm sorry kung naging hard kami sayo." Alam kong sincere naman sya sa paghingi niya ng sorry.

"Ayos lang yun. Tulad nga ng sinabi ko, siguro wrong timing lang talaga."

"Yeah right. Actually naiinggit kami sayo noon. Syempre, sa dinami-dami naming nagkakandarapa kay Jacob. Bakit sayo pa, diba? Pero ngayon, narealize ko na iba ka talaga. Special ka talaga, you and Jake deserves to be happy." May kung anong kumurot sa puso ko. Paano kapag nalaman nilang fake girlfriend lang ako ni Jacob at si Tristan naman talaga ang boyfriend ko? Ganun pa rin kaya ang magiging tingin nila sakin? Naputol ang pag-uusap namin nang dumating ang prof namin. Mabilis naman natapos ang klase ko at gaya nga ng bilin ni Jacob , hinintay ko siya rito sa building ng Business Management.

Maya-maya may naulinigan akong maingay sa banda roon. Parang nagkakagulo ang mga estudyante. Nakiusyoso na rin ako at nawindang ako sa nakita ko. Si Jacob ang nasa loob ng kotse at nakagapos ang tatlong kumidnap sakin sa likod ng kotse at kinakaladkad niya sila gamit ang kotse. Bumaba si Jacob sa kotse at pagod na pagod na rin ang tatlo. Halos namamatay na sila sa mga itsura nila. Hindi ko maiwasang maawa sa kanila. Suot pa rin nila ang mga damit nila kahapon na may mantsa na ng dugo.

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon