•CHAPTER 2•

27 3 0
                                    



_________________________________________________

Ngayon yung date namin ni Tristan. Syempre maaga akong nagprepare. Gusto ko maging presentable sa mata nya. Ewan ko ba, di pa ako ganun kakomportable kapag kasama siya. Siguro dahil na din sa di ako sigurado kung bakit ako ang nagustuhan nya. Bakit nga ba ako? Eh di naman ako maganda tapos sya sobrang gwapo nya, ang dami nga nagkakagusto sa kanya kahit sa school namin eh. Kaya ayoko may makaalam, baka maging tampulan lang ako ng asaran sa school.

Di ako mayaman, nasa middle class lang kami, samantalang sya, mayaman ang pamilya nya.

Naaalala ko pa nga nun eh. Di ko alam na taga_Villamonte University sya, ang totoo nyan, di ako popular sa school. At ampanget ko. HAHA 😃

Palagi nga ako tinutukso sa school, kasi napakaold school ng get up ko, baduy daw as in super baduy. Boyish type o losyang ba ang tamang term dun?

Apat kaming magkakapatid, pangatlo ako at syempre lahat sila puro boys. Si kuya Red ang panganay namin, si kuya Xander ang pangalawa, ako na ang sumunod at si Jun, (Stands for Junior)

Di naman sa conservative sila pero siguro nakakalimutan lang nila na babae ako. One time nung 15th birthday ko niregaluhan ako ni mommy ng PSP. Si daddy naman he gave me a black scarf. Tapos si Jun naman varsity jacket. Pero syempre tinanggap ko. Si kuya Xander, binigyan nya ako ng ticket sa isang movie. Transformer? Awkward lang. HEHE 😃 Si kuya Red naman, ayun jersey ng Golden State Warriors. HAHA 😃 Siraulo yun eh.

Kaya ayun parati talaga ako binubully. Until naging kaklase ko si Minji.

Gusto nya daw ako maging bestfriend, at imemakeover nya daw ako. Palagi ko na nakikita si Tristan nun sa tapat ng school namin, tapos palagi nya ako nginingitian. Di ko alam kung ano yung pakay nya sa school. Di naman sa snob ako pero iniisnob ko sya. Ang gulo ko.

At si Minji, ayun ang daming pinaggagawa sakin. Go with the flow na lang ako, until such time parang may nagbago na nga sakin. Parang naging babaeng babae na nga ako kumilos at manamit.

Dun na din ako nilapitan ni Tristan. Sabi niya nakucutan daw siya sakin. At yun, ako pala yung palagi nya pinupuntahan sa school, we became friends hanggang sa niligawan nya ako.

Napakabait ni Tristan, tapos sweet pa kaya naman, magpapakipot pa ba ako? Sinagot ko na sya pagkatapos ko siya pahirapan ng anim na buwan.

Ang swerte ko ba? Oo swerte talaga ako kasi boyfriend ko si Tristan, maliban sa gwapo na, mabait pa at gentleman.

Teka nga andami ko pang daldal, kinuha ko yung blue dress ko sa cabinet. Tapos naligo na ako then nagbihis, i didn't bother to put some make up on my face, saka sanay naman si Tristan na ganto ako, simple.

Pagkatapos ko magbihis, bumaba na ako, nagpaalam ako kay mommy at ang sinabi ko magkikita kami ni Minji. Okay I lied.

Nakokonsensya rin naman ako pero siguro dadating din yung right time para sabihin sa kanila ang lahat-lahat.

VM'S HAVEN CAFE
Okay. Andito na ako sa restaurant na meeting place namin ni Tristan. GRABE ANG LAKI NG LUGAR!! Nakakalula! Naririnig-rinig ko na 'to dati, first class resto 'to at nagluluto sila ng international cuisines dito, usually mga foreigners at mga public figures daw ang mga guests dito. Mukha tuloy akong ewan. Argh!  Parang ang liit ng pakiramdam ko.

"Ma'am ikaw po ba si Ms. Samantha Sarmiento?" Sabi sakin noong isang crew tapos nakangiti sya sakin. Tumango ako at inescortan nya ako papunta sa isang table. Noong nakita ako ni Tristan, napatayo sya while he's smiling. Pero may kasama sya eh. Sino kaya yun? Tapos biglang tumayo din yung kasama nya at lumingon sakin.

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon