Pagkalabas nila sa kwarto, tumakbo ako sa switch ng ilaw para iswitch on yun, pagkatapos triny ko buksan yung pinto pero nakalock ito sa labas! Shit! Sinipa ko yung pintuan sa inis ko. Tumakbo ako papunta kay Jacob at binuhat ko yung ulo niya pahiga sa mga hita ko. Wala siyang malay, iginala ko ang paningin ko papunta sa braso niyang nagdurugo. Tinanggal ko yung blouse ko at pumunit ng tela doon para ipanglinis sa sugat ni Jacob na walang tigil sa pagdurugo, kinuha ko yung alcohol ko sa bag at pinatakan yun ng konti para iwas infection. Matapos ko punasan, pumunit ulit ako para ipangtali sa sugat niya para tumigil na ang dugo.
"Jacob.. Gumising ka.." Sabi ko sa kanya habang tinatampal-tampal siya. Maya-maya lang dumilat siya at tumingin sakin, napansin kong brown na ulit ang mga mata niya, katulad noong una ko siyang nakita sa mall. Imagine, nasa ganito na kaming sitwasyon pero napansin ko pa yun.
"A-anong nangyari? Nasaan na ang mga bugok na yun?" Utal niyang sabi, mababakas sa mukha niya ang iniinda niyang sakit, dahan-dahan siyang bumangon at hinimas-himas ang batok niyang nahampas ng baseball bat.
"Umalis na sila.. Natakot sila sa pellet gun na hawak ko. Pero may problema tayo, we are trapped here. Nilock nila ang pintuan." Kumunot lang yung noo niya at mukhang iritableng tumingin sakin.
"Then call the security! Idiot!" Aba't gago pala 'to eh! Tumayo ako at hinarap siya.
"Alam mo, napakahambog mo talaga! Transferee ako diba? Malay ko ba sa security hotline niyo!?"
"Odi kesa dumadaldal ka diyan, tawagan mo na lang!" Oo nga naman. Wala naman kasing sense makipag-argue sa kanya. Teka..
Aish! Kung minamalas ka nga naman oh. Napapikit ako at biglang nanghina, nawala nga pala yung cellphone ko kahapon.
"What now!?" Sigaw niya sakin.
"Eh kasi.. Nawala yung cellphone ko kahapon.."
"Hah!? Napakastupid mo naman!!"
"Odi kesa kung anu-anong pinagsasabi mo diyan, ikaw na ang tumawag! Siguro naman may cellphone ka at malamang sobrang gara pa niyan. Siguro latest ng apple o samsung pa nga yung cellphone mo, syempre mayaman ka diba?" Dire-diretso kong sabi sa kanya pero dumilim lang yung mukha niya.
"Naiwan ko yung cellphone ko sa kotse.." Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Tss kung minamalas ka nga naman oh. Iniimagine ko pa lang na kasama ko si Jacob dito sa isang room.
*Imagination*
"Jacob! Tama na.. Ahhh!"
"No.. Spread your legs Samantha.. Ohhh.."
"Ahh- f*ck.. You're so hard.."
*END OF IMAGINATION*
Huwaaaaah!! Hindi pwede 'to!! Hindi pwede!!
"Gumawa ka ng paraan! Hindi pwede 'to! Anong silbi mong may-ari netong school! Asan na yang pinagmamalaki mong ikaw ang King ng school na 'to!!" Hysterical kong sabi. Medyo dumistansya rin ako sa kanya para kung ano man ang gawin niya handa ako.
"Bakit? Sa tingin mo gusto ko ring makulong dito?!" Sigaw niya sakin.
"Alam mo kasalanan ko naman talaga eh! Kung hinayaan mo na lang ako umalis kanina, edi sana wala tayo rito!!"
"Hindi ko kasalanan kung tsismosa ka!" Hindi ko maintindihan kung bakit nagsisigawan kami eh kaming dalawa lang naman sa room na 'to. Kahit kailan talaga napakasagwa ng ugali niya.
"Alam mo, akala ko cool ka eh! Wala ka naman palang kalaban-laban doon sa mga bugok na yun! Akala mo kung sinong Supremo ng frat yun naman pala lampa!"
BINABASA MO ANG
Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTE
General FictionThis is a General Fiction. And Series siya by the way.