Chapter 01

47 3 0
                                    

" Mama!!!!!!!!!! Papa!!!!!!!!!! "

Sigaw ng 6 na taong gulang na batang babae, habang umiiyak na nakatingin sa usang bahay na tinutupok na ng malaking apoy.

" Tulungan nyo po ang mga magulang ko....nasa loob pa po sila ng bahay namin. "

" Parang awa nyo na po Mamang bumbero..tulungan nyo po sila Mama at Papa."

Umiiyak na pagma-makaawa ng batang babae sa hinarang nyang isang bumbero na may dalang malaking hoss , na mapadaan sa tapat nya.

" Ano ba bata! Umalis ka dyan sa daraanan ko! "

Inis na sigaw ng bumbero sa batang babae.

" Pero Mamang bumbero...tulungan nyo po ang Mama at Papa ko, iligtas nyo po sila. "

" Bata, sa laki ng apoy na yan hindi na namin kayang pumasok pa dyan sa bahay nyo, dahil kapag sinubukan pa namin kami ang mamatay."

" Paano na po ang Mama at Papa ko...nandoon pa po sila sa loob. "

" Sa bilis ng pagkalat ng apoy na yan, paniguradong lahat ng nandyan sa loob nyan ay paniguradong abo na. "

"A- an- ano pong ibig nyong sabihin? "

" Mapatay man namin agad ang apoy at mapasok man namin ang bahay nyo at makita man namin ang mga magulang mo sa loob, paniguradong patay na rin sila."

Umiling ng sunod- sunod ang batang babae habang walang tigil sa paglandas ang mga masaganang luha sa kanyang mga mata.

" Hi - Hin - Hindi po to-toto - totoo yan, buhay pa po sila , nangako po sila sa akin na hindi nila ako iiwan. "

" Bahala ka kung ayaw mong maniwala. "

Sabi ng bumbero at nilagpasan na ang batang babae.

Tumingin muli ang batang babae sa bahay na tinutupok pa rin ng apoy...habang paulit - ulit sa kanyang isipan ang sinabi ng bumbero.

" Patay na ang mga magulang mo.... "

" Patay na ang mga magulang mo.... "

" Patay na ang mga magulang mo.... "

"Hindi!!!!!! Mama!!!!!!!!!!!!!!!!
Papa!!!!!!!!!!!! "

KRING!!!!!!!!! KRING!!!!!!!!!!!

" Mama!!! Papa!!! "

Hinihingal na napabalikwas ako ng bangon sa aking kama, habang sapo ang aking dibdib dahil sa bilis ng pagtibok ng aking puso.

" Panaginip. "

Sabi ko sa sarili ko at saka mariing pinikit ang aking mga mata.

TOK! TOK! TOK!

Napatingin ako sa pinto at agad na pinatay ang aking alarm clock. Inayos ko ang sarili sa pagkakaupo sa aking kama at saka huminga ng malalim at pinilit na ngumiti.

" Bukas po yan! "

masiglang sabi ko sa kung sino mang tao na nasa labas ng kwarto ko.

" Goodmorning! po Nanay Soling! "

Masayang bati ko ng mkapasok na sya sa loob ng kwarto ko.

Sya si Nanay Soling, 52 years old, sya ang pinakamatagal ng katiwala dito sa bahay nila Lolo at Lola. Mabait, palangiti at mapapagkatiwalaan at masarap magluto, at itinuturing na naming parte ng pamilya.

MY SWEET GIRL ( updating )Where stories live. Discover now