•CHAPTER 15•

11 3 0
                                    

Gusto ko magmura nang makita ko siya. Agad akong tumayo sa kanlungan ni Jacob at ganun rin siya. Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Britney.

"Who the hell are you?! Slut!!" Sigaw niya sakin. At sinunggaban niya ako pero mabilis si Jacob at hinarangan niya ako.

"Stop it Britney!"

"Who's that whore?! Paano mo nagawa sakin 'to?! You're cheating on me Jacob!!" Sabi pa niya habang umiiyak.

"I'm not cheating on you Britney!"

"Yes you are! You were making out. At kung hindi ako dumating baka mas worst pa ang nangyari sa inyo ng cheap at malanding babae na 'to! You were almost there and half naked." Ang sarap basagin ng pagmumukha ng Britney na 'to! Anong ''Making Out' and 'Almost There' ba yung pinagsasabi niya. At anong 'Half Naked'.. Napakadumi ng utak ng babaeng ito.

"Can you please calm down."

"No! I can't! Sino ba yang babaeng yan?!"

"What are you doing here?!" Imbis na sagot ay balik tanong sa kanya ni Jacob.

"I am your fiancee."

"No. That's not gonna happen Britney. Nahihibang ka na. Umalis ka na rito sa pamamahay ko." Tila bumalik sa kanya-kanyang glands niya ang luha ng Britney.

"You can't do this to me Jake!!" Brat rin pala ang babaeng 'to. This is what I hate about rich kids. They act like they own the whole world.

"Umalis ka na. Wag mo na kami guluhin." Ha? Hindi ko alam kung bakit tumaas ang balahibo ko sa word na 'KAMI'.

"Don't tell me you and this bitch were-"

"Yes.. We are.. And we love each other that much. So if I were you, I will suit myself and go home immediately." WTF! Parang nabasag ang eardrums ko sa narinig kong sinabi ni Jacob sa babaeng ito. I don't know how to react. Hindi ko nga namalayan na hinapit na ni Jacob ang bewang ko at hinalikan ako sa noo.

"Nasaktan ka ba hon?" Tanong niya sakin. He's looking at me straight to the eyes as if I were really his.

"H-hindi naman ako nasaktan.." Gusto ko batukan yung sarili ko dahil sinagot ko siya at parang sinakyan ko pa yung kalokohan niya.

Nanggagalaiti sa galit yung Britney at sinampal si Jacob ng ubod ng lakas sa pisngi.

"Malalaman to ni tita. I will make sure that you and that stupid effin girl will suffer! And you-" baling niya sakin. "I swear you're gonna pay for this! I will do everything para maghiwalay kayo!" She was about to slap Jacob for the second time but the butlers stop her. Kinaladkad siya ng mga ito habang nagsisigaw siya. Nang wala na sila sa silid, hindi ko napigilan ang sarili ko at

"Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya bilang sagot sakin. Gusto ko siyang sipain papuntang Planet Venus ngayon, nakakapanggalaiti talaga ang taong ito. Since hindi ko naman siya pwedeng sapakin dahil may sakit siya. Inignore ko na lang yung ginawa niya kanina, feeling ko naman hindi ko na makakatagpo pang muli yung Britney na yun.

"Pasalamat ka at may sakit ka. Kung hindi basag yang mukha mo sakin. Ulol!" Sabi ko sa kanya.

"Pare-pareho kayong mga babae. Masyado kayong maingay!" Iritable niyang sabi.

"Totoo bang fiancee mo yun?" Tanong ko sa kanya pero ngumuso lang siya.

"Infairness ha. Maganda siya atsaka maswerte ka dahil maganda yung fiancee mo. Pero bakit parang sukang-suka ka diyan." Dagdag ko pa ngunit humalukipkip lang siya.

Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon